Chapter Twenty-One (Despedida Part Two)

10.5K 388 1
                                    

"There can be no understanding between the hand and the brain unless the heart acts as mediator."

Maria, Metropolis

_____

Masakit ang ulo ni Abby ng magising siya kinaumagahan. Wala si Philcan sa tabi niya, alam niya kagabi ito ang umalalay sa kanya pabalik sa kwarto. Bumalik sa alaala niya ang mga nangyari kagabi.

Matapos nga nilang kumain dinala na ng mga ito ang mga inumin at mga pulutan sa sala. Ang nagiging pasimuno niyon ay si Celeste dahil wala namang alam ang mga ito sa pag-iinuman. Kung may alam man ito hindi iyon katulad ng gagawin nila. Ang mga Xygus kasi ay mapahalaga sa katawan. Napakabalance ng mga diet nito. Kaya nga gan'yan na lang ang mga katawan nila.

"Alala, hindi ka p'wedeng tumanggi, kailangan mo rin uminom. Okay twin sister!"

"Pero Celeste!"

"Walang pero pero! Ganito kami rito sa earth magwelcome ng mga bisita!"

Wala nang nagawa si Alala kung hindi ang sumunod. Nagsimula na silang uminom, sa una ay medyo light lang ang iniinom niya dahil ayaw niyang malasing. Hindi siya sumali sa ginagawang pagpapaikot ng baso ni Celeste. Ito kasi ang naging tanggera.

Lumipas ang oras ay napasali na rin siya sa tagayan. Nagsisimula ng tamaan si Celeste kaya nakakaisip na ito ng mga kung ano anong pakulo.

"Mag spin the bottle tayo!" sabi niya na nga ba. Bakit sa inuman kapag may kasamang babae hindi nawawala ang spin the bottle?

"Pano ba 'yon?" tanong ni Cerus mukhang wala pang mga tama ang mga gwapong alien. Tiningnan niya si Alala tahimik pa rin ito sa tabi pero mapula na ang mga pisngi nito.

"Ganito 'yon papaikotin ko itong bottle tapos kung sino ang matuturo ng nguso ng bote may dalawa siyang pagpipilian it's either truth or consequence, kapag truth sasagot siya sa isang tanong pagconsequence naman ang pinili gagawin niya ang dare!"

"Sounds interesting, sige sige, game," excited na sabi ni Cerus. Tiningnan ni Celeste ang iba, walang reaksiyon kaya in-assume nito na okay lang.

"Ayokong sumali r'yan!" deklara niya.

"Kuuuu. KJ," sambit nito.

"Ay, ayaw ni Abby, ibang game na lang, gawin na lang natin 'yong 'Hunger Games', pa'no ba 'yon?" sabi ni Cerus.

"Chungaers! Pelikula 'yon!"

Nagkamot ito sa ulo, "Ay akala ko game 'yon,"

"Game nga iyon, kaso kakaibang game iyon," sabi niya na lang.

"Magpatugtog na lang tayo para masaya tutal naman napakaKJ nitong si Abby," mabilis na pumunta sa may stereo si Celeste.

Kj na kung kj. Alam na rin naman kasi niya ang ipapagawa sa kanya kung sakaling natuloy ang laro. Napaka-predictable naman kasi! Sino ba kasi ang nakaisip ng bagay na 'yan! Walang utak.....(tigil sa pagsusulat).

Lagot ka Abby nagtampo si amo! mas marunong ka pa raw kaysa sa kanya!

Sorry! Peace kamo!

Sige sabihin ko.

Oh ano raw?

Sandali, tumitiyempo ako!

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat