Chapter 1

649K 16.8K 14.3K
                                    

Work

"Ma'am, breakfast po pinapahatid ni sir. Naliligo pa po sya."

Mabangong amoy ng mga pang-almusal na pagkain ang nanuot sa ilong ko. Gising na ako kanina pa.

Tumango ako at hindi na sya tiningnan pa nang umalis ito.

This morning, I couldn't find my phone in the bathroom. He maybe get it and hide it somewhere. Sa sobrang selos nya, kahit ano nagagawa nya.

I sighed and drink my milk. Napaso pa ako dahil mainit. Dumb maid! Hindi ba si Azriel ang nagtimpla nito? He knows that it should be mix of warm and hot water. Puro mainit ito.

"Is she awake?" Rinig ko na ang boses nya. Hindi pa nakakasagot ang kung sinoman ay pumasok na sya. Nag-iwas ako ng tingin.

He's wearing his usual business suit. Nakasuklay na rin nang maayos ang buhok. Pagpasok nya pa lang, amoy na amoy na ang bango nya. Like musk, cold, and aftershave cream.

"What's the problem?" Tanong nito. Napansin nya atang hawak ko pa rin ang baso at nakakunot ang noo.

"Hmm? Good morning," bati nya at naglakad papalapit sa akin.

"Let me out of here. I want to work," deretso kong sabi.

Dumilim agad ang mukha nito. Nakatingala ako sa kanya dahil sa nakatayo sya at matangkad pa. Nakaupo naman ako.

"I won't let my wife work," madiin nyang sabi. Umiling iling ako at naiirita na.

"I want to work! Hindi ako tatakas, wag kang mag-alala," sabi ko.

"Seleira! Can't you hear yourself? Why do you need to work kung kaya naman kitang buhayin?" Malamig ang boses nya habang nakayuko sa akin.

"I'm bored here! Gusto ko na, please..."

Tears stung in my eyes. Tumayo ako at hinawakan ang kamay nya. Napatalon naman sya nang bahagya.

"I-I won't be with any boy or man! I promise, please?" I pleaded. Mariin nyang ipinikit ang mga mata.

"Please? Hubby..." I used my sweetest voice.

Please work. Please work.

Tinitigan nya ako nang mariin. My eyes remained innocent and sincere. Umiwas sya ng tingin na tila nahihirapan.

"Please, Azriel..." dagdag ko pa.

"No," napapaos nyang sagot. Binitawan ko sya at saka umatras. Tiningnan nya ang kamay nya pagkatapos ay tiningnan nya rin ang akin. Tila dismayado sa naging galaw ko.

"Okay," sagot ko at naupo muli.

Narinig ko ang marahas nyang buntong hininga bago umupo sa tabi ko. Gumapang ang braso nya sa bewang ko at hinalikan ako sa pisngi.

"Sorry, wife... You must stay here," he whispered. Hot tears fell down my face. Hindi na ako nagsalita. Mabilis nyang pinunasan ang mga luha ko at pinaghahalikan ang pisngi ko.

"Shh, hush now, baby," pagaalo nya pero lalo lang akong naiyak. Next time ko na lang siguro sya kukulitin tungkol dyan.

"Eat now, baby, please," he pleaded. I just nodded. Ayokong magalit na naman sya.

"B-baka malelate ka na," mahina kong sabi.

"No," he said and kissed my hair this time.

Sinubo ko ang piraso ng pancake habang nakatulala. Muli akong napaso nang inumin ang gatas. Napamura si Azriel nang matapon nang kaunti ang gatas sa kamay ko kung kaya't napadaing ako.

AZRIEL'S OBSESSION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon