Chapter Fourteen (The Beginning of Everything)

13.9K 493 14
                                    

Sometimes, the best way to help someone is just to be near them.

Veronica Roth, Divergent

_____

Malamig ang simoy ng hangin. Kay saya ng bawat damdamin. Lalo na ang kanyang damdamin. Hindi kasi pumayag ang kanyang ama na sumama si Abby kay Avunculus, dito na raw ito maninirahan sa bahay kasama siya at ang kanyang ama, poor Abby, napapangiti siya kapag nababanggit niya ang pangalan nito. Kanina ng tawagin siya nito sa pangalan ay kakaiba ang kanyang naramdaman. Hindi niya pa ito tinatawag sa pangalan nito pero iniisip pa nga lang niya ay natutuwa na siya pa'no pa kaya kung banggitin niya na.

Ngayon nga ay nasa kwarto niya ito at iniinspeksiyon ang kanyang mga gamit. Simula ng dumating sila sa bahay ay mangha-mangha ito sa mga kagamitan nila.

"Philcan,"

"Yes?" nakangiti siya.

Bumaling ito sa kanya, "Anong nginingiti ngiti mo r'yan?" nakakunot noo ito.

"Wala, bakit masama na ba ngayon ang ngumiti?!"

"Wag ka ngang magsuplado diyan, anong gamit nito?" inangat nito ang isang locator device.

"Locator device 'yan, panghanap ng mga gamit ko na hindi ko alam kung saan ko nailagay," tumango-tango ito.

"Eh ito?" may inangat na naman ito.

"Navigation Glasses," nagtaka siya, parang balisa ito.

"May problema ba?" usisa niya.

Huminga ito ng malalim, "Ano kasi..ano..ano..ahm..,"

"Ano?!"

"Talaga bang magtatabi tayo sa kama mo?" mabilis na tanong nito.

Tumawa siya, "Oo," 'yon lang pala ang gumugulo sa isip nito kala niya naman kung ano na.

"Okay lang ba 'yon sa'yo?"

"Oo, anong masama r'on? Wala naman akong nakikitang mali r'on, isa pa I'm your philetor and your my kleinos," nagtataka talaga siya sa inaasal nito.

"Kasi ganito 'yon sa earth kasi, pa'no ko ba ii-explain, hindi kasi kami sanay na may katabi sa kama lalo na kung ano 'yon, alam mo 'yon," magulong explanation nito.

"Hindi kita maintindihan," ano naman ang problema ng pagtatabi nila. Wala namang masama r'on. Minsan hindi niya rin maintindihan kung ano ba ang pamumuhay ng mga ito sa earth.

"Basta! sabihin na lang nating hindi ako komportable!"

"Bahala ka, matulog ka kung saan ka komportable kapag nalaman ni Patrem, na hindi tayo magkatabi at kapag pinarusahan niya ako, parurusahan rin kita!" asik niya. Hinubad niya na ang kanyang damit.

"Oh my God! Anong ginagawa mo!" nakita niya ang pagkataranta nito.

"Magpapalit ako ng damit, ano bang nangyayari sa'yo?" nakapagpalit na kasi ito siya naman ay naligo lang kanina at hindi niya pinalitan ang damit.

"Ah," bago pa man ito tumalikod nakita niya ang pamumula nito.

Ano nga kaya ang dahilan ng pamumula nito? Gusto niyang malaman para naman parati niyang gawin iyon. Natutuwa kasi siya kapag nakikita iyon. Hinubad na rin niya ang kanyang pantalon. Nag-iisip siya kung magsusuot ng damit sa pagtulog minsan kasi tinatamad na siyang magsuot ng damit kaya natutulog siyang nakahubad.

Mayamaya ay nagtanong ito, "Tapos ka na?"

"Oo," sagot niya kahit wala pa ni isang saplot sa katawan niya.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now