✿ CHAPTER 4 ✿

49 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

Nandito na ako sa kwarto ko, tahimik na nagseselpon. Binabasa ko lang ang mga comments ng mga followers ko sa instagram. Peymus kasi ako kaya ganun talaga.

Maya maya ay may nahagip ang mga mata ko na pangalan at muntik na akong mapatalon sa tuwa. Nag comment kasi si crush sa instagram post ko!!! Waahhh!!!

AdrianMaverick_Hudson You look so pretty:)
18h 56likes Reply

Napatabon ako sa bibig ko at sinipa sipa ko pa ang mga kumot at unan na nasa kama ko dahil sa kilig. Ikaw ba naman ang sasabihan na "pretty" ng ultimate crush mo?

Nasa gitna na ako ng pagmomoment ko pero nagulat ako nang biglang may naghagis sa akin ng bato at ang mas malala ay tumama pa ito sa ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit at tumingin ako sa bintana kung saan ito nanggaling.

Nakita ko si Vernon dun sa kabilang bintana na nakapeace sign kaya napairap ako. Magkatabi lang kasi ang mga bahay namin at magkaharap din ang mga kwarto namin kaya nakikita namin ang isa't isa sa mga bintana namin.

"Hehehe sorry. Hindi ko sinasadyang tamaan ang ulo mo..."

Tiningnan ko siya ng masama at pinulot ko yung batong ibinato niya sa akin at inihagis ko ito sa kanya. Kaso nga lang nakailag siya kaya hindi ko siya natamaan. Punyeta talaga.

"Ano bang kailangan mo bes? Kitang kita mo namang busy ako nanggagambala ka?"

May kinuha siya sa loob na papel at sinulatan niya ito bago niya ito inihagis sa akin. Sinalo ko namn ito saka ko ito binasa.

(Anong pangalan nung pinsan mo? Ang ganda niya kasi. Type ko siya...)

Napairap ako at napailing iling. Napatingin ulit ako sa kanya na nasa kabilang bintana at inirapan ko siya.

"Ayan! Inuna mo pa kasing landiin siya kaysa tanungin ang pangalan niya. Sana kasi kilalanin mo muna yung lolokohin mo. Ewan ko ba sayo..." Sabi ko sabay irap.

"Bes naman eh. Sagutin mo nalang ang tanong ko please...."

Napatingin ulit ako sa kanya ay nakita ko siyang nagpapacute pa pero mukha namang aso. Kumuha nalang ako ng papel at sinulatan ko ito ng buong pangalan ni Summer saka ko ito inihagis sa kanya.

Sinalo naman niya ito saka niya ito binasa. Napangiti siya na parang loko habang binabasa ito kaya napairap ako.

"Thank you bes ah. Maaasahan talaga kita...."

Sabi niya habang nakangiti kaya tinanguan ko nalang din siya.

Maya maya ay tumingin siya sa paligid ng bahay namin kaya nagtaka ako. Anong tiningin tingin niya?

"Bes, nasan kwarto niya? Gusto ko siyang puntahan..."

Ay huwaw.

"Ayan kwarto niya oh. Katabi sa kwarto ko. Basta wag kang mag ingay ah. Katabi ng kwarto niya yung kwarto ng parents niya...."


Sabi ko kaya napangiti siya at napatingin siya dun sa kwartong sinasabi ko.

"Salamat talaga bes ah. Ikaw talaga ang the best bestfriend ever..."

Nginitian ko nalang din siya at sinenyasan ko siya na puntahan na dun ang pinsan ko. Tingnan nalang natin kung hindi siya mapapahiya.

Actually, kwarto kasi ng parents ko yung sinasabi kong kwarto ng pinsan ko. Bugbog talaga ang aabutin niya sa papa ko mamaya. Bwahahahaha!

Agad niyang inakyat ang bintana niya at tumalon siya sa bubong namin. Sanay na siyang ginagawa yan kaya hindi na ako kinakabahan kung sakaling mahuhulog siya.

"Bes sigurado kang ito ang kwarto niya? Parang hindi naman eh..." Tanong niya.

"Yan nga...."

Pagsisinungaling ko pa at naniwala naman siya. Masyado talaga siyang uto uto. Hahaha!

Binuksan niya ang bintana nung kwartong sinasabi ko saka niya ito pinasok kaya natawa ako. Tingnan nalang natin kung anong mangyayari.

"Ahhhhh!!!! Magnanakaw!!! May magnanakaw!!!"

"Aba gago ka ah!!!! Anong balak mong nakawin ha??!! Umalis ka sa pamamahay ko!!!"

Narinig kong sumisigaw na si mama at papa kaya mas lalo pa akong natawa. Dali dali kong sinarado ang bintana ng kwarto ko habang tumatawa parin ako.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Where stories live. Discover now