✿ CHAPTER 59 ✿

20 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

Naramdaman ko na tumayo ang mga balahibo ko sa katawan kaya nagising ako pero hindi ko parin binubuka ang mga mata ko. Baka dahil lang sa lamig yun, pinaandar kasi ni Vernon yung electric fan bago kami matulog.

Inabot ko ulit ang kamay ko para yakapin si VAL pero hindi ko naman siya maabot kaya nagtaka ako. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita kong wala na pala siya sa tabi ko. Nasan na ba yun?

Bumangon ako sa kinahihigaan ko at tiningnan ko ang paligid pero hindi ko naman siya makita. Naisip ko na baka nag CR lang siya. O di naman kaya ay umuwi na siya at iniwan na niya ako dito.

Napasimangot ako nang naisip ko yun at bumalik nalang ako sa pagkakahiga ko.

Sinubukan kong makatulog ulit pero hindi ko na talaga yun magawa. Pakiramdam ko kasi ay may matang nakatingin sa akin.

Hindi ko nalang din yun pinansin at pinilit ko parin ang sarili kong makatulog.

"Rhaine..."

Narinig kong parang may tumawag sa akin kaya nagtaka ako. Binuksan ko ulit ang mga mata ko at tumingin ako sa labas ng selda kung nandito na ba si Vernon pero hindi ko naman siya nakita kaya nagtaka ako.

Tiningnan ko din yung iba pang mga kasamahan ko na mga preso din dito pero tulog parin naman silang lahat kaya kumunot ang noo ko. Kung wala sa kanila ang tumawag sa akin, eh sino yun?

"Hoy. Nandito ako..."

Nalaman kong nasa likod ko lang pala ang boses na yun at naramdaman kong tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. Nakikilala ko yung boses na yun. Kay Hans.

Nakaramdam ako ng kaba pero pinigilan ko ito at dahan dahan akong lumingon sa kanya. Nakita ko siyang nakaupo lang din sa tabi ko habang nakangisi kaya napaatras ako dahil sa takot at gulat. Anong ginagawa niya dito? Ano pa bang kailangan niya sa akin?

"Oh, bakit parang natatakot ka na sa akin ngayon? Eh dati nga kapag nakikita mo ako nginingitian mo pa ako...."

Sabi niya pero agad ko siyang iniwasan ng tingin at tumayo ako para makalayo sa kanya. Napahawak ako sa rehas at tumayo na rin siya sa kinauupuan niya saka niya ako nilapitan.

Agad akong lumipat sa dulo ng selda na ito para lang makalayo ako sa kanya. Ayoko sa kanya! Baka saktan lang niya ako!

"Rhaine, nasabi ko na ba sayo na gusto kita?"

Napatingin ulit ako sa kanya na nakangisi parin. Hindi ko sinagot ang tanong niya at tumingin ako sa paligid para matingnan kung meron ba akong pwedeng takasan pero wala talaga kaya napaiyak ako.

Natawa lang naman siya at dahan dahan siyang humakbang palapit sa akin kaya kinabahan na naman ako. Anong ginagawa niya? Wag niya akong lalapitan! Ayoko sa kanya!!!

Gusto ko sanang sumigaw at humingi ng tulong pero hindi ko yun magawa dahil sa kaba. Pakiramdam ko at may sumasakal sa akin para hindi ko magawa yun.

"Rhaine, gusto mo rin ba ako?"

Napatingin ulit ako sa kanya na nakangisi parin at napansin kong may hawak hawak na naman siyang kutsilyo kaya lumaki ang mga mata ko. Napaatras ako pero wala na akong kawala kasi nakasandal na ako sa pader.

"Sumagot ka!"

Agad akong umiling iling bilang sagot. Hindi ko siya gusto dahil ayoko sa kanya! Siya ang sumira sa buhay ko! Siya ang dahilan kung bakit ako nakapatay ng tao at kung bakit nakakulong ako ngayon!

Natawa lang naman siya at tiningnan niya ang kutsilyo na hawak niya saka niya ulit ako tiningnan habang nakangisi.

"Ah, ganun ba. So ibig sabihin, wala ka na din palang silbi para sa akin. Kaya papatayin nalang kita...."

Sabi niya na siyang ikinagulat ko. Tinutukan niya ako ng kutsilyo habang papunta sa akin kaya agad akong humanap ng daan para makawala. Pero wala na talaga kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko at napasigaw ako ng malakas na malakas.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Where stories live. Discover now