✿ CHAPTER 40 ✿

25 2 0
                                    

[Rhaine's POV]

Nandito na ako ngayon sa loob ng classroom ko, nagbabasa lang ng libro. Isang linggo na rin simula nung namatay sina Adrian at Kenneth at hanggang ngayon wala paring nahahanap na ebidensya ang mga pulis kaya naman panatag ang loob ko.

Mabuti nalang at tinanggap ako sa university na to. gustong gusto kasi ni mama na dito daw ako makapag aral.

Napatingin ako sa pintuan at napasimangot ako nang nakita kong hindi parin dumadating si Hans. Bakit ba ang tagal niya?

Maya maya ay may tatabi sana sa kinauupuan ko na classmate ko pero agad ko siyang pinigilan. Hindi siya pwedeng umupo sa tabi ko, upuan ni Hans to.

"May nakaupo na dito. Humanap ka nalang ng ibang mauupuan mo...."

Sabi ko dun sa classmate ko pero inirapan lang naman niya ako at umiling iling.

"Baliw talaga...."

Narinig ko na sinabi niya yun pero hindi ko nalang din siya pinansin. Ganyan naman talaga palagi ang mga classmates ko, tinatawag nila akong baliw. Ewan ko kung bakit nila ako tinatawag na ganun.

Napairap narin ako at ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa binabasa ko. Maya maya ay napansin kong dumating na si Hans kaya napangiti ako. Pinaupo ko siya sa tabi ng kinauupuan ko at nginitian niya ako.

"Kamusta ka?" Tanong ko sa kanya.

"Okay lang... Ikaw?"

Napalingon ako sa kanya at nginitian ko siya ulit.

"Okay lang din...."

Hindi nagtagal ay pumasok na ang prof namin kaya inayos na namin ang pagkakaupo namin.

May exam kasi kami ngayon kaya kanina pa ako nagrereview. Kailangan kong makapasa kundi baka bagsak ako sa semester nato.

"Okay class, today we will have an exam. Here's your test papers..."

Sabi ng prof namin at isa isa niya kaming binigyan ng mga answer sheets. Napatingin ako kay Hans at napansin kong kinakabahan siya kaya nagtaka ako.

"Hans, okay ka lang?"

Umiling iling lang siya bilang sagot at tiningnan niya ang answer sheet niya.

"Hindi ako nakapagreview. Pwede pakopya? Promise, ililibre kita mamaya kapag gagawin mo yun...."

Sabi niya at napansin kong pinagpapawisan na siya kaya natawa ako. Ayan, hindi kasi nagreview.

Tinanguan ko nalang din siya kaya napangiti siya.

"Okay class, you can start now...."

Agad kong kinuha ang ballpen ko at sinimulan ko nang sagutan ang test. Sobrang dali lang naman pala nito, kagabi pa kasi ako nagrereview kaya alam ko ang lahat ng mga nandito.

Napalingon ako kay Hans na naghihintay lang kung kailan ako matatapos na parang kinakabahan parin. Napatingin naman ako sa prof namin na nakapikit at parang nakatulog na habang nakaupo kaya palihim akong napangisi.

Tinapos ko muna ang pagsagot sa test paper bago ko kinalabit si Hans. Palihim kong ipinakita sa kanya ang mga sagot ko at dali dali naman niya itong kinopya.

Ilang minuto na siyang nangongopya pero hanggang ngayon ay hindi parin siya natatapos kaya kinakabahan na ako. Bakit ba ang tagal niya?

Napatingin ako sa upuan ng prof namin at napansin kong wala na ito sa kinauupuan niya kaya nagtaka ako. Tiningnan ko ang paligid at napansin kong wala talaga siya dito sa loob ng classroom kaya napahinga ako ng maluwag. Siguro lumabas yun.

Napatingin ako sa orasan ko at nakita kong malapit nang maubos ang time kaya tumingin ulit ako kay Hans.

"Bilisan mo!" Sabi ko.

"Binibilisan ko na nga!"

Sabi niya habang tinitingnan ako ng masama. Maya maya ay narinig ako na parang yapak sa likod ko kaya kinabahan na ako.

Napalingon ako sa likod at nakita ko ang prof namin na nakatingin lang sa akin kaya kinabahan na ako. Lagot.

"Ms. Clarkson, you're cheating. Automatic zero ka na sa exam ko. Understand?"

Kinabahan ko sa sinabi ni prof at agad kong isinarado ang answers ko.

Hindi ako pwedeng mazero. Papagalitan ako ni mama at papa. Strikto sila sa akin.

"But sir——"

"No buts, Ms. Clarkson. Kitang kita ko kanina pa kung paano mo binubuksan ang test paper mo para pakopyahin ang mga classmates mo. And because of that, bagsak ka na rin sa subject ko..."

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Where stories live. Discover now