Chapter Nine

413 57 0
                                    

Erox Dwyne

Kasalukuyang magkaharap ngayon ang Mystique Lionne at ang Veron (destructive form ng Two-headed Dragon Snake).

Hindi narin ganun kalala si Zep na aking agad inagapan at kasalukuyan nagpapahinga dahil hindi pa ito lubos na magaling, lalo na't masyadong malalalim ang mga natamo nitong sugat at bali sa katawan na hindi kayang pagalingin ng lubusan ng aking kapangyarihan.

Habang nagpapahinga siya sa aking hita ay hindi ko maiwasang tapunan ito ng tingin.

I know it sounds gay but I can restrain myself leaving my mouth open while looking at his perpect face with awe visible in my eyes.. Para itong anghel mula sa langit dahil sadyang napakaamo ng mukha nito lalo na pag walang salamin. Fuck! Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ko to nararamdamn lalo na't hindi naman siya babae at hindi ako nagkakagusto sa kapwa ko lalaki?...hindi nga ba?

"RAAAAAAWWRRR!"

Nabalik ako sa ulirat ng umalingawngaw sa paligid ang hinaing ng kalabang Veron na kasalukuyang nakikipagbuno sa Mystique Lionne.

Kaya agad akong lumingon at hindi mapigilang bumilib habang pinagmamasdan ang estilo nito ng pakikipaglaban. Napaka detalyado nito kung gumalaw, bawat atakeng binibitawan nito ay estimado at siguradong makakapinsala sa kalaban.

Nakita kong lumipad na parang ibon ang Leon at itinara ang mga crystal torn sa dragon bago ito ikulong sa crystal cage. Pero sadyang malakas ang kalaban at nagawa nitong makawala, lumipad ito sa himpapawid at nagbuga ng lilang apoy. Bawat natatamaan ng apoy ng Veron ay natutupok at nagiging abo, pero sadyang mabilis ang Mystique Lionne at nagagawa nitong iwasan ang atake ng kalaban.

Umatras ng isang hakbang ang Leon at tumalon ng pagkataas-taas bago nito binuka ang kanyang pakpak at nagpaikot-ikot sa ere habang bumulusok pababa, sa pagikot ng leon ay siya ding paglabas ng Gold Feather Blade mula sa pakpak nito na tumama sa bawat parte ng dragon.

Puno ng hinaing ang naririnig mula sa kalaban na punong-puno na ng sugat sa katawan. Kaya agad lumapit ang Mystique Lionne dito at tinali ito gamit ang kadenang kulay puti.

Nang sigaradung hindi na ito makakatakas ay iniapak ng leon ang kanyang paa sa lupa at nagsulat sa wikang hindi ko maintindihan, hanggang sa may lumabas na mga simbolo sa paligid ng dragon. Kulay puting simbolo na sobrang liwanag.

Unti unting umilaw ang mga simbolo kasabay ng pagliwanag ng katawan ng dragon. Rinig na rinig ang daing ng nilalang hanggang sa tuluyan na itong nawala at naging abo.

Bumaling naman ang atensyon samin ng Mystique Lionne at dahan-dahan naglakad papunta sa direksiyon namin.

Pagkalapit nito ay agad ko itong pinasalamatan.

"Salamat sa pagtulong." Puno ng respeto kong ani at yumuko bilang paggalang.

Hindi manlang ako nakatanggap ng sagot dito sahalip ay naglakad ito palapit kay Zep na nasa hita ko.

Inangat nito ang kamay at idinikit ito sa ulo ng binata, nakita kong umilaw ito kasabay ng pagbabago ng kulay ng buhok ni Zep na naging kulay pilak. Pero hindi ito nagtagal dahil pagkawala ng liwanag sa kamay ng Leon ay siya ding pagbalik nito sa kulay abo.

"Hindi ko kailangan ng iyong pasasalamat dahil tungkulin kong protektahan ang aking tagapangalaga." Monotone na sabi nito

Umatras ito ng dalawang hakbang bago ulit nagsalita.

"At ngayon kailangan niyo nang makabalik sa inyong pinanggalingan dahil hindi na ligtas para sa inyong manatili dito lalo na't hindi pa kayo ganun kalakas...lalo na ikaw." Sabay tingin sakin.

Ellexiou's Academy (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon