✿ CHAPTER 71 ✿

19 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

Kumakain parin ako sa pinakbet na niluto niya. Nang naubos ko na ito ay yung steak naman ang kinain ko. Matagal tagal narin kasi akong hindi kumakain nito kaya naman miss na miss ko na to.

Habang kumakain ako ay napansin kong tinititigan lang ako ni Vernon kaya napahinto ako. Tumingin ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatitig sa akin kaya napangiti siya.

                   

"Alam mo, ang cute mo kapag nagugutom ka...."

Sabi pa niya kaya kumunot ang noo ko. Anong nagugutom? Hindi naman ako nagugutom ah. Namimiss ko lang talagang kumain nito.

                    

"Cute ako kapag nagugutom ako? So ibig sabihin hindi ako cute kapag busog ako?"

Natawa siya sa sinabi ko at umiling iling siya.

                     

"Hindi naman sa ganun VAL. Cute ka parin naman kahit na busog ka pa...."

Nginitian niya ako kaya napangiti narin ako. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko at nilantakan ko na yung steak na dinala niya sa akin.

Maya maya ay napansin kong may hinahalungkat siya sa bag niya kaya kumunot ang noo ko. Hindi ko nalang din siya pinansin at kumain nalang ulit ako.

                     

"Teka lang VAL ah. May kinukuha lang ako mula sa bag ko para diyan sa sugat mo. Baka kasi ma- infect pa yan..."

Tinanguan ko lang naman siya bilang sagot.

Maya maya ay napansin kong band aid pala ang kinuha niya mula sa bag niya kaya nabaling ko ulit ang atensyon ko sa ginagawa niya.

Nilagay niya yung isang box ng band aid sa lamesa kaya kumunot ang noo ko. Bakit isang box talaga ang kinuha niya eh maliit lang naman tong sugat ko sa mukha?

                   

"VAL, hindi kailangang isang box talaga ang gamitin mo para sa sugat ko. Maliit lang naman to oh...."

Sabi ko at tinuro ko pa ang sugat ko sa mukha. Tumango lang naman siya at kumuha siya ng dalawang band aid mula sa box. Inilagay niya ito sa pisngi ko para tabunan ang sugat ko. Ibinalik na niya yung box sa bag niya pero biglang may nahulog mula dun kaya kumunot ang noo ko.

Tiningnan ko kung ano yung nahulog mula sa box na yun at napansin kong bracelet pala ito kaya agad ko siyang kinalabit.

                     

"VAL, nahulog yung bracelet mo. Ayun oh, nasa sahig...."

Nagulat siya dahil sa sinabi ko at dali dali niya itong pinulot. Itatago na sana niya ito sa bulsa niya pero napansin niya na nakatitig parin ako dun kaya hindi nalang niya ito itinuloy.

Ipagpapatuloy ko na sana ang pagkain ko pero nagtaka ako nang bigla niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko. Bakit niya hinawakan ang kamay ko? Paano na ako makakakain neto?

Tiningnan ko siya habang nakakunot ang noo pero nginitian lang niya ako at sinuot niya sa kamay ko ang bracelet na nahulog niya kanina.

                   

"Ibibigay ko sana yan sayo as a surprise kapag naging tayo na. Kaso nakita mo na yan kaya ibibigay ko nalang yan sayo ngayon..."

Natatawa pa niyang sabi sa akin. Tiningnan ko ulit ito at napansin ko na rectangle lang naman ang pendant nito at wala naman itong kahit na anong design kaya nagtaka ako.

                    

"Eh bakit walang design?"

Natawa siya sa sinabi ko kaya kumunot ang noo ko. Anong tinatawa tawa niya?

Itinaas niya ang jacket niya mula sa braso niya kaya nakita kong ganun din pala ang bracelet niya. Kinuha niya ulit ang kamay ko at inilapit niya ito sa braso niya kaya nagtaka ulit ako. Anong ginagawa niya?

Maya maya ay nagulat ako nang biglang dumikit ang pendant ng bracelet niya sa akin kaya napanganga ako. Magnet pala to? Ngayon lang ako nakakita ng bracelet na magnet!

                    

"Natural, wala talagang design ang pendant niyan kasi magnet yan....."

Napatingin ako sa kanya at nakita ko siya na nakangiti kaya napangiti narin ako.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Where stories live. Discover now