Chapter Six

424 53 0
                                    

Claude Devounne Salazar POV

Alas onse na ng gabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Ewan ko ba? Pero lagi kong naiisip yung bakla kanina na kasama ko sa dorm. Napakaganda niya para maging lalaki, lalo na yung labi niyang parang nagaanyayang halikan.

Kaya hindi ko maisip na muntik na kaming maghalikan kanina. At fuck ako pa yung nag insist na siyang hindi ko gawain dahil yung mga babae mismo ang humahalik sakin hindi ako!

Ano bang nangyayarin sakin hindi naman ako ganto dati sa mga babaeng mga nakarelasyon ko. Pero siya! Kahit anong pilit kong tanggalin siya sa isip ko hindi ko magawa! At sa isang bakla pa! Nakakagago alam niyo ba yun!

At isa pang ikinaiinis ko ay ang pagtuhod niya sa pagkalalaki ko. Hindi ba niya alam na masakit yun?!

I know na hindi yun ganun kalakas....pero sapul talaga eh!

At first time kong naranasan yun sa tanang buhay ko alam niyo ba yun at sa isang bakla ko pa naranasan. ! Nakakabilib

Habang iniisip ko ang mga pangyayaring kanina ay nakaramdam ako ng pamilyar na presensya sa gilid ng aking kama.

"Nakuha mo ba yung inpormasyon na hinihingi ko?" Tanong ko kay Sky na classmate ko.

"Oo ako pa ba!" Mayabang na sabi niya at binigay ang hawak niyang envelope.

"Pero yung bayad mo bukas,kailangan ko na yun! Ang hirap kaya i-hack ng info ng mga transferee kay HM! Alam mo naman si tanda masyadong segurista at nilagyan ng barrier ang buong office. Mabuti  na lang at napakiusapan ko si clarrise na isang spell caster na lagyan ng kahit konting butas ang barrier ni tanda." Pagrereklamo niya pa.

"Mukhang pera ka talagang ulol ka! Umalis ka na nga dito!" Pagtataboy ko dito.

"Bakit mo ba pinagawa to sakin? This is your first time to ask favor on me as far I remember. But don't tell me..."putol niya na may panunuksong nakatingin sakin na ikanakunot ng nuo ko. "you like him aren't you?" Tanong pa nito habang nakangisi.

"I'm not. Moron! I just want to know something about my dorm mate that's all." Kompyansang sabi ko dito.

"If you say so. Basta yung bayad mo hah!"  Sabi pa nito at agad nagteleport nung tangkang ibabato ko na sa kanya yung ginawa kong energy ball. Psh! Duwag talaga.

Pagkawala niya ay agad kong binuksan ang ang envelope na binigay niya sakin.

Name:Zephyr Blade Alcantara

Age:16

Birth Date: April 21, 2***

Gender: Male

Ability/Powers: Telekinesis

Room Section:Class A Royal Section (Junior Student)

Another Info: An consistent honor student from grade school to highschool. And also a second placer to the international brain competition which is the Battle Of The Genius held in Beijing China.

Royal section? Ibig sabihin classmate kami but how? Paano siya napunta sa royal section kung sidekick power lang naman ang meron siya? Hindi din naman siya dual ability holder o elementalist pero ang tanong ay pano!

Alam kong may dahilan si tanda kung ba't niya yun ginawa at yun ang aalamin ko!

Sino ka ba talaga Zephyr Blade?









Zephyr Blade POV

Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang malakas na alarm na nanggagaling sa kung saan kaya agad akong bumangon sa kama at hinanap ito.

Ellexiou's Academy (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon