Chapter 28

302K 8.8K 21.9K
                                    

Fun

"Ano? Sumama ka na, Lyra. Wala ka namang ginagawa tuwing hapon dyan sainyo," sabi ni Rea.

I smirked and shook my head.

"Pupunta kami sa bayan ni Strevan mamayang alas singko," I said excitedly.

In my two months here, I made some girl friends. They are kind and nice although inaasar pa rin ako minsan dahil sa kaartehan ko at ka-conyohan. I never thought having friends are refreshing at all!

"Sus! Nanggagalaiti na naman si Kayee nyan," sabi naman ni Sasa at tumawa. Natawa na lang din ako.

For the past two months, it was a miracle if Kayee doesn't show up in the house for some stupid and petty reasons.

I remember one time she went in at the exact time where Strevan and I are laughing while cooking something in the kitchen (sya lang ang nagluluto at nakikisawsaw lang ako). Para syang maiiyak at muntik pang mabitawan ang dala dalang maja blanca.

She always have reasons to show up in the house. Either because she brings some food or may pinapasabi raw ang tatay nya kay Strevan. Strevan would just look at her seriously, thank her or just say something related to things about what his father has said.

I don't mind though. Kung naging mabait lang sana sya sa akin ay baka ako pa mismo ang maglakad sa kanya kay Strevan.

"Hindi ka na talaga sasama? Sayang naman. Ang dami naming benta 'pag kasama ka," Rea added. Kumunot ang noo ko at natawa.

"Of course, I'm your lucky charm!" mayabang kong sabi. They are selling some tobaccos and candies na syang paborito ng mga taga dito.

"Alam nyang maganda sya kaya ganyan!"

Nagtawanan kami.

Well, Strevan said we're going to eat in bayan tonight. This is not the first time. For the past two months, lagi kaming nagpupunta roon kapag sweldo nya. He also insists to buy me more dresses which makes me feel guilty.

"Strevan, stop! Ayoko, meron pa naman ako sa bahay!" Frustrated kong sabi. Nasa tyangge lang naman kami but these dresses are sold for pretty expensive price for his income. Nakakahiya at nakakaguilty!

"Lyra, gusto kitang bilhan."

He just can't be stopped. Although madalas kaming mabigyan ng discount dahil sa kanya, ayoko pa rin. The vendors just love him so much na kung tatanungin ni Strevan kung pwede bang libre na lang ay talagang papayag ang mga ito.

The people here got used to see me, too. Hindi na ako palaging tinatanong ng kung ano ano. Eveything passes, indeed. Malilimutan din nila at masasanay. Ang iba ay nagustuhan ako tulad ng tita at malililit nyang mga pinsan at sina Rea, pero syempre meron ding mga hindi. Kayee and her allies are on the top list.

"O sya, sige na, mauuna na kami, Lyra. Masyado kang busy sa asawa mo," pang-aasar pa nito.

I rolled my eyes. "Ugh, girl, shut up. Hindi ko asawa si Strevan o kung ano pa man!"

They both laughed. They are both morena. Si Rea ay kulot ang buhok samantalang si Sasa ay bagsak ang hanggang bewang na itim na itim na buhok. She has a boyfriend, iyong isa sa mga kaibigan ni Strevan, si Ivan.

"Bakit ba kasi ayaw mo? Hinahabol-habol 'yan tapos ikaw, dinedeny mo lang?" She mocked.

"We're just friends, okay? Dyan na nga kayo. I'm going home!" I said and stood up. Nasa bakuran kami nina Rea. Tumayo na rin sila at hinatid ako sa may labasan.

"Paalam-"

"Just say 'bye,' Rea!" I said. She giggled and nodded.

"O sige. Bye, Lyra!"

AZRIEL'S OBSESSION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon