✿ CHAPTER 85 ✿

17 4 0
                                    

[Rhaine's POV]

Dahan dahan akong naglakad papasok sa bagong eskwelahan ko. Habang naglalakad ako ay tumitingin ako sa paligid at hindi ko maiwasan na mamangha. Sobrang laki kasi ng university nato, in fact mas malaki pa to sa university kung saan ako nag aaral dati.

Tumingin ako sa paligid at tiningnan ko ng maigi ang mga bagong schoolmates ko. Ang iba ay nagkukwentuhan lang habang ang iba naman ay busy sa paghahanap sa mga classroom nila.

Nahihiya pa akong magpatuloy sa paglalakad pero itinatak ko sa isip ko na wala namang niisa dito ang nakakakilala sa akin at nakakaalam sa madilim na nakaraan ko kaya itinaas ko ang noo ko at nagpatuloy ako sa paglalakad.

Hinanap ko ang classroom ko at nang nakita ko na ito ay lumabas muna ako saglit para bumili ng maiinom. Habang naglalakad ako ay masayang masaya ako dahil pakiramdaman ko ay malaya na ako. Napangiti ako ng naisip ko yun at umupo ako dun sa bench na malapit sa gate.

Maya maya ay may humintong magarang kotse sa gate nitong university kaya napatingin dun ang lahat ng mga schoolmates ko at napatigil sila sa lahat ng mga ginagawa nila. Dahil sa pagtataka ko ay napatingin narin ako doon at nakakita ako ng babae na maikli ang buhok.

Nagtaka ako. Bakit sa kanya napunta ang atensyon ng lahat? Anong meron sa kanya?

                  

"Siya ba si Altheah Patterson? Yung anak ng may ari ng eskwelahan na to? Yung pinagmamalaki ni Mr. Patterson na anak niya? Tsk! Ang taas ng expectations natin tungkol sa kanya tapos ganyan lang pala siya? Hahaha!"

Napalingon ako sa babaeng katabi ko at tumango tango ako. Kaya pala siya pinagtitinginan nila. Dahil pala anak siya ng may ari ng eskwelahang ito.

Napansin ko na parang nahihiya siya habang naglalakad siya at yung ibang estudyante ay ang sama pa ng tingin sa kanya. Medyo naawa ako sa kanya kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at inabangan ko siya dun sa lugar kung saan malapit lang sa classroom ko.

Nang nakita ko siya mula sa malayo at kinawayan ko siya kaya nagtaka siya. Kumunot ang noo niya pero nilapitan parin niya ako.

Nang nakalapit na siya sa akin ay nginitian ko siya para naman kahit papaano ay maging maganda ang first impression niya sa akin.

                

"Hi! I'm Rhaine! You're Altheah, right?"

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko kaya nagtaka ako. May nasabi ba akong mali?

                

"Bakit mo ako kilala?" Tanong niya. 

Nginitian ko siya ulit habang nakakunot parin ang noo niya.

                 

"Anak ka kasi ni Mr. Patterson na anak ng may ari nitong eskwelahan nato kaya kahit nung hindi ka pa dito nag aaral ay kilala ka na ng lahat. Ganyan ka ka- popular...."

Mas lalo pang kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Sa tingin ko, medyo masungit siya. Pero alam ko namang mabait talaga siya kaya gusto kong makipagkaibigan sa kanya.

                  

"So, since parehas tayo na wala pang kaibigan, can we be friends?"

Medyo nahihiya ko pang tanong sa kanya pero hindi ko pinahalata sa kanya yun. Gusto ko kasing mabago ang image ko dito. Gusto kong magmukhang masaya at walang problema sa buhay.

Hindi parin siya ngumingiti at blangko parin ang mukha niya kaya nagtaka ako at nawala ang ngiti ko. Ayaw ba niya sa akin?


Maya maya ay nginitian niya ako ng tipid at tinanguan niya ako kaya napangiti ulit ako. Pumapayag na ba siya?

                  

"Of course. We can be friends...."

Sagot niya kaya napangiti ako. Hindi ko inaakala na magkakaroon ako ng bagong kaibigan dito bukod kay Chrystel. Medyo nagkakaintindihan na kasi kami  at medyo nagiging close narin kami. Mabuti narin yun.

Napangiti ulit ako at inaya ko na siya na pumasok sa classroom namin since classmates lang din pala kami.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Where stories live. Discover now