✿ CHAPTER 46 ✿

21 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

Nagkukwentuhan na ang mga classmates namin tungkol sa pagkamatay nina Adrian, Kenneth, at ni prof.

Maya maya ay biglang may nga pumasok na dalawang pulis sa classroom namin kaya nagulat ako. Bakit may mga pulis? Nalaman na ba nila na ako ang gumawa nung krimen na yun? Paano——

Napatigil ang lahat ng mga classmates namin sa mga ginagawa nila at napatingin sila sa nga pulis na pumasok sa classroom namin. Agad silang bumalik sa mga kinauupuan nila at inayos nila ang mga sarili nila.

"Kayo ba ang mga estudyante ni Mr. Guevarra?"

Tumango lang naman kaming lahat bilang sagot.

Tiningnan kami isa isa ng mga pulis saka nila kami nilapitan kaya kinabahan na ako. Hinawakan nila isa isa ang mga tenga namin at tiningnan ito ng maigi kaya nagtaka ako. Bakit nila tinitingnan ang mga tenga namin?

Nang nilapitan na ako nung isang pulis ay tiningnan rin niya ang tenga ko. Pinilit kong hindi ipahalata na kinakabahan na ako dahil sa ginagawa nila.

Maya maya ay napatigil siya sa ginagawa niya at tiningnan niya ang mukha ko ng maigi kaya naisip ko na baka pinaghihinalaan na ako ng pulis na to.

"Miss, bakit hindi niyo suot suot ang hikaw niyo?"

Kinabahan ako dahil sa tinanong ng pulis. Kaya ba nila tinitingnan ang mga tenga namin dahil naiwan ko ang isang hikaw ko dun sa crime scene?

Napatingin ako sa pulis nato at nag isip na ako ng pwedeng maging palusot. Kailangan kong makumbinsi ang pulis nato na hindi ako ang gumawa nun. Dahil kapag malalaman niyang ako talaga ang pumatay sa professor namin, sa kulungan ang bagsak ko.

"Hindi talaga ako nagsusuot ng hikaw kapag nandito ako sa eskwelahan..."

Tumango tango lang naman yung pulis kaya napahinga ako ng maluwag. Maya maya ay kinalabit siya nung isang pulis at may ibinulong siya dito. Pinakinggan ko naman yun ng mabuti pero syempre hindi ako nagpapahalata.

"Wala akong makitang hikaw na katulad ng nasa crime scene. Dapat kunan nalang natin sila ng fingerprint isa isa...."

Kinabahan na naman ako dahil sa narinig ko. Hindi pwede, kapag nag match na yung fingerprint ko dun sa fingerprint na nandun sa crime scene mabibisto ako!

Tinanguan lang ng pulis yung kasama niya at lumayo na sila sa akin. Tumayo sila sa harapan naming lahat at kumuha sila ng papel at ink saka nila ito inihapag sa lamesa.

"Ilagay niyo ang mga fingerprint ninyo dito sa papel at isulat niyo narin ang mga pangalan ninyo. Simulan natin dito sa harapan...."

Sabi nung pulis kaya agad namang tumayo yung classmate ko na nakaupo sa harapan at ginawa nga niya ang sinabi nung pulis.

Habang naghihintay ako sa turno ko ay iniisip ko kung paano ako makakalabas dito ng hindi sila maghihinala sa akin. Pero ang masaklap ay wala naman akong maisip kaya napatingin ako kay Hans at kinalabit ko siya.

"Hans, ayokong magpafingerprint. Siguradong mahuhuli na nila ako kapag magmamatch na yung fingerprint ko dun sa fingerprint na nasa crime scene!"

Bulong ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako. Bakit siya tumatawa? Wala ba siyang pake tungkol dun? Kapag mahuhuli ako ng mga pulis pati siya damay!

"Wag ka nang mag alala tungkol dun. Gagawan ko yun ng paraan. Magtiwala ka lang sa akin...."

Sabi niya kaya napahinga ako ng maluwag. Dapat lang na gumawa siya ng paraan, dahil siya ang nag utos sa akin na saksakin ko si prof gamit ang tinidor na kinuha niya sa canteen.

"Iha... ikaw na...."

Napatingin ako sa harapan at napag alaman kong ako na pala ang susunod na maglalagay ng fingerprint. Nakaramdam na naman ako ng kaba pero pinigilan ko yun at tumayo na ako sa kinauupuan ko.

Ginawa ko nga ang sinabi nung pulis ay nilagyan ko ng fingerprint ang papel at sinulat ko rin dito ang pangalan ko.

Tumalikod na ako para bumalik na sana sa kinauupuan ko pero tinawag nung pulis ang pangalan ko kaya napatigil ako. Lumingon ako sa kanila at kinabahan na naman ako.

"Iha, left handed ka ba?"

Tinanguan ko lang naman yung pulis at napatingin sila sa isa't isa saka nila ibinalik ang tingin nila sa akin kaya nagtaka ako. Bakit ganyan sila makatingin?

"Sige... Bumalik ka na sa upuan mo..."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora