Chapter Seven (A Narrow Escape)

13.7K 458 2
                                    

"1,500 years ago, everybody knew that the earth was the center of the universe. 500 years ago, everybody knew that the earth was flat. And 15 minutes ago, you knew that humans were alone on this planet. Imagine what you'll know tomorrow."

Agent K, Men in Black

_____

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-absorb ng utak ni Abby ang lahat ng sinabi at ipinakita sa kanya ni Alican. Totoo ngang nasa ibang planeta siya, kitang-kita niya ang earth sa laboratory nito na nagsisilbing galactic headquarter and observatory ek ek or whatsoever! Nakakaloka. Lumabas siya sa building na iyon para lumanghap ng sariwang hangin para kasing naubusan siya ng oxygen sa lahat ng nalaman niya. Pinagmasdan niya ulit ang paligid, totoo ngang magkapareho ang planetang ito at ang earth. Papalubog na ang araw ng mga oras na iyon o kung araw ngang matatawag iyon. Sobrang laki. Isa pang ikinagulat niya ay pareho lamang ang tao at ang mga alien na ito. Ang akala niya ay nakakatakot ang mga alien katulad ng mga napapanood niya sa pelikula. Parang mga reptiles ganun. Pero ng pagmasdan niya ang paligid lahat ay gwapo at maganda. Wala atang pangit sa lugar na ito. Nahiya tuloy siyang bigla, mukhang siya lang ang pangit sa planetang ito, kinapa niya ang sariling mukha, cute naman daw siya sabi ng kanyang nanay noon, pati ang kanyang bestfriend.

Syempre malalapit 'yon sayo. Heto na naman ang panira sa pagmumuni-muni niya.

Tumahimik ka nga. Kausap niya sa sarili.

Che! Sungit. Bahala ka nga. Buti nga sayo nakidnapped ka.

Napatigil na naman siya ng mapagtanto ang sinabi ng kanyang isip na may sariling isip. Hindi nga pala sinabi ni Alican kung bakit siya dinala sa lugar na ito. Ipinaliwanag lang sa kanya na nandito siya at ang mga alien nga ang mga ito. Iyon ang  katanungang nais niyang mabigyan ng sagot.

Huminga siya ng malalim bago muling bumalik sa building subalit nagulat na naman siya ng nasa likod lang pala niya si Alala.

"Kanina ka pa ba diyan?"

Tumango lang ito.

"Pinasunod ka ba ni Alican? Hindi naman ako mawawala kasi hindi ko alam ang lugar na ito, kaya hindi ako lalayo at mas lalong hindi ako makakatakas dahil hindi ko alam pabalik sa planeta namin," nahingal siya sa haba ng sinabi.

"Ako po ang iyong utusan, kaya kahit saan po kayo magpunta ay nand'on ako," kung gaano kahaba ang sinabi niya gan'on naman kaiksi ang tugon nito.

"Pero hindi ko kailangan ng utusan, hindi naman ako magtatagal dito saka bakit niyo pala ako dinala rito, huwag niyong sabihin bihag niyo ako at iaalay niyo ako sa mga kalaban niyong alien din?" mahabang lintaya na naman niya.

"Hindi ko po masasagot ang tanong niyo, wala akong karapatang sagutin ang bagay na 'yon, Pasensiya na po," yumuko na naman ito.

"Okay lang, si Alican na lang tatanungin ko," pero nagdalawang isip din siya. Pa'no kung totoo pala ang nasa isip niya dahil hindi nga nito masagot ang simpleng tanong niya. Saka bakit naman siya ki-kidnap-pin, wala namang mapapala sa kanya ang mga ito, kung si Queen Elizabeth makukumbinsi pa siya dahil well known personality ito, eh siya isang hamak na simpleng mamamayan lang ng bansang Pilipinas.

So, ano ba talaga kuya ang dahilan. Sumakit na ang ulo niya sa pag-iisip pero wala talagang rason siyang mahagilap.

Hindi kaya dahil sa virgin ka pa kaya ka nila kinuha, gagawin kang virgin oracle.

Anong alam ko sa mga oracle oracle na yan!

Or hindi naman kaya dahil sa virgin ka pa kaya ka nila kinuha, ipapakain ka sa halimaw.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon