✿ CHAPTER 33 ✿

25 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa labas ng bintana ko? Magnanakaw ka ba ha?!"

Malakas na tanong ko sa kanya habang tinututukan ko siya ng kamao ko pero tinawanan lang niya ako.

"Ano ba, hindi ako magnanakaw. Hans Christian Lee nga pala, pinsan ni Vernon....."

Tumango tango lang naman ako at binaba ko na ang kamao ko. Pinsan pala siya ni Vernon. Inabot niya ang kamay niya sa akin at hinawakan ko naman ito.

"Rhaine Clarkson. Bestfriend ako ng pinsan mo...."

Nginitian niya ako at binitawan ko na ang kamay niya.

"Kilala na kita. Palagi kang kinikwento sa akin ng pinsan ko. By the way, pwede bang pumasok? Wag kang mag aalala, hindi naman ako magtatagal...."

Tanong niya pero tiningnan ko muna siya ng maigi. Mapagkakatiwalaan ko ba tong lalaking to?

Anyways, pinsan naman siya ni Vernon. At kung hindi ako makikipag get along sa kanya baka maubusan pa ako ng pwedeng makausap. Wala na si Vernon at si Summer kaya mag isa nalang ako.

Tinanguan ko nalang din siya kaya napangiti siya. Agad siyang pumasok sa kwarto ko at tumingin siya sa paligid.

"Ang ganda ng kwarto mo ah. Ang linis. Hindi katulad nung kwarto ng pinsan ko, dun kasi ako nagsestay ngayon...."

Tumango tango lang naman ako.

"Bakit? Marumi ba yung kwarto ni Vernon?"

Tinanguan niya ako na para bang natatawa.

"Sobra. Ako pa nga yung naglinis dun kanina eh. Nagkalat sa sahig yung mga damit at unan niya tapos may anay pa ang higaan niya...."

Natawa narin ako habang umiiling iling. Yung bespren ko talaga, napakaburara.

Tumingin ulit siya sa paligid at nagtaka ako nang bigla niyang nilapitan ang mga movie tapes ko. Agad niya itong hinawakan habang ang laki laki ng ngiti.

"Mahilig ka rin pala sa Hunger Games?"

Nakangiti niyang tanong sa akin kaya tinanguan nalang din siya.

"Oo. Yan ang palaging pinapanood namin ni Vernon dati..."

Tumango tango ulit siya habang nakangiti at kinuha niya ito na parang tuwang tuwa pa.

"Mahilig din kasi akong manood nito. Pwede ba natin tong panoorin mamaya?"

Talaga? Mahilig din siya diyan?

Tinanguan ko narin siya habang nakangiti. Mabuti naman at mukhang magiging close na kami dahil magkakapareho lang kami ng interests.

"Sige. Pupunta sa trabaho si mama at papa mamaya kaya solong solo natin yung TV...."

Tumango siya at tumingin ulit siya sa iba pang mga movie tapes ko. Maya maya ay nakakita siya ng tape na Godzilla kaya napangiti ulit siya.

"Pati narin to, panoorin natin to mamaya. Hindi ko kasi to natapos dati...."

Tinanguan ko ulit siya at pinabayaan ko nalang din siya na halungkatin yung ibang mga gamit ko. Maya maya ay nakakita na naman siya ng iba pang movie tape at pinakita ulit niya ito sa akin.

"Pati narin to, hindi ko pa to napapanood. Mukhang maganda pa naman oh....."

Tinanguan ko na naman siya dahil wala naman akong ibang magawa kundi ang tumango.

Maya maya ay nabaling naman ang atensyon niya dun sa toy collections ko at kinuha niya yung action figure ko ni Incredible Hulk.

"Ganda nito ah. Saan mo nabili to? Gusto ko ring bumili. Mahilig din kasi ako sa Avengers...."

Talaga? Wow, magkakapareho talaga ang mga hilig namin.

"Nabili ko yan sa mall dun sa bayan, kaso nga lang mukhang wala na silang stock niyan ngayon kasi limited edition lang yan...."

Nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ko.

"Sayang, ang ganda pa naman sana...."

Sabi niya at binitawan na niya ito. Ibinalik niya ito sa lalagyan at may kumatok sa pintuan ko kaya kinabahan na ako.

Agad kong sinenyasan si Hans na lumabas sa bintana at yun nga ang ginawa niya. Isinarado ko muna ang bintana bago ko binuksan ang pintuan.

"Rhaine anak, may kausap ka ba diyan?"

Umiling iling lang naman ako bilang sagot.

"Wala po ma, wala naman po akong kasama dito...."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Where stories live. Discover now