Chapter Eight

400 57 0
                                    

Zephyr Blade POV

Kasalukuyan akong nasa room kasama si Trix, kakadating lang kase ng Prof namin na si Mr Marasigan.

"So class, magkakaroon tay-." Hindi niya na natapos ang kanyang dapat sasabihin ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang chosen eight na prenteng naglalakad papasok.

"Sorry were late." Hinging paumanhin ni Mr. Perpect Guy. Tapos yung iba...yun! May kanya-kanyang mundo. Mga walang modo!

"Its okay....pwede na kayong maupo." Marahang sabi ni Mr Marasigan at bumalik na sa dating pwesto.

Kaya agad nagtungo ang Chosen Eight sa direksyon namin ni Trix at umupo sa mga bakanteng upuan.

Pero sa kasamaang palad naging katabi ko pa si Dwyne. Kung minamalas ka nga naman.

Sinawalang bahala ko nalang ito at nagpokus nalang kay prof na kasalukuyang nagsasalita ngayon.

"So I was saying bukas na isasagawa ang weapon summoning kung saan pipiliin kayo ng mga sacred weapon na nagtataglay ng iba't ibang antas ng lakas at kakayahan. Pero ngayon...magpopokus muna tayo sa pagkakaroon ng teamwork. Magkakaroon tayo ng Game for today....at gagawin niyo ito sa Mystique Forest kung saan hahanap kayo ng NightShade Wolf at gagawa kayo ng paraan para mapaamo ito...Taming Game kumbaga"

NightShade Wolf?!

"At gagawin niyo to by partners...isulat niyo ang inyong pangalan sa papel na nasa inyong harapan." Ani niya kaya agad kong tiningnan ang table ko, dun ko nakita ang nasa mga one eight na papel. Kaya agad kong sinulat ang aking pangalan.

"Pagkatapos niyo namang sulatan ay punitin niyo ito at itapon sa basaruhan s ilalim ng inyong lamesa." Sabi niya na nagpakunot ng nou ko.

Huh?

Pinasulat niya kami ta's pupunitin din namin? Adikan lang?!

Pero syempre estudyante lang ako at prof siya. Punitin nalang natin tutal naman sinakyan ng mga kaklase ko ang kalokohan niya. Join to the flow kumbaga.

"Kung tapos niyo nang punitin ay kunin niyo naman ang papel sa bulsa ng uniform niyo, at kung sinong nakasulat dun ay ang partner niyo." Nakangiting sabi nito na nagpanganga ng bibig ko. Kaya agad kong kinapkap ang bulsa ng slacks ko at kinapa kung may papel dun. Meron nga! Agad kong kinuha ang nakarolyong papel at nanlalaking matang tumingin kay sir. WOW MAGIC! Angaling!

Pero sabagay, nandito pala ako sa magic realm kaya anything is possible.

Muli kong sinulyapan ang papel at hinay hinay itong tinanggal sa rolyo bago tiningnan ang pangalan...

Erox Dwyne Royal

Lintik na kamalasan naman oh!

Binaling ko ang tingin ko kay Trix at tiningnan ang partner niya.
Si Pres. Jake Sky Xavier. Swerte naman niya samantalang ako, malas!

"Hey faggot nerd! Wala tayong magagawa kung tutunganga ka lang diyan." Sita sakin ng animal na partner ko. Si Dwyne.

"Oo na eto na nga oh! Tumatayo na! Sana hindi ka nagmamadali." Ganting sabi ko sa kanya.

"Dami pang satsat. Tara na nga." At walang pasabing hinila ako sa lamesa nila, At patulak akong pinaupo na labis na kinairita ko.

Imbes na patulan siya ay tinuon ko na lang ang pansin ko kay Mr. Marasigan

"Sa tingin ko handa na kayo." Nakangisi ani ni Mr. Marasigan na ikinatayo ng balahahibo ko. Ano bang plano niya? "So shall we start the game?" Sabi niya na ikinahiyaw ng mga classmate ko bilang pagsang-ayon.

Ellexiou's Academy (BxB)Where stories live. Discover now