✿ CHAPTER 75 ✿

19 3 0
                                    

[Rhaine's POV]

Tumagal ng ilang minuto ang byahe namin at maya maya ay huminto na ang van kaya nalaman namin na nandito na kami. Bumaba na kami sa van at tumingin ako sa paligid.

Napangiti ako nang nakita ko na ulit ang bahay namin pero agad din yung nawala nang nakita ko ang mga kapitbahay namin na nakatingin sa akin habang nagbubulungan. Sigurado akong pinag uusapan na nila ako at kung bakit pa ako nakabalik dito.

Hindi ko nalang din sila pinansin at itinago ko nalang ang mukha ko gamit ang buhok ko. Napansin siguro yun ni Vernon kaya agad niya akong nilapitan at inakbayan niya ako habang papasok kami sa bahay namin.

Nang nakapasok na kami ay ini- lock ni mama ang gate pati narin ang pintuan. Napaupo ako sa sofa namin at napayuko ako. Nakalabas na nga ako sa kulungan pati narin sa mental hospital, pero halimaw parin naman ang tingin sa akin ng mga tao.

                   

"VAL, wag mo silang pansinin okay? Wala na naman silang magagawa eh. Ang importante ngayon ay nakauwi ka na at magkasama na ulit tayo...."

Napalingon ako kay Vernon at nginitian ko siya sabay tango. Niyakap niya ako at tinapik tapik niya ang likod ko para pagaanin ang loob ko.

Maya maya ay nagulat kami nang biglang nabasag ang bintana namin kaya agad akong kumalas mula sa yakap niya. Napatayo kaming dalawa at dali dali namang tumakbo si mama at papa mula sa kusina.

                    

"Ano yun?"

Tanong ni mama at papa sa amin pero hindi ko sila sinagot.

                     

"Teka lang. Titingnan ko kung ano yun...."

Tinanguan lang namin si Vernon at nilapitan niya yung bintana. May pinulot siya mula sa sahig na bato kaya kumunot ang noo ko. May bumato sa bintana namin? At sino naman ang gumawa nun?

Tiningnan niya kung anong nangyayari sa labas ng bintana at napansin namin na parang nagulat siya kaya nagtaka kami. Anong meron?

                     

"Bwiset. Itago niyo si Rhaine!"

Nagtaka ako dahil sa sinabi niya. Anong meron sa labas at bakit nila ako kailangang itago?

Dahil sa pagtataka ko ay agad kong nilapitan ang pintuan at binuksan ko ito. Agad naman din akong sinundan nina mama at papa pati narin ni VAL para pigilan sana ako pero hindi na nila yun nagawa nang binuksan ko narin pati ang gate ng bahay namin.

Lumaki ang mga mata ko nang nakita ko ang mga kapitbahay namin na nagtipon tipon sa harapan ng ng bahay namin. Anong ginagawa nila dito? Bakit sila nandito?

Magsasalita na sana ako pero nagulat ako nang biglang may bumato sa akin sa ulo. Napaupo ako sa kinatatayuan ko at naramdaman ko na pinagtutulungan na nila akong batuhin kaya napaiyak ako.

                   

"HINDI KA DAPAT NAKALABAS!!!"
                   

"MAMAMATAY TAO!!!"
                   

"KRIMINAL!!!"
                   

"DEMONYO!!!"

Mas lalo pa akong napaiyak dahil sa mga sinabi nila. Dali dali akong nilapitan ni Vernon at sinalo niya ang lahat ng batong sa akin sana mapupunta kaya nagtaka ako. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siyang parang nasasaktan na dahil sa ginagawa niya.

                      

"VAL, pumasok ka na sa loob. Ako ang bahala sa kanila..."

Anong——

Hinila ako ni mama at papa papasok sa loob ng bahay pero hindi ako nagpadala sa kanila. Hinila ko si VAL mula sa kinatatayuan niya at siya ang pinapasok ko sa loob ng gate namin. Inilock ko ito mula sa labas para hindi niya ako masundan.

Ayokong madamay siya dito. Ako ang may kasalanan kung bakit sila nagagalit kaya ako ang dapat na batuhin nila.

                      

"BAKIT NANDITO KA PANG MAMAMATAY TAO KA HA??? DAPAT NABULOK KA NA SA KULUNGAN!!! ETO ANG DAPAT SAYO!!!"

Sabi nung isang babae kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya. Magsasalita pa sana ako pero bigla niya akong itinulak kaya bumangga ang ulo ko sa gate namin at napahiga ako.

Pagtutulungan pa sana nila ako pero agad silang inawat nung isang lalake.

                     

"Pabayaan nalang natin siyang mamatay. Kasi kapag tayo ang papatay sa kanya wala na tayong pinagkaiba sa mamamatay tao na yan!!!"

Sabi nung isa kaya tumango naman silang lahat at nagsialisan na sila. Pinabayaan lang nila akong namimilipit sa sakit sa katawan ko kaya napaiyak ulit ako.

____________________________

LUMINOUS PHANTOM (LOVE+WAR SERIES #4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora