Chapter Thirty-Three (Vertigo of Love)

10.2K 321 1
                                    

"You can do whatever you want with your life, but one day you'll know what love truly is. It's the sour and the sweet. And I know sour, which allows me to appreciate the sweet."

Brian, Vanilla Sky

_____

Lumipas ang anim na buwan, natapos na ang paghihirap ni Abby sa una at ikalawang stage ng pagbubuntis. Ang akala niya ay tapos na pero mas mahirap ngayon. Bundat na bundat na siya. Lagi ng nakaalalay si Philcan dahil sobrang nahihirapan na siya sa pag-upo at pagtayo. Grabe. Hindi na talaga siya magpapabuntis ulit. Ngayon ay ang kanyang check-up ulit. Nasa medical facility siya ngayon, iniwan muna siya roon ni Philcan kasama ng mga medical beta. Pinatawag muna ito saglit ng ama nito, ngayon nga ay mukhang naging aktibo na rin ito sa pamamahala para sa kaayusan ng Uttara. Babalikan na lang daw siya nito mamaya pagkatapos ng kanyang check-up.

"Kumusta ang pagdadala ng tatlong xygus, nahihirapan ka na ba?" ngumiti sa kanya ang medical beta na parating tumitingin sa kalagayan niya.

"Hindi naman, medyo lang," ang totoo, gusto niya ng ilabas ang tatlong anak niya. Tama. Tatlo nga ang anak niya. Triplet. Nang malaman ito ni Philcan at ng kanyang Patrem Vulcan ay tuwang-tuwa ang dalawa samantalang siya naman ay muntik ng himatayin. Grabe talaga makabull's eye si Philcan isang panaan tatlo agad.

"Sa ngayon Apolectus Unum, ang lulusog ng mga anak niyo, maging ang pangangatawan niyo ay okay rin, ipagpatuloy niyo lang po ang balance diet program niyo," sabi ng betang tumitingin sa kanya.

"Salamat,"

"Kukuha lang po kami ng blood sample niyo para mamonitor namin ang red blood at white blood cells niyo, Zenon!" may tinawag itong beta.

"Siya po si Zenon, siya na pong bahala sa inyo," pagpapakilala nito sa bagong medical betang kukuha ng dugo niya.

"Hi," inilahad niya ang kanyang kamay.

Nag-alangan ito pero kinuha rin ang kamay niya, "Ikinagagalak kitang makilala Apolectus Unum,"

"Sige po, maiwan ko po muna kayo, Uy. Zenon, ikaw ng bahala rito, umayos ka!"

"Oo," mukhang magka-edad lang sila nitong si Zenon mukhang ito ang pinakabata sa mga medical beta na nakilala niya.

"Salamat Ulia,"

Pagkaalis ni Ulia ay sinimulan na siyang kunan ng dugo ni Zenon. Mabilis lang iyon.

"Okay na po,"

"Okay, naku wala pa si Philcan, p'wede bang magstay muna ako rito,"

"Oo naman po, sasamahan ko po kayo hanggang sa dumating si Alpha Philcan,"

"Naku h'wag na baka may gagawin ka pa,"

"Wala na po," umupo ito at tulalang nakatitig sa kanya.

"Okay ka lang?" naweirdohan siya sa pagkakatitig nito.

Inayos nito ang sarili, "Pasensiya na po, hindi po kasi ako makapaniwala na sobrang lapit niyo sa akin, nagulat nga po ako kanina na kayo ang kukuhanan ko ng dugo,"

Tumawa siya, laging ganito na lang ang mga nagiging reaksiyon ng mga nakakasalamuha niya, "Ano ka ba, p'wede mo akong lapitan kahit anong oras,"

"Talaga po?"

"Oo naman, gusto ko rin namang makipagkwentuhan sa mga kaedad ko," hindi niya alam kung ilang taon na ito pero sa tantiya niya ay kaedad niya nga lang ito. Si Philcan kasi ay matanda lang sa kanya ng tatlong taon.

"Matanda po ako sainyo ng tatlong taon, kung ibabase po natin sa pagbibilang niyo sa earth,"

"Gan'on ba, kaedad mo pala sila Philcan, meaning reaper death baby ka rin?" tumango ito.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now