Chapter Thirteen

388 47 1
                                    

Zephyr Blade POV

Lumipas ang buong oras na tulala lang ako. Ewan ko pero tumatak talaga sa isip ko lahat ng mga sinabi niya.

Kahit nga anong libang ko sa sarili ko hindi parin ako makakaget-over sa mga sinabi niya. Like, sure ba talaga siya dun? Baka mamaya nahanginan  lang yun kaya nagkaganun takbo ng utak nun.

At kung tinatanong niyo kung nasan siya ngayon. Ewan ko, dahil pagkatapos niya lang sabihan yung so-called confession niya ay agad din siyang nagteleport paalis.

"Blade, gusto mo ba magmeryenda?

Hindi ko nga maintindihan ang sa sarili ko kung bakit may part saking hinihiling na sana totoo ang mga sinabi niya?

Hindi ko naman siya gusto?

Blade, naririnig mo bako?

Pero ba't umaasa ako?

Kasi para sakin malabong magkagusto sakin ang mga tulad niya. Lalo na't langit siya damo lang ako. Kaya kahit anong gawin ko walang magkakagusto sakin.

"BLAAADDE!!!" Sigaw ni Trixxx na ikinagulat ko.

"A-ano?" Tanong ko dito pero isang masamang tingin lang ang binigay nito sakin kaya agad kong tinaas ang dalawang daliri ko at nag peace sign.

"My ghad kanina pa ako dakdak ng dakdak dito tapos hindi ka pala nakikinig. Ako ba niloloko mo!" Taas kilay nitong sabi sakin pero hindi ko na ito pinakinggan sa halip binigay ko sa kanya yung notebook na nasa lamesa.

Kunot-noo naman ako nitong tiningnan.

"Ano naman gagawin ko dito?" Takang tanong nito sakin .

"Amuyin mo." Sabi ko dito at inamoy niya naman.

"Ano naman ngayon?" Kunot noong tanong niya sakin.

"Uhmmmm...amoy notebook nu." Inosente kong sabi dito na nagpamula sa buong muka niya yung tipong beast mode.

"Bakit ganya ka makatingin? Hindi ba amoy notebook?" Balik kong tanong, pero bigla along may narealize." Aha! Baka amoy ballpen napaghalo ko kasi sila kahapon nakalimutan ko kasi,hehehe." Alinlangan kong sabi ko dito pero mas lalo lang ako nitong sinamaan ng tingin.

"Mag gagaguhan nalang ba tayo dito?! Isa pa talagang kabaliwan ang sabihin mo at ipapakain kita sa dinosaur." Banta nito na nagpaliwanag sakin.

"Oh my! Nakakapag-summon ka din ng dinasaur?! Alam mo bang matagal ko nang gustong makakita ng ganun kaso extinct na sila eh. Pero with your help matutupad ko yung pangarap ko na yun. Kaya please magsummon ka kahit yung mga parang paniking dinasaur lang, yung maliliit. Mamayang dismissal ha!" Ganadong sabi ko pero wala paring nagbago sa emosyon niya kanina mas lumala lang ngayon.

"Tinatamad ka ba? Pwede naman sa sabado, wala naman tayong pasuk nun eh. Hindi naman ako ganun kasamang kaibigan." Sabi ko syempre baka natotoxic siya ngayong schooldays so why not sa sabado free time niya! Di ba and talino ko.

"Alam mo ikaw alam kong matalino ka eh. Pero sa mga ganitong bagay daig mo pa ang nilangisan and utak puno na ng kalawang." Sabi niya at nag patuloy

Huh? Ako Bobo? Anong konek nun sa sinabi ko. Naman, Naman yan na nga sinasabi ko. Ang hilig kasing mambasa ng utak ng iba yan tuloy yung sa kanya nadadamage na. Tsk, tsk, tsk.

Lumipas ang oras namin say potion making hanggang sa naguwian na. Kaya agad kong niyaya si Trixxx pauwi pero bago kami tuluyang makalabas eh may tumawag sakin.

"Blade!" Tawag sakin ni Claude na nagpahinto sa tangka naming pag-alis. Ano kayang kailangan ng manyakis nato.

"Zup! Nung kailangan mo?" Maangas kong tanong habang pinupunasan ang salamin ko ng tissue, malabo na kasi.

Ellexiou's Academy (BxB)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora