Chapter 33

428K 11K 16.8K
                                    

Dream

Inilipag ni Strevan ang pitsel ng juice at ang mga baso sa mesa. Inililibot naman ni Tito at Tito Hiro ang tingin sa bahay.

"So, you're telling me na ikaw ang kumupkop sa pamangkin ko?" tanong ni Tito kay Strevan.

Seryosong tumango si Strevan bago umupo sa tabi ko. "Opo."

"Goodness gracious! Thank you so much! Jusko, kailangang mahanap iyang mga walang pusong umabanduna sayo, Seleira!" galit na sabi ni tito pero paulit ulit na nag-bow kay Strevan.

"Kailangan nyo nga pong mahanap 'yun at parusahan. Hindi ko pa kayang gawin 'yun kay Seleira ngayon dahil wala pa akong kakayahan," ani Strevan at tumingin sa akin. I just gave him a small smile.

I'm currently wearing my longslevees dress at turtle neck din ang design. Kailangan kong takpan ang mga love bites ni Azriel. Hindi lamang pala iyon sa leeg ko, mayroon din sa braso at iilan sa hita ko.

"Seleira said that you were really a good man. Pinahirapan ka ba? Maarte iyan at spoiled! Ni hindi ko maisip kung paano nya nakayang mabuhay sa probinsya gayong umiikot ang buhay nya sa syudad," sabi ni tito. Pinanlakihan ko sya ng mga mata.

Mahinang tumawa si Strevan. "Noong una po, maarte at hindi kumakain ng gulay. Natutunan nya naman kalaunan."

Nag-init ang pisngi ko. Right! Dahil nahihiya ako kay Strevan ay hindi na lang ako nagrereklamo. Isa pa, talagang masarap iyong mga niluluto nya.

Humalakhak din si tito. "So... h-how can we pay you?"

Kumunot ang noo ni Strevan bago umiling. "Hindi na po kailangan."

"No, Strevan! You told me you want to continue your studies, right?" sabi ko.

"Seleira, kaya ko 'yun. May ipon nga ako at sa susunod na buwan baka mag-Maynila na rin ako. Sabi ng tatay ni Kayee ay tutulungan nya akong makahanap ng eskwelahan doon at trabaho dahil may iilan syang kakilala."

Bumuntong hininga ako bago dahan dahang tumango. Good for him, then? Baka rin sumama si Kayee sa kanya.

"Oh, maybe a few cash won't hurt, Strevan?" si Tito.

"Hindi na po talaga-"

"Strevan naman!" iritado kong sabi.

Nag-iinit na ang mga mata ko dahil iiwan ko na nga sya. Sinulyapan nya ako at nanlambot ang ekspresyon nya.

"Sige po, kung gusto ni Lyra."

"Gusto ko!" giit ko habang umiiyak. He chuckled lowly before hugging me.

Niyakap ko rin sya habang umiiyak. I've had many memories with for the past two months and I can say I treasure them so much.

"Thank you, Strevan... Thank you," paulit-ulit kong sabi. He hushed me while stroking my hair. I also felt him kiss my forehead.

"Lyra... tahan na..." he said gently.

"I'll miss you," bulong ko.

"Mamimiss din kita nang sobra. Hindi ako nagsisising pinatira kita dito," marahan nyang sabi. "Binuhay mo ako, Lyra. Noon, puro lang ako trabaho pero nung dumating ka, para akong nabuhayan. Nagkaro'n ng kulay 'tong maliit kong bahay dahil sayo."

I cried again with his short message. "I'll miss you. I'll never forget you. Mag-iingat ka, sana magkita tayo, ah?"

"Oo naman."

Malungkot akong nakatayo habang nag-uusap sina tito at Strevan.

Rea and Sasa rushed inside the house. Niyakap nila ako at halos mapisat din ako

AZRIEL'S OBSESSION (Completed)Where stories live. Discover now