Chapter 2

638 54 1
                                    

Zephyr Blade POV

Nandito kami ngayon sa harap ng office ni dean.

At hindi ko maiwasang mag isip ng mga bagay-bagay. Pano nalang kung ipa kick out ako? Pano na yung pagaaral ko? Paano ako makakapagtapos? Paano ako makakaraos sa buhay? Paano nalang ang mga mangyayari sa mga batang iluluwal ko! Ano! Mamamalimos kami!

As if naman kung mabubuntis ako. Hahahahaaa

Back to the story.

Kasalukuyan akong nakaupo habang kaharap ko si dean na kanina pa ako tinitingnan. Ewan ko ba? Pero kinakabahan ako sa klase ng tingin na binibigay niya sakin. Para bang may nagawa akong kasalanan sa kanya.

"Uhmm...D-dean about po dun sa nangyari kanina. Hindi ko p-" hindi niya na ako pinatapos magsalita ng sumabat na siya.

"I know. And we're not here to discuss what happened  earlier. I just want to inform you that you will going to transfer another school. We both know  the situation and to transfer is the best option for now." sabi niya

"But why so sudden sir...I mean...do I really need to transfer can't we just fixed what happened?"nanghihinayang na sabi ko

Syempre hindi naman ganun kadali magtransfer andami mo pang aasikasuhin mga requirements. Mabuti kung may mga kamag anak ako na aasikaso sakin eh ni isa nga sa kanila wala akong kilala. Nasan na kaya sila ano? Alam ba nila na wala na sila mama? At kung alam man nila ba't hindi nila ako hinanap? Haaaaayy buhay nga naman.Tsk.Tsk.Tsk.

"But you know the situation now Mr. Alcantara. This is a serious problem young man....you nearly get killed Ms Kim and many student witness it....But don't worry we already fix what happened. monotone niyang sabi

"But how sir...imposible po na ma areglo ng ganun kadale yung gulo na ginawa ko at sigurado rin po ako na magrereklamo ang magulang ni Kim" syempre demonyita yung babaeng yun kaya't hindi yun titigil hanggat di ko napapagbayaran yung ginawa ko sa kanya! At isa pa pano yung mga estudyante na nakakita sa ginawa ko. Baka mamaya sumugod nalang sila sa bahay para sunugin ako ah! Ayoko pang maging letsong bakla! Never!

"Wag kang mag-alala hind na nila maaalala yung nangyari"siya

"Pero pano sir?" Takang tanong ko

"Pinalitan na ni Ms. Dizon yung alaala nila. Ngunit hindi ibig sabihin nun na pwede ka paring pumasok dito, dahil hangga't maaga kailangan mo nang mailipat sa paaralan na nararapat sayo. Sa paaralan ng mga katulad mo." Dean

"Wait...ibig sabihin maligno rin si Ms. Dizon sir? At teka sir anong mga kauri ko ang ibig niyong sabihin? Ibig ba nong sabihin may paaralan ng mga malignong katulad ko at ilan bang malignong teacher ang nandito? Kasama po ba kayo sa mga maligno na nasabi ko?" Sunod sunod na tanong ko na ikinatango niya.

"Yes isa ako sa inyo at sampo sa mga faculty teacher natin dito. Pero hindi tayo maligno Mr. Alcantara tandaan mo yan. At para sa kaalaman mo tayo ay nabibilang sa matataas na antas ng tao at hindi maligno at kung may pinagkaibahan man tayo sa mga tao ay yun ay ang kapangyarihan natin." Pagliliwanag niya

Hindi na din ako nagulat tungkol dun dahil simula noon ay nakakagawa na ako ng mga bagay na hindi nagagawa ng normal na tao. Kaya hanggang maari ay sinisikap nila mama na hindi malaman  ng iba ang kakayahang kong ito.

Pero wait!

Ano kayang kapangyarihan ni Dean

"Dean kung katulad ko po kayo ano pong kapangyarihan nyo?" ako

"Isa akong Fortune teller ngunit may limitasyon ang bagay na nahuhulaan ko sapagkat kaya ko lang mahulaan ang mga mangyayari sa isang tao bago ang sampung araw na itinakda na mangyayari ang isang sakuna. Ngunit hindi lahat kaya kong hulaan dahil kadalasan lamang lumalabas itong aking kakayahan pag may mangyayari sa isang tao na maaring makaapekto sakin."mahabang paliwanag niya

Ellexiou's Academy (BxB)Where stories live. Discover now