Chapter Twenty-Nine (The Mated Alpha)

12.3K 368 1
                                    

"No matter how bad things get, something good is out there, just over the horizon…"

Hal Jordan, Green Lantern

_____

(Philcan's Point of View)

Ibang-iba ang sistema ni Philcan ng umagang iyon. Parang nabigyan siya ng bagong lakas. Naalala niya ang nangyari kagabi, kung ilang beses nilang ginawa ang bagay na iyon. Tama nga ito, hindi kailangan pag-aralan ang Kama Sutra dahil natututunan iyon kapag pareho niyong ginusto. Kusang ang mga katawan ang magdadala sa tamang paraan. Sa ilang beses nga nilang ulit mukhang nagawa nila lahat ng posisyon at parang may dagdag pa. Napapangiti siya ng maalala kung gaano naging wild ang gabi nila. Ang galing pala ng kanyang kleinos sa bagay na iyon. Hindi halata. Nagalingan kaya ito sa kanya?

Nasasabik na naman tuloy siya. Gusto niya na naman tuloy maulit. Mamaya nga ulit. Napangiti siya.

Gumalaw ang kanyang kleinos at isiniksik pang lalo ang hubad na katawan nito sa hubad din niyang katawan. Mahimbing pa rin itong natutulog. Mukhang pagod na pagod. Hyper kagabi eh. Haha.

Hinalikan niya ang ulo nito.

I want us to be like this forever.

I don't want this to end.

I will sacrifice everything just to be with you.

I lo..

"Hmmm..gising ka na pala," nag-angat ito ng tingin. "Anong nangyari sa mata mo?" nagulat ito.

"Huh?"

"Kulay blue na,"

"Huh," tumingin siya sa glass wall ng kanyang kwarto. Kitang-kita ang pagbabago ng kanyang mata. Anong nangyari sa mata niya.

"Are you okay? May sakit ka ba?" nag-alala ito. Sinipat pa nito ang noo niya.

"No, I feel good, actually better, more stronger right now,"

"Are you sure?"

"Yeah, don't worry, we Alphas never get sick," kinontak niya agad ang kanyang Avunculus nang masuot niya ang kanyang maliit na saplot.

Nag-appear ang hologram nito sa harap ng kama niya.

"Bonum Mane Philcan, wooh!" nagulat ito ng makita si Abby na natatakpan ng kumot at siya naman ay nakatayo sa kabilang bahagi.

"Tinawag niyo ako para sabihin na nagsex na kayo, ano gusto niyong sabihin ko, oh eh di wow! Inistorbo niyo ang mapayapa kong pagkain sa umaga para lang ipagmalaki sa akin ang..,"

"Alican! nakakarindi ka! ang aga-aga, h'wag mo nga kaming sermonan, masakit pa ang katawan ko!" nagsimula na rin ang kanyang kleinos. Nakalimutan na ang kanyang problema.

"Sorry naman," ngumisi naman ang kanyang Avunculus. "Mukhang exciting ang ginawa niyo, effective talaga 'yong binigay ko kay Philcan na 'The Art of Performing the Kama Sutra',"

Napapahawak na lang siya sa noo.

"Oy! si Abby, nagbublush!" tukso pa nito kay Abby.

"Alican! tumigil ka na nga, may sakit si Philcan,"

"Sakit? Impossible. Hindi nagkakasakit ang Alpha, anong nangyari?"

"Look at my eyes," ipinakita niya ang mata rito.

"Oh, anong meron?" ininspeksiyon pa nito.

"Avunculus, it's blue,"

"Yah, I can see that, natural lang 'yan because you just mated,"

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now