✿ CHAPTER 79 ✿

18 4 0
                                    

[Rhaine's POV]

              

"Thank you para sa araw nato ah. Kung wala ka, baka pinagkakaguluhan na ako ng mga tao ngayon..."

Sabi ko sa kanya habang nasa gate ako. Tinanguan lang naman niya ako bilang sagot.

               

"Wala yun VAL. Ako nga ang dapat na mag- thank you kasi isinugal mo ang kaligtasan mo para lang makasama mo ako...."

Sagot naman niya kaya napangiti ako. Habang nakatingin ako sa kanya ay napaisip ako. Masyado na siyang maraming naitulong sa akin pero hindi ko alam kung mababayaran ko ba yun.

Hindi ko alam kung masusuklian ko ba ang kabutihan na yun.

                

"Thank you narin sa lahat VAL. Thank you dahil kahit na kriminal na ako ngayon, sinasamahan mo parin ako at hindi parin nagbabago ang pagtrato mo sa akin. Thank you din na hindi mo ako pinabayaan nung mga panahon na walang wala talaga ako. Siguro kapag wala ka, baliw parin ako ngayon. Nakakulong parin siguro ako dun sa bilangguan....."

Seryoso kong sabi sa kanya pero nginitian lang naman niya ako at hinawakan niya ang kamay ko.

                  

"Ano bang sinasabi mo VAL? Hindi ka kriminal. Tandaan mo yan. Atsaka, hindi mo na kailangang pasalamatan yung mga ginawa ko para sayo. Mahal na mahal kita VAL, kaya kahit na ano gagawin ko. Basta para sayo...."

Inangat ko ang paningin ko sa kanya at nginitian ko siya. Maswerte talaga ako na may kaibigan ako na katulad niya. Kung wala siya, siguro wala rin ako dito ngayon.

Kahit na mas maliit ang height ko sa kanya ay pilit ko paring inabot ang mukha niya at hinalikan ko ang pisngi niya. Siguro sapat na yun bilang pasasalamat.

Pagkatapos kong gawin yun ay tiningnan ko ang mukha niya at nakita ko siya na parang nagulat dahil sa ginawa ko. Hinintay ko kung kailan siya magsasalita pero hindi naman siya umiimik kaya nagtaka ako.

                

"VAL, okay ka lang?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot at inabot niya ang mukha ko saka niya hinalikan ang labi ko. Nagulat ako dahil bigla bigla nalang niyang ginawa yun pero hindi ko nalang din siya pinigilan at ipinikit ko nalang ang mga mata ko.

Siguro nga, mahal ko na talaga siya. Matagal ko nang nararamdam na parang kinakabahan ako at kumakabog ang dibdib ko kapag nakikita ko siya. Kaso nga lang palagi ko yung pinipigilan dahil sa pagkakakilanlan ko sa kanya dati.

Dati kasi, siya si Vernon Lee na manloloko, playboy, at babaero. Wala siyang niisang sineseryoso na babae. Lahat ng babaeng nagiging girlfriend niya ay niloloko lang niya sa huli. Pero sigurado akong hindi niya gagawin yun sa akin kung sakaling magiging kami.

Maya maya ay binitawan na niya ako kaya binuksan ko na ang mga mata ko. Hinawakan niya ang pisngi ko sabay ngiti kaya napangiti narin ako.

                  

"VAL, basta kapag natutunan mo na akong mahalin.... sabihan mo agad ako ah?"

Tinanguan ko lang naman siya habang hindi ko parin maiwala ang ngiti sa mukha ko.

                  

"Eh pano yan? Mukhang mahal na kita ngayon eh...."

Sabi ko kaya nagulat siya at napangiti narin siya. Nagtakatitigan kami ng ilang saglit pero maya maya ay biglang bumukas ang pintuan ng bahay namin kaya agad naming binitawan ang isa't isa.

                   

"Oh anak, Vernon, nandito na pala kayo. Pumasok na kayo sa loob....."

Tinanguan ko lang si mama at papa na para bang walang nangyari. Napatingin ulit ako kay Vernon at nginitian ko siya.

                     

"Uuwi na po muna ako tita. Baka kasi hinahanap na ako ng mga kasama ko sa bahay...."

Sabi ni Vernon kaya tinanguan naman namin siya. Alam ko kasi na tumakas lang siya kanina para makasama niya ako. Pinagbabawalan na kasi siya ng mommy at daddy niya na makipagkita siya sa akin.

Nginitian muna niya ako bago siya lumabas sa gate namin at umuwi na siya sa bahay nila na katabi lang din sa bahay namin. Hinatid ko pa siya ng tingin bago ako tumingin kay mama at papa saka ako pumasok sa bahay namin.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Where stories live. Discover now