Kabanata 28

16 6 0
                                    

"Stanley!" sigaw ni Moon habang hinihingal dahil sa kaniyang pagtakbo. Sa dami ng tao ay hindi niya agad nahabol si Stanley kanina kaya sumigaw siya para mapakinig siya ng binata.

Lumingon naman si Stanley sa paligid noong narinig niya ang pangalan niya pero agad ring dumiretso nang wala siyang makita.

Nasagi kasi si Moon at natumba sa kaniyang kinatatayuan. Nasagi siya ng malaking lalaki kaya naiinis siya. Nang tumayo siya ay hindi na niya nakita si Stanley. Mukhang nakalayo na ito kaya napabuntong-hininga na lamang siya.

Agad na siyang humanap ng masasakyan para makauwi na. Sasakay na sana siya nang may dumating na matandang lalaki na agad na sumakay sa sasakyan. Pang-isahan lamang kasi iyon dahil diretso hatid na, pribado kumbaga. Kapag sumakay ka, dapat ikaw lamang. Napakarami pa namang tao kaya ganoon ang istilo ng mga drayber. Napakamot na lamang siya ng ulo at saka inalalayan ang matanda sa pagsakay.

"Maraming salamat sa iyo," bati ng matanda at saka siya inabutan ng barya.

"Naku, hindi po ako tumatanggap ng ganiyan," pagtanggi ni Moon kaya agad na dinagdagan ng matanda ang kaniyang bigay.

"Heto, sana ay sapat na iyan," seryosong saad ng matanda.

"Hindi po iyon ang ibig kong sabihin, lolo. Hindi po ako tumatanggap ng bayad, libre ho iyon dahil nais ko lamang kayong tulungan," nakangiting sagot ni Moon na pinagpapawisan na dahil sa init ng araw.

"Ay ganoon ba, maraming salamat sa iyo," tugon ng matanda at saka tuluyang sumakay na.

Nag-abang pa siya ng ibang sasakyan kaya agad siyang nagmadali nang may nakita siyang paparating na sasakyan. Pinara niya ito pero may dumating naman na buntis na panay ang paypay sa sarili at kinausap agad ang drayber at nagpahatid.

Napakurap na lamang si Moon at napapaypay na rin sa sarili. Lagi siyang nauunahan.

Marami ang nag-unahan para makasakay lamang sa sasakyan at makauwi. At sa wakas ay nakasakay na rin siya. Lumingon muna siya kung wala nang sasakay at napangiwi na lamang nang makitang wala na namang sasakay dahil siya na lamang ang naroon. Inabot na siya ng paglubog ng araw dahil sa masyadong mapagpalamang.

"Sakay na hijo," alok ng drayber.

"Sige ho, maraming salamat," sagot ni Moon at saka sumakay na.

Sa kalagitnaan ng biyahe ay biglang tumigil ang sasakyan kaya napapikit na lamang siya dahil sa nangyari.

"Naku, naubusan tayo ng gasolina. Hindi na kita maihahatid, hijo," nahihiyang pag-amin ng drayber.

"Ganoon ho ba? Bibili ho ako ng gasolina para makauwi rin ho kayo sa inyo," pagpresinta ni Moon.

"Naku, huwag na hijo, baka maglakad na lamang ako at bukas na ito kuhanin."

"Malayo pa ho ba ang bahay ninyo?"

"Oo, malayo pa pero kakayanin kong maglakad. Kaarawan kasi ng aking asawa, plano naming manood ng paglubog ng araw pero mukhang hindi ko magagawang tupadin ang planong iyon dahil gabi na ako makakauwi," malungkot na kwento ng drayber.

"Masaya ho bang magkapamilya?"

Hindi napigilan ni Moon ang kaniyang sarili na magtanong dahil pinapangarap niya na magkaroon ng pamilya.

"Masaya, may dumadaang problema pero hindi kami nabubuwag. Mas pinatitibay pa namin ang aming pananampalataya para patatagin ang aming pundasyon," masayang kwento ng drayber.

"May anak ho kayo?" tanong ni Moon.

"Mayroon, dalawa. Isang babae at isang lalaki, napakamasunurin at paminsan-minsan naman ay napakakulit."

Azarea [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now