Chapter 2

545K 16K 18.8K
                                    

Vase

Nakatulala ako ngayon dito sa kwarto. He locked it and only the maids and him has the access. Wala pa rin syang tiwala sa akin. I don't even have my phone with me. Tinago nya iyon panigurado kung saan.

He left for work even though he's late because of what we did this morning. Is that a problem though? He's the CEO.

Kumatok ako sa pinto at sumigaw para tumawag ng kung sino mang nasa labas.

"Open this for a while!" Inis kong sigaw

"Ma'am, hindi po pwede..." I heard. I slammed the door with my hand hardly. Napaungol ako sa sakit nun.

"Shit," mura ko at dinala sa labi ang palad para halikan.

"What am I supposed to do here then?!" Sigaw ko.

"Ma'am, s-sorry po talaga."

"Buksan mo na yan, Linda, kung hindi pagsisisihan mo..." pagbabanta ko.

I was never kind. Maarte ako at maldita. So I don't know how come that monster loves me more than his own life.

Nilingon ko ang salamin. My skin is so pale that I look like a vampire. The bastard hired men to block the windows out. Ilang beses na kasi akong nagtangkang tumakas dyan at tumalon.

Naospital ako at galit na galit sya. Sa sobrang galit nya, nakalbo ang mansion ng mga maids at mga guards. There were always new set of guards and maids weekly that time.

"Hindi mo bubuksan?!" Pananakot ko.

"M-ma'am, hindi po talaga pwede-"

"Okay! I'll just kill myself here using a broken vase then," I said coldly and throw the vase into the floor.

Narinig ko ang tili nya sa labas at nagtawag ng iba pang maids.

Tss. Stupid girl.

Kinuha ko ang isang basag na piraso at pinadausdos iyon sa balat ko. Hindi ko naman diniinan kaya hindi ako nasugatan. But it's sharp. So so sharp.

Narinig ko ang pagpihit ng door knob. Tinitigan ko iyon hanggang sa iniluwa nito si Linda at ang iba pa nyang kasamahan. They are all wearing maid dresses. Nakakatuwa silang tingnan. I mentally laughed when I saw their faces.

"Ma'am, bitawan nyo po!" Sigaw nito. Pinanlisikan ko sya ng mata.

"Wag mo akong uutusan," I replied.

"Just let me out and just pretend you didn't see me going out, understood?" I said with an authority tone. Nagkatinginan sila at sabay sabay na umiling.

Aba!

"M-mas nakakatakot pong si sir ang magalit sa amin, Ma'am-"

"I'm your boss, too!" Inis kong sagot.

"M-ma'am, please... mawawalan po kami ng trabaho-"

"Gusto ko lang naman din magtrabaho!" I shout and slide the broken piece of vase on my arm. Nanlaki ang mga mata ko nang lumabas doon ang dugo. Napasinghap sila at nataranta.

Mahapdi iyon at hindi ko sinasadyang madiinan dahil sa galit ko, mabuti at hindi sa pulso.

"Tawagan mo si sir!" Sigaw ni Linda sa kasama.

"H-hey, don't do t-that," natatakot kong sabi pero buo na ang desisyon nila.

Nanahimik ako sa gilid at nakaupo sa dulo ng kama habang nanginginig sa takot. Tahimik silang naglilinis ng binasag kong vase at nagkakatinginan pa na parang may body language sila.

AZRIEL'S OBSESSION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon