Chapter 34

501K 11.7K 18.3K
                                    

Supermodel

"Ma'am Seleira, alas-kwatro po tayo aalis para sa gig mamayang gabi," Hope said, my P.A.

"Are you going to drive?" I asked while closing my eyes, letting her put two fresh and cold slices of cucumbers on my closed eyes.

"Hmm, hindi po. Nanlalabo ang mga mata ko kapag madilim na. Si Kuya Adonis, ma'am," medyo nautal pa sya sa dulong sinabi.

"Tsk," ismid ko. "Why are you calling him 'Kuya' when you like him? Hindi ka nya mapapansin, Hope," mataray kong sabi.

Ramdam ko tuloy na natigilan sya. Tanga na lang ang hindi mapapansing may gusto sya sa driver ko.

"H-huh? Ano b-bang pinagsasabi nyo jan, ma'am... Wala akong gusto 'no! Saka limang taon ang tanda no'n sakin!" She said defensively. Natawa tuloy ako.

Hope is pure and innocent girl. She's two years younger than me. Iyong driver ko naman ay twenty five years old. Matipuno at medyo maitsura kaya ramdam ko ang tensyon nitong si Hope sa tuwing nasa SUV kami at may gig na pinupuntahan.

"Tss. Just tell him already. May kinikita 'yan minsan. Babaeng maganda at mahahaba ang mga binti!" Sabi ko at ngumisi. Ha, nakakapagod ang araw na ito. I did a runaway just this morning tapos gig ulit ngayong gabi.

"H-huh?! Maganda at mahahaba ang mga binti?!" gulat nyang tanong. Tumango ako kahit hindi sya nakikita. Nahulog tuloy ang isang piraso ng pipino pero ibinalik nya rin kaagad.

Hindi na sya nagsalita pa. Hope is a bit short. Maikli rin ang buhok at may bangs. She reminds me of Yang Xi from a chinese drama series titled "When we were young."

Tumunog ang pinto ng kwarto ko dahil sa kung sino mang pumasok. We're actually here in my condo. Lumubog ang ibabang part dahil umupo ito.

"Ouch!" daing ko nang mahina nitong tampalin ang hita ko. I'm just wearing my dolphin shorts! Medyo masakit tuloy.

"Why did you went home early again? Hindi raw kayo sumama sa after party kaninang umaga?"

Umirap ako kahit nakapikit nang marinig ang boses ng manager kong sadista. Mahina ko syang sinipa at natamaan ko sya agad.

"I don't want to. Ayos lang naman daw sabi ni Tita Elyse, why are you so rude ba?! Andami daming lalaki doon-"

"So? They were all craving to see you there pero umuwi ka na pala! Napag-uusapan tuloy na maldita ka at walang pakialam sa big personalities na iniidolo ka!" Inis na sabi nito. Tumawa lamang ako.

"Wala naman talaga," sagot ko. I'm just uncomfortable being around other men. Pakiramdam ko ay malulungkot o magseselos si Azriel.

We still haven't met. The last time we saw each other is that time where we were both in Peloponese Island. Ngayon ay wala na akong balita. Maybe pinaninindigan nya ang pangako nyang nagbago na talaga sya at hindi na ako masasakal sa paraan nyang magmahal. He'll give and support anything I want. I asked for space... then he's now giving it.

I miss him though.

"Tama na 'yan, Ma'am Pearl! Sobrang sikat kasi nitong si Ma'am Seleira kahit sobrang baguhan pa lang!" Tuwang tuwa naman na sabi ni Hope.

"Yeah yeah! Whatever! You just started two weeks ago at ikaw agad ang napiling maging mukha ng Dames Elegantes. Some of your co-models may be nice to you but they're backstabbing you for real so trust no one. Nadatnan ko noong nakaraang araw, nagkasagutan tuloy kami. Ang dami nyang dada kesyo dalawang linggo ka pa lang, may hatak sa anak ni Madam, ang sabi ko lang, 'pag inggit, pikit!"

Nagtawanan kami nang sobra. "Oh my gosh, you did that, Pearl? What the hell!" natatawa kong tanong.

"Yup! Nanggigil ako eh. Kapag nakarating pa 'yang panghihila sayo pababa kay Madam Elyse, ligwak 'yang mga 'yan!"

AZRIEL'S OBSESSION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon