Chapter Three

513 53 0
                                    

Zephyr Blade POV


Kriiiingg...kriiiingg...kriiingg

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa aking alarm.

Kainis naman kitang nagbebeauty rest ako dito tapos ang ingay-ingay ng animal na to! Makabangon na nga!

Inaantok akong bumangon at sinumulang ligpitin ang hinigaan ko syempre naman kahit aalis ako dapat laging malinis ang kwarto ko para kung sakaling uuwi ako hindi na siya madumi. Baka mamaya pag uwi ko tirahan na ng ahas ang kwarto ko mahirap na hahahahaa!

Pagkatapos kong magligpit ay pumanhik naman ako sa cr para gawin ang mga morning routines ko tulad ng pagsesepiliyo at pagligo. FYI yun po talaga ang ginawa ko wag green minded!

After kong maligo ay agad rin akong nagbihis. Simpleng white oversized t-shirt lang ang sinuot ko at ripped jeans na pinaresan ng sneakers na sapatos. Napagdesisyunan ko narin na hindi magsuot ng disguise at tanging ang makapal ko lang na salamin ang tinira ko dahil sigurado din naman ako na hindi lang ako ang may kakaibang mukha dun.

Pagkatapos kong magbihis ay isa isa ko nang dinala ang mga bagahe ko sa sala at maayos na sinalansan. Nang maayos ko na ang mga gamit ko ay nagtungo naman ako sa sala para mag almusal. Simpleng gatas at tinapay lang ang inagahan ko tutal hindi rin naman sanay ang tiyan ko sa mabibigat na pagkain tulad ng kanin.

Katatapos ko lang hugasan ang pinagkainan ko pero hindi parin dumadating ang sundo ko kaya't napagdesisyunan ko munang tumambay sa sala.

Pagdating ko sa sala ay agad akong umupo sa aking gutay-gutay na sopa at nag search ng video sa YouTube.

Busy ako sa panoood ng Music Video ng Blackpink na Pretty Savage nang may bumusina sa labas ng bahay. Kainis! Chorus na tayo eh!

"Siguro ito na yung sundo na sinasabi ni dean" sabi ko sa sarili at agad tinungo ang labas ng bahay.

Pagdating ko bumungad sa akin ang gwapong lalaki na sa tantya ko ay nasa mga late twenties. Moreno ito at may magandang hubog ng katawan. My ghad bakit ang gwapo mga akitch! Alam niyo namang tao rin ako madaling kapitan tukso.

"Kayo po ba si Mr Alcantara, ako ngapala si Ben ang pinadalang driver ni Mr. Gomez (Dean). Magaling nitong saad habang may malalaking ngiting nakapaskil sa labi.

Bakit ang gwapo mga gurl! Feeling ko anytime na pwedeng malaglag ang brief kong spiderman! Pero Blade. Behave! Pag-aaral ang atupagin mo hindi kalandian.

" Epe...I mean. Oo ako po." Magalang kong saad pero nasa tono ang pagpapacute.

"Handa na po ba ang mga dadalhin niyo nang sa ganun ay makaalis na tayo." Saad niya na ikinatango ko.

"Handa na po....pero pwede po bang patulong akong magdala ng mga gamit ko." Request ko sa kaniya.

"Sige po." Saad nito.

Isa-isa naming binuhat ang mga bagahe ko papasok ng sasakyan at nang masiguradong ayos na ang lahat ay inaya na ako nitong sumakay at umalis na.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang mabored habang tinitingnan ang mga dinadaanan naming mga puno? Pero teka ba't gubat tong dinadaanan namin? Don't tell me...

"Poging driver wag niyo po akong patayin! Hindi ko naman po talaga sinasadya yung nangyari kay demonyitang Kim. Promise aksidente lang yun. Please spare me sir...promise I won't tell  just let me go!WHAAAAAAHH! TULONG LORD! TULUNGAN NIYO KO! PAPATAYIN AKO NITO! PALABASIN MO KO DITO!" Pagmamakaawa ko sa kaniya habang parang tangang sumisigaw ng tulong. Kayo ba naman di naman porke't gwapo tong si kuyang driver ay mapagkakatiwalaan na. What if binayaran siya ng pamilya nila pesting Kim na patayin ako! Huhuhuhuu sayang ang beauty ko kung madededu lang ako!

Ellexiou's Academy (BxB)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن