Chapter Forty-Three (First Move)

8.1K 241 0
                                    

"Everything living is lethal, Life is dangerous, and kills. To eat, you die a little each time. To keep living is to move towards death. But my thoughts tell me that death is only apparent, that only the flesh rots. That perhaps this is not the only reality. That a sweet dream awaits us at the end of this agitation. A sweet dream..."

Angeline, FAQ: Frequently Asked Questions

_____

(Abby's Point of View)

"I'm home!" anunsiyo ni Abby. Nasa likod niya si Vlex at ang dalawang beta na bitbit ang mga pinamili niya. Nakita niya sila Philcan sa sala mukhang naglalaro ang tatlo ng xbox na sa malamang nakuha na naman sa earth 'yong mga bala, mas futuristic nga lang ang dating dahil sa in-improve ang design at function ng xbox.

Mabilis na binitawan ni Philcan ang controller at lumapit sa kanya, "Welcome back!" hinalikan siya nito at niyakap.

"S'an mga bata?"

"Natutulog na sila sa kwarto natin,"

"Ah okay, anong..," hindi niya na natuloy ang sasabihin ng may biglang tumunog na alarm.

"System breach! System breach!" paulit-ulit na sabi ng boses.

"Someone is accessing the system!"

Biglang naging alerto si Philcan, maging sila Zion at Cerus ay mabilis ang naging pagkilos. Anong nangyayari?

"System shutdown! Delete all the data!" biglang sigaw ni Philcan.

"Puntahan mo ang mga bata." utos nito sa kanya. Tumango siya at mabilis na tinakbo ang kanilang kwarto. Kahit hindi niya alam ang nangyayari may palagay siyang hindi maganda iyon.

"Alala!" tawag niya, hindi pa siya nakakalapit sa pintuan ng kwarto ay bumukas na iyon.

"Abby, anong nangyayari?" ito rin ay nagtataka.

"Hindi ko rin alam, nasaan ang mga bata?" mabilis siyang pumasok sa kwarto nila.

"Maayos ang mga bata," mahimbing pa rin ang tulog ng mga ito. Nakatayo sa kanya-kanyang crib ang mga omega. Naka-alert mode rin ang mga ito.

"Salamat naman," napaupo siya sandali sa kama.

Ano kaya ang nangyayari? Kinakabahan siya. Sa tagal ng pananatili niya sa Xenica ngayon lang ulit siya kinabahan ng ganito. Naputol ang kanyang pag-iisip ng pumasok si Philcan sa kwarto nila.

"Abby, doon muna kayo sa living room ng mga bata," bumaling ito kina Alala. "I want all of you to be on alert, focus on my peter et filius,"

"Yes Alpha!" pahayag ng apat.

Nang nasa sala na sila, mukhang lahat ng character ay naroon. Ano ba talagang nangyayari?

"Zion, what is the status?"

"They're on alert level 2 Sir! All the gates are closed." tugon nito sa ama.

"Tell them na kapag may nakitang kahina-hinala report it immediately!"

"Yes Sir!"

"Cerus?" tanong naman ng ama nito.

"The searching team is ready Sir! They're waiting for our signal Sir!"

"Qy?" tanong naman ni Alican.

"I'm working on it Sir! The intruder is using an untrackable device Sir!"

"Don't give me that damn reason! I want to know who is the intruder, ang lakas ng loob niyang pasukin ang system ng bahay ko!" nakita niya ang galit sa aura ng kanyang Patrem Vulcan.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now