Teaser

322 36 1
                                    




"Paniwalaan mo ko. Please, hubby. Wala akong ginawa! Please...maniwala ka." umiiyak na pakiusap nito habang mahigpit na nakayakap sa tuhod ng binata.


Pilit naman siya nitong tinutulak pero nanatiling mahigpit ang kapit nito kaya buong lakas siya nitong sinipa na sanhi ng pagkakasubsub nito sa damuhan sa field.


Humagulhol ito sa iyak hindi alintana ang mga tao sa paligid. Hindi niya lubos maisip na ang taong sobrang siyang mahal noon ay napupuno na nang puot sa kanya. Dahil lang sa maling akala.


"Do whatever you want. Kill him if necessary." Walang emosyong sabi ng binata sa mga nanonood.


"We don't need to do that. Let's just wait for HM para siyang magdesisiyon." Diing sabi ni Claude na hindi nagugustuhan ang mga nangyayari. Alam niyang hindi iyon magagawa ng binata...

hindi niya magagawang pataying ang kanyang bestfriend.


"You know how I hate traitors right? Bakit kinakampihan mo siya. Hanggang ngayon parin ba gusto mo yang salot na iyan! Wake up, traitors like him deserve to rot in hell! Wala silang pwesto dito! Nang dahil sa kanila namatay ang magulang ko, nang dahil sa kanila." Singhal nito at galit na binalingan ng tingin ang nakasalampak sa damuhan.


Hindi nito maisip na parang kelan lang sobrang saya pa nila. Pero nang dahil lang dun....

nasira ang lahat.


"How can you say that? Alam mo Ikaw yung unang taong ine-expect kong magproprotekta sa kanya! Pero tingnan mo! Mas inuuna mo yung galit mo kesa sa tunay mong nararamdaman." Saglit nagpatigil ang binata dahil sa sinabi ni Claude. Ngunit nanatili itong matigas.


"My decision is final! Bring him on school auditorium for execution. I want everyone witness it. Kamatayan ang magiging kabayaran sa kasalanan niya." Sabi ng binata na ikinasinghap ng Ilan pero mas nanaig ang sang ayon sa desisyon ng binata.


"How dare you! Napakasama mo!Hindi ka miyembro ng High Council para magpataw ng ganyang parusa! Galit na sigaw ni Jaz na hindi na mapigilan magalit dahil sa maaring kahahantungan ng kaibigan. Alam niyang may proseso ito kung may sala ba ito o wala, ngunit masyado siyang nagpapadala sa emosyon. Hindi ito pwede!


Hindi naman natinag ang binata sa sinabi ng dalaga.


" I'm the future king of Ellexiounne kaya may karapatan akong gawin ang gusto ko." Pagmamatigas nito. "Bring him now." Utos nito at binalingan ng tingin ang lalaking walang tigil sa pagiyak. Kasalukuyan itong hawak ng dalawang estudyante. Gusto niyang magpaliwanag ngunit pagod na siyang linisin ang sarili niya sa taong sinasabing mahal siya.


Pagod na pagod.


Pinapanalangin nalang niya sa diyos ang kahihinatnan niya. Hindi niya alam kung anong eksaktong mangyayari. Pero sigurado siya, hindi magiging madali ang lahat.


"Mali to Bro! Maling-mali! May iba pang paraan. Hindi mo kailangang gawin to. Hindi mo kailangang maging ganito." Hinaing din ni Sky na kanina pa gustong makialam pero kilala niya ang binata. Batas ang salita nito kaya anumang naisin niya ay dapat masunod.


"Say whatever you want. Hindi niyo na mababago ang desisyon ko." Malaming nitong Sabi na hindi manlang binabalingan ng tingin ang mga kaibigan.



"You will surely regret this. If you just know." Makahulugang sabi ni Pia na nanatiling walang emosyon ang mukha.


Gusto na ng binata pakinggan ang mga kaibigan niya pero mas kinakain siya ng galit kaya pinagpatuloy niya ang balak na pagsisihan niya sa habang buhay.



Desisyon makakapagbago ng kanilang kapalaran.


Third Person POV

"Hindi ba natin siya tutulungan." Alalang tanong ng maliit na nilalang. Kanina pa niya gusto patayin ang mga taong nagpapaiyak sa master niya pero pinipigilan siya ng katabi.


"Maghintay kalang, nakatadhana ang lahat ng mangyayari kaya tiwala lang. Walang mangyayaring masama sa kanya ." Sabi ng nilalang at tiningnan ang lalaki habang nababakasan ng pagkahabag.


"Magpakatatag kalang. Matapos rin to." Bulong nito sa hangin.






________________________
May pa teaser po tayo ngayon. BTW. #95 po tayo sa nerd category out of 8.7k stories. Maraming salamat po sa suporta lalo na po kay @baklitangbirhen. Salamat po sa pagcocoment, pagvovote at pagbabasa nitong story sobra ko pong na appreciate yung suporta mo, niyo. Maraming salamat po talaga.



Don't forget to vote and comment.

Ellexiou's Academy (BxB)Where stories live. Discover now