Kabanata 17

12 5 0
                                    

"Ina!" sigaw ni Moon ngunit hindi naman tumutugon ang kaniyang ina.

"Ina, kailangan ko ang tulong ninyo!" muli pa niyang sigaw.

"Dapat bang hagdan na lamang ang tawagin ko dahil baka iyon pa ang mismong lumapit sa akin," pagkausap ni Moon sa kaniyang sarili kaya napailing na lamang ito.

"Ina, nakikiusap ako. Kailangan kong makababa," pakiusap pa niya pero hindi yata siya naririnig ng kaniyang ina. Posibleng tulog na ito at ang malas lamang niya kung tama nga siya.

"Ama, sana ay nakakalipad ako. Sana lamang ay may pakpak ako para makababa na ako rito. Sinabi ko kay ina na imposible ang magkagusto ako sa babaeng iyon kagaya ng kung gaano kaimposibleng makalipad ako. Dito na yata ako matutulog ngayong gabi," bulong ni Moon na animo ay kinakausap ang kaniyang ama.

Humiga lamang siya sa bubong at tumitig sa kalawakan. Tahimik ang paligid at madilim pero mayroon namang buwan na nagbibigay liwanag. Maraming bituin sa langit at mayroong madalas kung kumislap pero meron rin namang naroon lamang at may liwanag pero hindi kumikislap.

Naramdaman niyang bahagyang sumakit na ang likod niya.

"Ang sakit na ng likod ko at mas sasakit pa kung dito ako matutulog buong gabi," reklamo niya at saka pilit na kinapa ang likod niya.

Pinilit niyang pumikit at matulog na dahil mukhang malalim na ang gabi.

"Hay, paano ko kaya susuyuin ang babaeng iyon kung narito ako at nasa baba siya?" buntong-hininga na lamang niyang tanong sa sarili. Pasalamat na lamang siya dahil walang nakakarinig at nakakakita sa kaniya dahil baka pagtawanan siya.

Si Azarea naman ay nasa baba lamang at hindi niya inaalis ang tingin niya sa bubong. Natutuwa kasi siya sa bagong natuklasan niya sa sarili niya. Mukhang binigyan siya ng kapangyarihan ng kung sino man. Malaki ang posibilidad na galing iyon sa kaniyang lola dahil ito lamang ang may kakayahang makakita ng mga pangyayari.

Nakahiga siya sa kaniyang kama habang nasa kisame ang parang ulap kung saan ay nakikita niya ang mga pinaggagawa at sinasabi ni Moon. Para lamang siyang nanonood ng nakakatawang palabas. Hindi dahil sa naroon si Moon kung hindi dahil sa kinakausap talaga nito ang sarili at paminsan-minsan pa ay sinasagot nito ang sarili.

Napalitan ng ngiti ang kaniyang pagpipigil ng tawa nang biglang umayos ng upo si Moon at narinig na naman niya ang pagkanta ng binata. Nais niyang marinig ang boses ng binata dahil para itong anghel kung umawit. Mahihimbing tuloy siya sa pagtulog pero alam niyang ang binata ay hindi mahihimbing. Mamaya na lamang niya ito pupuntahan pero iyon ay kung magigising siya agad.

May lumipad na tatlong uwak sa taas kaya biglang napaupo na lamang si Moon. Bahagya siyang natakot dahil akala niya ang kung ano iyon kaya naisipan na lamang niyang kumanta para maalis ang takot.

Sa'n darating ang mga salita
Na nanggagaling sa aming dalawa?
Kung lumisan ka, 'wag naman sana
Ika'y kumapit na, nang 'di makawala

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo'y magiging ikaw

'Wag mag-alala kung nahihirapan ka
Halika na, sumama ka
Pagmasdan ang mga tala

Pilit rin niyang inaayos ang boses niya dahil masyadong malamig at bahagyang nanginginig ito. Pumikit siya para hindi na makita pa ang mga uwak na parang may parada dahil kanina pa silang umuuli sa kaniyang paligid.

Azarea [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now