✿ CHAPTER 88 ✿

17 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

      

"Kamusta ang buhay sa Maynila, VAL?"

Napatingin ako kay VAL at nakita ko siyang nakangiti sa akin habang kumakain. Bata pa lang kami, palagi na talaga kaming sabay at magkatabi kumain.

       

"Okay lang. Magulo pero masaya......"

Ngumiti narin ako sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

        

"Namiss mo ba ako?"

Napalingon ulit ako sa kanya at tinanguan ko siya.

        

"Of course. Sobra kitang namiss VAL......"

Napangiti naman siya sa sinabi ko kaya napangiti na rin ako. Maya maya ay mas mas lalo pa siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang kamay ko kaya nagulat ako. Hindi ko nalang din siya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.

        

"Alam niyo, wala naman siguro tayong kinakain na matamis dito pero hindi ko alam kung bakit nilalanggam kayo....."

Napatingin kaming dalawa ni VAL sa chismosa naming kapitbahay na nakikikain sa amin kaya binitawan nalang rin niya ng kamay ko. Bakit ba nandito yang babaeng yan? Hindi naman yan imbitado ah?

         

"VAL....."

Inalis ko nalang tingin ko sa kapitbahay naming chismosa at tumingin ako kay VAL. Pero laking gulat ko nang bigla niyang hinawakan ulit ang kamay ko at dinala niya ako sa garden ng bahay namin.

Napatingin ako sa paligid at napansin kong ibang iba na ang lugar na to kaysa sa dati. Dati kasi, hindi pa namumulaklak ang mga itinanim namin ni VAL dito. Eh ngayon, punong puno na ng bulaklak ang buong garden.

       

"Ako ang nag alaga sa kanila habang wala ka pa....."

Napatingin ulit ako kay VAL at nginitian ko siya. Hobby kasi namin ang gardening. Bata pa lang kami ay yun na ang ginagawa namin. Kaso ngalang simula nung naadik na siya sa pambababae hindi na niya nagagawa yun.

      

"Hindi ka ba nahirapan na ikaw lang mag isa ang nag aalaga sa kanila?"

Napatingin siya sa paligid ng garden namin saka niya sinagot ang tanong ko.

       

"Medyo, kasi syempre wala ka dito. Eh pano, nasanay ako na palagi kang kasama. Kaya nga ang hirap para sa akin na mag adjust habang wala ka....."

Medyo nalungkot ako dahil sa sinabi niya. Kawawa naman siya.

       

"Sorry nga pala kasi mas pinili kong mag aral sa Maynila kaysa dito......"

Ngumiti lang siya sa sinabi ko at umiling iling siya.

      

"Okay lang yun no. Para sa future mo naman yan eh....." Sabi niya.

"Ayyyyyiiiiiieeeeeeehhhhhh!!!!!"

Napalingon kami ni VAL sa parents ko na masayang nakatingin sa amin at halatang kilig na kilig. Napairap ako at tumingin nalang ako sa malayo.

Bata palang kami ni VAL, full support na talaga ang mga parents ko sa friendship namin. At grateful ako na may parents ako na katulad nila.

       

"Rhaine, I have a very important question for you...."

Napatingin ulit ako kay VAL at napansin ko sa mga mata niya na seryosong seryoso talaga siya. Kaya naisip kong importante talaga ang sasabihin niya sa akin kasi tinawag niya ako sa pangalan ko at hindi sa codename namin.

       

"Ano yun?"

Lumingon ulit siya sa parents ko saka siya tumingin ulit sa akin.

       

"Umm..... Alam mo naman na magkaibigan na tayo dati pa. At alam mo na rin na mahal na kita dati pa. I'm sorry dahil ngayon lang ako naglakas loob na gawin to. Nung nasa Maynila ka pa kasi, dun ko kasi na realize na hindi pala madali para sa akin na mawala ka sa tabi ko. I love you Rhaine, and I hope that you have the same feelings with me........"

Nagulat ako sa sinabi niya at hindi ako nakaimik. Alam ko nang gusto niya ako dati pa. Pero hindi ko inaakalang paninindigan talaga niya yun.

Pero, naguguluhan ako.

       

"Nasan yung question dun?"

Napangiti siya sa akin at naputol ang pagseseryoso niya kaya natawa kaming dalawa.

       

"Eto na talaga yung question....."

Yumuko siya at huminga ng malalim bago siya tumingin ulit sa akin.

       

"Can you be my girlfriend?"

Biglang uminit ang mga pisngi ko dahil sa tanong na yun. Napatingin ulit ako sa parents ko na mukhang kilig na kilig habang pinapanood kami saka ulit ako tumingin kay VAL.

Bakit naman ako hihindi? Mahal ko siya, mahal din niya ako. Niligtas niya ako sa lahat ng gulong pinasok ko kaya bakit ako aayaw?

      

"Bakit naman hindi?"

Sagot ko at agad siyang napangiti habang tinatabunan ang mukha niya kaya natawa ako. Maya maya ay bigla niya akong niyakap kaya niyakap ko narin siya pabalik. Pagkatapos ay kumalas na kami sa yakapan namin at tumingin ako sa mga magulang ko.

       

"Sabi ko na nga ba eh. Magiging kayo din....."

Napangiti ako dahil sa sinabi ni mom at dad. Botong boto talaga sila kay VAL para sa akin.

      

"I love you Rhaine......"

Napangiti ako sa sinabi ni VAL at napalingon ako sa kanya.

       

"I love you too, Vernon......"

Napangiti din siya sa sinagot ko sa kanya saka niya pinisil ng konti ang pisngi ko. Maya maya ay nagulat ako nang hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at nilapit ng paunti unti ang mukha niya kaya lumaki ang mga mata ko. Wag mong sabihing——

KKKKYYYYYYYAA———

        

"HEPHEPHEP! ANO YAN?!"

Naputol ang moment namin at napatingin kami kay papa saka namin nilayuan ang isa't isa. Panira talaga tong papa ko. Yun na sana yun eh!

          

"Sige, ituloy niyo......"

Natatawa pang sabi ni papa habang tumatawa parin pero inirapan ko lang siya na parang asar na asar na.

_______________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Where stories live. Discover now