Kabanata 1

47 9 0
                                    

"Anak. . ."

"Anong ginawa mo sa aking ina? Lumayo ka nga, kung sino ka mang nilalang," walang emosyong sabi ng binata.

Ang binatang ito ay si Moon, anak ni Sariya at ni Adam. Mapapansin ang gwapong anyo ni Moon na nakuha niya sa kaniyang ama. Maputi rin ang balat nito, matangkad, mapupungay na kulay kape ang mata, mapula at manipis na labi, matangos na ilong at kulay itim ang buhok. Nakasuot ito ng kulay puting damit at itim na pambaba. Kung pagmamasdan ang binatang si Moon, madilim ang awra nito sapagkat mapapansin ang walang emosyon niyang mata. Matalim ito kung tumingin at akala mo ay laging pagod.

"Isa siyang Agos, anak. Wala siyang ginawa sa akin at sa katunayan ay siya pa ang nagligtas sa akin," depensa ni Sariya.

"Kung ganoon ay sino ho ang may gawa sa iyo niyan?" baling ni Moon sa ina.

"H-halina at ihanda na natin ang ating mga kagamitan para sa ating pag-alis."

Iniliko agad ni Sariya ang paksang pinag-uusapan nila at agad na tumayo.

"Ina, sagutin mo ang aking tanong. Hayaan mo at wala akong gagawing masama sa kung sino mang may gawa niyan sa iyo."

Dahil sa sinabing iyon ni Moon, napabaling sa kaniya si Azarea at manghang napatitig dito na agad namang napansin ni Moon kaya sinalubong niya ang titig ng dalaga. Kumunot ang noo ni Moon kaya naman napaiwas ng tingin si Azarea.

Nakakatakot naman ang binatang ito. Iyan ang nasa isip ni Azarea.

"A-ang reyna," pabulong na banggit ni Sariya.

Napatagis-bagang na lamang ang binatang si Moon at mahigpit na napapikit. Halata sa binata na siya ay nagtitimpi at kinokontrol lamang ang kaniyang galit dahil sa pangako niyang hindi siya mananakit o gagawa ng kung anuman.

Ngunit sa isiping ang reyna ang pumatay sa kaniyang ama at ang nanakit sa kaniyang ina, nagpupuyos siya sa galit subalit kailangan niyang pigilan.

Lumipas ang ilang minuto at natapos ang mag-ina sa pag-aayos ng kanilang dadalhin habang si Azarea naman ay dinaluhan ng tatlong kulay puting ibon na dala-dala ang tatlumpung diyamanteng nakalagay sa isang puting telang may kulay pulang laso.

Gaya ng sinabi ng inang reyna, inihatid nga sila ng hangin patungo sa mundo ng mga tao.

"Bakit nga ho pala kasama pa natin ang babaeng iyan, ina? Tiyak na magiging isipin pa natin iyan doon sa ating mundo," reklamo ni Moon na nakakunot pa rin ang noo.

"Huwag kang magsalita ng ganiyan, Moon. Sigurado akong magiging madali lamang para sa atin ang mabuhay kasama si Azarea. Mabait siyang bata at hindi sakit sa ulo," sagot naman ni Sariya habang si Azarea naman ay tahimik lamang na naglalakad sa tabi ni Sariya at nakayuko dahil sa hiya.

"Ngunit hindi tayo ganoong kayaman para suportahan ang pangangailangan ng babaeng iyan."

"Hay anak ko, hindi kayamanan ang kailangan ni Azarea. Ang kailangan niya ay ang kagaya ko na magpaparamdam sa kaniya ng pagmamahal ng isang ina kaya manahimik ka na lamang diyan at maglakad at huwag magreklamo pang muli," saway ni Sariya at tinapik ang balikat ng anak. Siya namang pagkapit niya sa braso ni Azarea at saka umunang maglakad.

"Sadya po bang ganoon kasungit ang anak ninyo, ano pong itatawag ko sa inyo?" hindi napigilang usisa ni Azarea. Pabulong lamang ito para hindi marinig ng kung sinong nasa likod.

"Ina na lamang rin ang itawag mo sa akin dahil ituturing na kitang anak simula ngayon."

Napangiti naman si Azarea sa winika ni Sariya. Sa isiping magiging parang tunay na ina niya si Sariya ay tunay na nagpapagaan ng kaniyang puso.

Azarea [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now