Chapter Twenty-Two (Complex Equation of Love)

12K 381 0
                                    

"The heart is not like a box that gets filled up; it expands in size the more you love. I'm different from you. This doesn't make me love you any less. It actually makes me love you more."

Samantha, Her (2013)

_____

"Friend, mag-iingat ka r'on,"

"Oo, tama na nga, mag-iiyakan na naman tayo niyan eh,"

"Basta kapag may chance kang macontact ako gawin mo ha, alam ko namang magagawan iyon ng paraan ng mga alien na 'to, para saan pa na advance sila kung hindi nila magagawa iyon, h'wag mo akong kalimutan, hihintayin kita, magiging ninang na ako!"

"Ano ka ba hindi uso sa kanila 'yon, diba nga  palahian lang ako,"

"Oh eh di ikaw na ang maswerte!" tumingin ito kay Philcan.

"Iyong mga bilin ko sa'yo," hindi niya pinansin ang panunukso nito.

"Okay, your secret is safe with me,"

"Bye," niyakap niya ito.

Matapos niyang gawin lahat ng pagsisinungaling sa kanyang kamag-anak iyon ang mga huling eksena sa pagitan niya at ng kanyang kaibigan. Ngayon nga ay naglalakbay na sila pabalik ng Xenica.

Napansin niyang parang tahimik ata si Cerus at mukhang hindi nagpapansinan ito at si Zion simula ng umalis sila sa earth.

"Anong problema ng dalawang 'yan?" tanong niya kay Philcan. Inginuso niya ang dalawang kanina pa nakatitig sa mga monitor na naroon.

Nasa command area sila ng spacecraft ng mga oras na 'yon.

"Nalaman kasi ni Zion na vinideo ni Cerus ang mga creepy moves niya ng nalansing ito," pinipigil nito ang matawa.

Kinurot niya ito.

"Aray!"

"Tigilan mo nga ako, hindi ka naman nasaktan,"

Ngumiti, "Automatic ng gan'on ang magiging response ko kapag ginawa mo sa akin iyon, Isn't that sweet?"

Kumunot ang noo niya sa tinuran nito, "Saan mo naman natutunan ang sweet sweet na 'yan, ha?"

"I learned a lot after few moments of stay on earth especially when it comes to making you happy," and he winked. Aaminin niyang kinilig siya sa mga gestures nito.

"Don't fall in love with me," ngumiti ito.

"What? Ano bang nangyayari sa'yo?" naguguluhan na siya sa mga ikinikilos nito. Nagkamali ata siyang isama ito sa earth.

"I just saw it in a movie, when the girl look in the eyes of the man he loves, the man immediately said that lines because that's his defense mechanism because he knows at that moment he already fell in love to the girl, isn't it romantic? I brought a lot of movies like that, even the creepy and hilarious movies, I have all of them, Avunculus will sure loved it," nakanganga na lang siya sa sinabi nito. Lintik! english bakit gan'on ang translator device niya english parati ang naitatranslate kapag si Philcan, gan'on ba dapat 'yon para malakas ang dating sa kanya dahil sa mga oras na ito sobrang lakas ng dating nito sa kanya. Papalitan niya nga ang translator device.

Huminga siya ng malalim. Kala niya naman totoong binalaan siya nitong h'wag mahuhulog ang loob niya rito. Pero nahuhulog na nga ba talaga ang loob niya rito? Siya rin ay naguguluhan. Alam niya sa una pa lang kung ano ang kailangan ng mga ito sa kanya. Pagkatapos ng iyon ay itsapwera na siya. Kaya hanggang maaari ay pipigilan niya ang mahulog ang loob dito. Tama ito, kailangan huwag siyang madala sa mga ipinapakita nitong pag-aalaga sa kanya at ngayon nga ay kasweetan na rin. Lahat ng iyon ay hindi totoo. Reality totally sucks!

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now