Chapter 27

317K 9.2K 21.9K
                                    

Countryside

Pinagtitinginan ako ng mga tao sa bawat lakad ko. Kaliligo ko lang at nakasuot ako ng puting bestida. Sleeveless ito at hanggang taas ng tuhod.

Napansin kong mga morena at moreno silang lahat. Sabagay, sa klima rito ay hindi malabo.

I'm walking in the shore. Some women are selling necklaces and bracelets made out of shells that they found here, too. Strevan is right. The ocean here is crystal blue and very clean.

Alas dyis na napagpasyahan kong lumabas. May mga gulat pa noong nakita akong lumabas ng bahay ni Strevan pero mabilis akong naglakad palayo.

I remember he goes home by around 11 AM.

"Miss?"

Napalingon ako sa nagsalita. It's an elderly woman.

"Po?"

"Kanino kang anak? Hindi pa kita nakita rito noon," sabi nya at sinuri ako ng tingin. Napatingin din tuloy ako sa katawan ko. My skin is milky white while everyone here is moreno't morena.

"Ah..." hindi ko alam ang isasagot ko. "Kaibigan po ako ni... Strevan," alanganin kong sabi. Kinabahan tuloy ako nang kumunot ang kilay nya.

"Strevan? Kailan pa?"

I'm starting to get irritated with her questions. Why does she care ba?

"Ah... nito lang po. Sige, mauuna na ako," I didn't wait for her to talk and I immediately walked away.

I tried my best being nice, okay!

Tumataas at sumasakit na ang araw sa balat. Alam kong pauwi na sina Strevan ngayon.

"Ate ganda, bili na po kayo!" masayang lumapit naman sa akin ang mga maliliit na batang babae. May bilao sila at may lamang mga kakanin na hindi ako pamilyar.

"I don't have money," I said. Nangunot ang mga noo nila at nagkatinginan.

"Ano ho?" tanong ng isa.

"Huh?" tanong ko rin. What?

"Bili na po kayo nito... luto ni nanay, masarap po!" pag-uulit naman ng isa.

"I said I don't have money," pag-uulit ko rin. Nagkatinginan ulit sila na nakakapagpairita sa akin.

"Wala raw syang pera," umangat ang tingin ko sa nagsalita. Isang binatilyo ang may maliit na ngiti sa labi.

"Pasensya na, miss," sabi nya at nahihiyang ngumiti.

"Oh. Okay lang," I said. Nanlaki ang mga mata nya at umiwas ng tingin. Bahagya pang nangingiti.

They addressed him as kuya. Baka kapatid nila.

"Kuya, bigyan natin siya kahit wala syang pera," pamimilit ng isa. Umiling iling naman ako. Thanks, but I don't even know what the hell is that. Sa luto lang ni Strevan ako nagtitiwala rito.

"Ate, gusto ko magkaroon ng ganyang kulay ng balat!"

Myghad, this is chaotic! Pinagkakaguluhan ako ng mga batang babae na ito, causing some people to look at our way. And shiz, what's with these kids ba?! I never liked kids, anyway!

"Ella, tama na," saway nung kuya nila.

"Pero kuya-"

"Pasensya na talaga, miss. Sige..." paumanhin nya at halos di pa makatingin sa akin.

I nodded uncomfortably. I waved cutely and walked away. Sheesh, that was creepy.

Naglakad lakad ako ulit at natanto kong sobrang layo ng mga buhay nila rito sa buhay ko sa Manila. Fuck. Stop. Stop thinking about that because I'll end up thinking about my cheater husband.

AZRIEL'S OBSESSION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon