Chapter Thirty-One (A grand adventure is about to begin)

12K 335 12
                                    

"The fact that you possess a sense of morality and we do not give us a evolutionary advantage and if history had proved anything it is that evolution always wins."

Faora, Man of Steel (2013)

_____

(Abby's Point of View)

Nasa sector Shi siya ngayon. Kung saan mabibili lahat ng iba't ibang libro, parang iyon ang nagsisilbing library, pero high tech sila. Naka e-books na sila. Lahat ng gusto mong malaman patungkol sa history ng Xenica ay naroon. Mga data ng mga research, experiment, even mga information sa iba't ibang planeta, galaxy, stars, putik ang dami!

Nagpunta siya roon dahil nga kailangan niyang mag-aral kung ano ang mga nararanasan sa pagbubuntis. Confirmed. Buntis na siya. Ikaw ba naman araw-arawin pagkain lang ang pahinga. Kung hindi pa siya nagtatago baka warak na warak na siya. Grabe ang pinagdaanan niya habang nag-aadjust si Philcan sa pagkakamated nito. Grabe rin ang pinagdaanan nito dahil kapag ayaw niya talaga, wala itong nagagawa, nanghihina talaga ito ng sobra. Gan'on pala ang mga Xygus na Alpha. Buti na lang talaga tapos na ang stage na iyon. Pero kahit tapos na ang stage na iyon. Humihirit pa rin ito. Masyadong mahilig. Buti na lang masyadong busy ito ngayon, parating may mga meeting ang council kasama si Philcan maging sila Zion at Cerus. Parang naghahanda ang mga ito sa kung ano man, hindi na siya nagtatanong, ayaw niyang mastress, nagdadalang tao..xygus pa naman siya.Mabuti nga iyon para maenjoy niya naman ang pagbubuntis niya tulad ngayon mag-isa lang siya..ay hindi pala parati palang nakabuntot sa kanya ang mga nagbabantay sa kanyang beta, para na tuloy siyang 'yong asawa ng kilala niyang kongresita sa Pilipinas, masyadong madaming bodyguard. Si Alala naman ay pinauwi niya muna para makapagpahinga, alam niya kasi kapag nagsimula na siya sa pagbubuntis mahihirapan na naman ito.

"Apolectus Unum," nagulat ang isang nagbabantay sa section ng mga books about infantry, pregnancy at iba pang may kinalaman sa pagbubuntis. Pa'no niya nalaman? Nagtanong siya syempre at itinuro siya rito.

"Hi," bati niya rito. Para talaga siyang celebrity dito sa Xenica. Sikat na sikat, kulang na lang humingi ang mga ito ng autograph sa kanya.

"Ano pong maipaglilingkod ko?"

"Titingin lang ako ng mga books," sabi niya.

"Sige po,"

Hindi kasi alam ng mga medical beta ang mararanasan niya sa pagbubuntis dahil first time in history na tao ang magdadala ng magiging Alpha nila someday. Mas lalo naman siya hindi niya alam ang bagay na iyon, basta ang alam niya mahirap daw iyon sabi ng mga kaopisina niya dati sa earth. May morning sickness daw iyon pero dahil nga sa lalaki siya mararanasan niya rin kaya iyon? Bahala na. There is a first time for everything naman eh. Hindi naman siguro siya pababayaan ni Philcan lalo na si Patrem Vulcan, mas natuwa pa nga ito ng malaman na nagdadalang tao..i mean nagdadalang xygus na siya. Mas naging magiliw ito sa kanya.

Samantalang itong si Philcan naman ay sa una ay tuwang tuwa pero ng nalaman na hindi sila makakapagsex bigla na lang ipinatawag lahat ng defense beta at sinaktan ang mga iyon sa sinasabi nitong training. Oh well that's Philcan. Ang Philcan na mahal niya at mahal siya. Kinilig siya ng maalala ang ginawang pagtatapat ng nararamdaman nito sa kanya. Pareho pala sila ng nararamdaman sa isa't isa. Possible pala 'yon. Kakilig lang talaga. Maik'wento nga sa mga susunod na kabanata. 

Nag-ikot ikot pa siya. Nakadisplay lang kasi ang mga tablet doon na may title ng mga books. Wala siyang maintindihan kaya tinawag niya ang nagbabantay.

"Miss, hindi ko maintindihan, pa'no 'yon?" iba nga pala ang language na ginagamit ng mga Xygus.

"Don't worry Apolectus Unum, once na trinasfer na natin sa tablet mo ang mga mapipili mong books, maiintindihan mo na siya, for now, gamitin mo muna ito," may ibinigay ito sa kanyang eye glasses, "makikita mo na 'yong mga title sa language na gusto mo, sabihin mo lang kung anong language,"

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now