Chapter Five (Dreams or Reality)

14.7K 467 12
                                    

"I hate space!"
Dr. Ryan Stone, Gravity

_____

Takot...Pangamba...Pagkalito...

"Sino kayo? Anong ginagawa niyo sa bahay ko?"

Pagkalito...Kaba...Takot...

"Anong gagawin niyo sa akin? Pakawalan niyo ako!"

Pagmamakaawa...Iyak...Takot...

Wala na siyang magawa, unti-unti ng siyang nawawalan ng malay...

Napabalikwas si Abby sa mga nagflashback sa kanyang memorya. Naroon pa rin ang panginginig ng buo niyang katawan. Binalot na naman siya ng matinding takot ng makita ang lugar kung saan siya ngayon. Puro puti kasi ang makikita sa kwartong iyon. Pati ang kanyang damit ay nag-iba na rin, puti na rin ito. Nasaan na siya?

Umuwi siya sa kanyang apartment na madaling araw na dahil sa dinalaw niya ang kanyang pinsan subalit nadatnan na lamang niya ang anim na lalaki at dalawang babae na may mga kakaibang kasuotan, parang space suit gaya ng mga napapanood niya sa tv, para ngang x-men suit, sa una ay akala niyang nagkamali lang siya ng pinasukang apartment. Pero impossible naman 'yon dahil siya lang naman ang nakatira sa apartment. Napagtanto niya na siya ang pakay ng mga ito ng bigla na lang siyang hawakan sa magkabilang braso ng dalawang lalaki na pareho gwapo. Oo, kahit under attack na siya napapansin niya pa ang mga gan'on.

Nagpumiglas siya pero wala siyang laban bigla siyang nagpanic kaya sumigaw siya ng malakas. Pero walang nangyari, hindi man lang nabulabog ang kanyang mga kapitbahay. May inilabas ang isang magandang babae na syringe at lumapit sa kanya. Hindi na siya nakapagreact ng mabilis nitong itusok sa kanyang leeg ang syringe.

Iyon ang huli niyang naaalala at ngayon nga pagkagising niya ay narito na siya sa puting kwartong ito.

Bumukas ang pinto. Niyakap niya ang kanyang sarili. Hindi niya alam kung anong pwedeng mangyari sa kanya. Iniluwa roon ang isang gwapong lalaki. Gwapo na naman? Nasaan ba talaga siya?

Naglakad palapit sa kanya ang lalaki, pinagmasdan niya itong mabuti, mukhang nasa mid 40's na ito pero bakas pa rin ang tikas ng katawan. Nakasuot ito ng puting damit na nakapaloob sa white coat katulad ng sa mga doctor at puti rin ang pantalon nito. Teka si San Pedro ba ito? Oh No. I'm dead na nga ba? 

Ngumiti ito ng makalapit sa kanya, "Gising kana pala, kumusta ang pakiramdam mo?"

"Nasaan ako? Sino ka?"

"Mamaya ko na sasagutin ang mga tanong mo, icheck-check ko muna ang vitals mo," akmang lalapit na ito sa kanya pero lumayo siya.

"Huwag kang lalapit!" banta niya, naghahanap siya ng kung anong maipanlalaban rito pero wala siyang makita tanging kama lang ang naroon.

Hindi na nga ito gumalaw sa kinatatayuan.

"Qy, scan the vitals please," mayamaya ay pahayag nito.

Nagulat siya ng umalingawngaw ang boses ng isang babae sa kwartong kinalalagyan nila.

"Scanning vitals," may kung anong green light na lang ang nakatuktok sa kanyang katawan.

Kinabahan naman siyang bigla, "Vitals are stable, he's feeling scared right now and his heart is racing fast, human please try to relax," anang boses.

"Thanks Qy,"

"Anong ginawa niyo sa akin? Sino kayo? Nasaan ako?!" hysterical na siya. Hindi na kasi niya alam kung anong mga nangyayari.

"Calm down, please sit down," kumalma siya ng bahagya. Wala na rin naman siyang magagawa kung magwawala siya, mauubos lang ang natitirang lakas niya. Naupo siya sa kama, naiiyak na siya, ano kayang balak ng mga itong gawin sa kanya? Sino ba ang mga ito? Wala naman siyang natatandaan na naging kaaway niya o may galit sa kanya. Mga tauhan kaya ito ng isa sa opisyal ng gobyerno na ganid dahil may mga tinututulan silang mga projects dahil masisira nito ang kalikasan. Grabe naman, bakit naman siya. Papatayin ba siya nito dahil lang sa hindi sila makapangbulsa sa kaban ng bayan.

Naputol ang pag-iisip niya ng magsalita ulit ito, "Ako si Alican, isa akong genetic scientist, outerspace engineer at kabilang sa lahi ng mga Alpha dito sa planetang Xenica," mahinahong pahayag nito.

Unti-unti siyang nag-angat ng mukha, "Huh?" hindi maproseso ng utak niya ang sinabi nito. Malayong malayo sa naiisip niya ang sinabi nito.

"Naniniwala ka ba sa mga alien?"

Nagtatakang tiningnan niya ito? Mukha namang seryoso ito. Hindi siya sumagot.

"Oh well 'yon ang tawag niyo sa amin sa planeta niyo diba? Alien," pag-uulit nito sa salitang ayaw niyang paniwalaan.

Kung joke man ito, hindi siya makatawa dahil nanghihina pa rin siya sa takot tanging nasabi niya na lang ay, " Palabasin niyo na si Tito Joey, nawow mali ako,"

"Huh?" ito naman ang may pagtatakang tumitig sa kanya, " Sino si Tito Joey?"

"Woo..kunwari ka pa siya yung host na mahilig mangprank sa mga pinoy," sasakyan na lang niya ang mga ito.

"Mukhang okay ka na, nakarecover ka na sa neurogenic at cardiogenic shock, that's good, Qy, connect me to Alala," utos nito sa kung sino man.

"You are connected," anang boses. Ang galing naman ng set-up nila Tito Joey, parang totoo pero hindi siya magpapaapekto.

May nagsalitang babae pero hindi niya maintindihan ang sinasabi nito, pinagmasdan niya si Alican, "You can come in," sabi lang nito.

Bumukas ang pinto at iniluwa naman n'on ang isang magandang babae. Maliit ito ng konti sa kanya, kung si Alican ay puro white, ito naman ay green ang suot. Nakaminiskirt ito at nakablazer, para itong papasok sa opisina.

"Siya si Alala, isa siyang Vyaktigata Naukarani omega, siya ang magiging personal assistant mo dito sa Xenica, lahat ng pwede mong iutos ay siyang gagawa," pinagmasdan niya ang magandang babae. Wow bongga may instant alalay siya. Pero hindi dito bagay ang maging alalay baka nga pagnagtabi sila ay siya ang maging alalay. Sandali nga lang nanalayo tayo sa usapan.

Nagsimula naman ang kabang nararamdaman niya, mukhang napakaseryoso naman ng mga ito at mukhang hindi nagbibiro, baka nga wala naman siya sa wow mali pero malay niya bang magagaling umarte ang mga ito.

"Isuot mo iyan," sabi ni Alican. May inilahad sa kanyang dalawang maliit na box si Alala laman noo'y mga maliliit na pasquare. Ang isa ay kulay puti at ang isa ay kulay light brown.

"Ano 'to?" naguguluhan na talaga siya.

"Para maintindihan ka ni Alala kailangan mong isuot ang mga chips na yan, ang isa sa tainga at ang isa sa ngipin," paliwanag ni Alican.

"Ayoko!" Nahihibang na ba ang mga ito baka kung anong mangyari sa kanya kapag ginawa niya ang sinabi ni Alican.

"Hindi kayo magkakaintindihan ni Alala kapag hindi mo sinu..,"

"Eh bakit ikaw naiintindihan ko?" noong una ay iniisip niya na nasa wow mali siya pero ngayon naman ay nasa asylum ata siya at kasama ang mga baliw na ito.

May tinanggal si Alican sa bibig nito at nakita niyang katulad ng chips na kulay puti iyon, nagsalita si Alican pero hindi na niya maintindihan.

"Mga baliw, huwag niyo nga akong pinaglololoko," naiiyak na naman siya, "Sino ba talaga kayo? Sabihin niyo na ang totoo, ayoko na ng ganitong biro,"

Ibinalik ni Alican ang chips sa bibig,"Hindi ka namin niloloko totoo ang sinasabi namin, hindi ka pa rin ba naniniwala?"

Umiling siya.

Bumuntong hininga ito. "So kailangan ko na talagang gawin 'to," naramdaman niyang umangat ang kama kaya napatayo siya bigla.

Nakita niyang nasa ere na ang kama habang si Alican naman ay nakataas ang isang kamay mukhang pinapagalaw nito iyon. Bigla na lang nagcrumple ang kama at nagmukha na itong nilamukos na papel. Gulat na gulat siya sa pangyayari, hindi pwedeng maging tricks 'yon. Bumaling siya kay Alican.

Ngumiti ito, "Naniniwala ka na?"

"Paa..no..ng.." unti-unti na siyang bumabagsak subalit mabilis na nawala si Alican at bigla na lang lumitaw sa likod niya, sinalo nito ang bumabagsak niyang katawan na tuluyan ng namang nawalan ng malay.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now