Chapter 36

647K 12.7K 32.7K
                                    

Top

"Hush, hush," naglalambing na tahan sa akin ni Azriel habang pinupunasan ang mga luha ko.

I didn't speak, I just continue eating my corn. A while ago, I cried really hard because I wanted corn. Ang tagal pang magpa-deliver nitong si Azriel kaya ang sama sama ng loob ko.

"Don't eat much," paalala nya at hinalikan ang noo ko.

These days, Azriel is being extra clingy to me. As in extra mega super clingy. He was clingy before, pero sobra sobra ata ngayon. Sobra rin ang pag-aalala nya na kahit pumunta lang ako ng banyo, gusto nyang samahan pa ako dahil baka "madulas" daw ako.

He's over reacting!

"Shut up, hubby!" Inis kong sabi at niyakap ang supot ng mga mais saka sya tinalikuran. I heard his low chuckle before hugging me from the back.

"Get off me!"

"My wife's so moody, huh? I wonder what's with you," he said gently as he caress my waist to my tummy.

"Just shut up or leave me alone, you, ass."

Inis na inis ako habang sya ay tuwang tuwa sa mga nangyayari. Halos hindi na nga 'yan pumapasok sa trabaho at nambibwisit dito lagi. Also me, I can't go to some gigs and photoshoots because either I don't feel well or I'm not in the mood.

Kawawa tuloy itong si Pearl na syang humaharap doon. Malaking problema at excuses talaga lalo na kung nakapirma na ako ng contract.

"Baby," he called, calling my attention. Nilingon ko sya at inirapan habang nanatili syang malambing na nakatitig.

"Can I go to my meeting this afternoon? It's very important, wife," he said gently and started kissing my bare shoulder. Sumandal ako sa kanya at hinayaan syang gawin 'yun.

"Hmm? Can I go, wife?" pag-uulit nya.

Tss. He's leaving me again. Umirap ako at tumango.

"Why can't I go?" he asks as he caress my tummy with his big warm hand.

"I nodded! You can go!" Iritado kong sabi.

"No, I can't. You're mad."

"I'm not!" Inis na inis na ako pero ayaw ko namang umalis sya. Kung importanteng meeting, edi umalis sya!

He chuckled again. Why is he so happy?! Palagi syang tuwang tuwa sa mga nangyayari. He's always in a damn good mood habang ako ay naggagalaiti rito!

"Let me go, please, wife?"

"Ang sabi ko umalis ka kung gusto mo!" pagalit kong sabi at tinulak ang matigas nyang braso sa tyan ko. Ibinalik nya nga lang kaagad 'yun doon.

Nilingon ko sya, nakangiti sya at kinakagat pa ang sariling labi. Namumungay din ang mga mata nya.

"Let's go to the doctor this weekend," bigla nyang sabi. Ayan na naman ang tungkol sa doktor na 'yan. Baka may kinikita syang babaeng doctor, ah? Iyong katulad sa mga anime na malalaking boobs tapos kunwari mahuhulog 'yung papel tapos yuyuko nang todo?!

Kinunutan ko sya ng noo saka bahagyang itinulak. "Why?! Do you think I'm getting crazy?!"

Napapikit sya habang nakangiti. Umiling iling sya pero hindi nagsalita.

Inirapan ko sya saka itinabi ang mga supot ng mais. I don't like any of these anymore. Humikab ako at inaantok na naman.

"Just go to your meeting, Azriel. Matutulog na ako," sabi ko at tumayo. Napamura sya at agad akong hinawakan.

AZRIEL'S OBSESSION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon