Chapter Eleven

455 51 0
                                    

Zephyr Blade POV

Bored kong nilalaro ang ballpen ko habang nakikinig kay Mae na parang pwet ng manok ang bibig.

Hindi ba to nauubusan ng sasabihin dahil sa totoo lang para siyang tangang salita ng salita kahit walang nakikinig sa kanya.

Yung iba namang chosen ay may kanya kanyang mundo. Yung kambal magkayakap habang nagsusubuan ng lollipop, si sky busy sa mga schedule niya. Si Jazmine gumagawa ng water balloon na may hipon sa loob?. Si Pia parang ewan na kinakausap yung manika niyang tinahi ang mata. Tapos si Claude at Dwyne kanina pa nagtitigan ng masama, ewan ko ba kung anong problema ng dalawang to at parang gustong magpatayan. Mabuti at katabi ko si Trixxx kaya kahit papaano ay nababawasan ang uneasiness ko sa presensya nila.

At kung nagtataka kaya kung ba't kasama ko sila....hindi ko din alam.

Dahil after ng weapon summoning namin nung nakaraan linggo ay lagi   na silang nakabuntot sakin lalo na si Claude at Dwyne na ayaw akong mawala sa paningin nila.

Ewan ko nga kung ano bang nagyari exactly nung weapong summoning namin. Dahil yung natatandaan ko lang ay nung naramdaman ko na yung presensya na sinasabi ni sir ay para akong nahulog sa kung saan. Syempre sumigaw ako pero hindi ko marinig boses ko, naka silent ata.

Tapos naramdamn kung nasa sahig nako kaya tumayo ako ta's tiningnan ko yung paligid,ang dilim.

Naglakad lakad ako at may narinig akong boses kaya sinundan ko at dun ko nakita ang isang matandang babaeng nakalumpasay sa sahig.

Syempre, mabait ang lola niyo kaya nilapitan ko ito at nung tangkang tatawagin ko na ito ay bigla itong tumingin sakin at hindi ko maiwasang magulat habang nakatingin sa matandang lumuluha ng dugo.

Napaatras ako sa takot pero wrong move dahil bigla itong tumayo at ngumanga ng pagkalakilaki na parang kakainin ako.

Katapusan ko naba? Ang aga naman yata?

Pinikit ko nalang ang mata at hinintay ang aking katapusan ngunit lumipas ang segundo na walang nangyayari kaya napagdesisiyunan kong idilat ang mata at tumambad sakin ang isang nilalang na nagpanginig sakin.

Ako. Kasalukuyan akong nakaharap sa sariling repleksiyon ko. Para akong nakatingin sa dimenyong ako. Oo, isang demonyo ang nasa harap ko na kamukha ko, wala itong emosyon na pinapakita pero pansin ko ang labis na sakit at lungkot na nakabakas sa kanyang mata.

Kinabahan ako ng unti unti itong lumapit sakin. Hindi ako gumalaw dahil sa takot. But i stay still dahil i know na wala siyang gagawin sakin.

Tuluyan itong nakalapit at nangilabot ang buong sistema ko nang hawakan nito ang mukha ko. Ang lamig ng kamay niya, pang patay.

"Wag mong hayaan na maging ako ay ikaw." Puno ng sakit na ani niya na nagpagulo sakin. What?

Tatanungin ko pasana ito ng unti unti itong nawawala na parang nililipad ng hangin hanggang sa naramdaman ko nalang na pabagsak ko sa kung saan.

Yun, yun lang ang natatandaan kong nangyari.

Makalipas lang ang segundong pagninilaynilay ay bumukas ang pinto ng room at niluwa nito ang isang magandang babae na prenteng naglalakad papasok. Siguro nasa mga thirty plus.

Sinundan ko ito ng tingin hanggang makarating ito sa pinakagitna.

"Hi class. I'm Miss Shantalle Guzme, your history teacher." Anito at ang biglang paglabas ng libro sa aking libro na aking ikinatayo sa gulat.

Pero wrong move. Lahat sila nakatingin sakin habang nakataas ang kilay.

Nakakahiya.

"Pay attention class, magsisimula na tayo." Sabi nito na ikinatahimik ng lahat. Marunong pala sumunod ang mga tao dito. Kala ko ako lang. Owwwsssss? Charot!

Ellexiou's Academy (BxB)Where stories live. Discover now