Chapter Eighteen

344 41 0
                                    

Zephyr Blade POV



Arrghhhh! Heto na naman tayo!

Bakit ba laging nakabuntot tong mga ungag nato. Ang kulit-kulit

Okay naman na ako! Nakakalakad na, nakakatayo at nakakatakbo pa.

"Hoy! Pwede ba? Kayong dalawa, Dwyne at Claude! Lubayan niyo nga ko at wag kayong sunod ng sunod sakin na parang langaw dahil hindi ako tae. " Bulyaw ko pero tiningnan lang nila ako at nagkibit-balikat bago nagpatuloy sa paglalakad.

Seriously? -_-

Bahala kayo diyan! Hmmmp!




Kaya imbes na pagurin ko lang ang sarili ko sa pagintindi sa kanila ay nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang nakabusangot.

Nagumpisa kasi to kahapon. Nung spirit summoning namin kung saan nagpunta kami ni Zhyto sa underworld para kay Shinee, dark spirit ko.

Well hindi talaga naging madali para makuha ko ang pangalawang spirit ko. Dahil dumaan muna ako sa isang napakahirap na pagsubok.

Na hindi ko inaakalang mangyayari ulit.

Ang makita mismo ang kamatayan ng aking magulang

Haaaaayyy....buhay nga naman...

Pero nagpapasalamat parin ako dahil kahit sa maikling pagkakataon nayun. Nagawa ko muling mayakap ang mga magulang ko. Ang makausap sila. Hindi man naging maganda ang katapusan nung araw na yun. Pero nagpapasalamat parin ako dahil kahit papaano ay may nagawa kaming mga masasayang alaala.

Hindi ko na matandaan ang eksaktong nangyari pagkatapos nun. Pero nakwento sakin ni Zhyto kung pano nawasak ang kalahati ng underworld ng dahil sakin. At ang mas masama pa dito ay kasalukuyan akong pinaghahanap ng mga namumuno sa kailaliman para pagbayarin ako.

At Isa na nga sa nagpapatugis sakin ang Queen of Underworld o mas kilala bilang Goddess of Death and Destruction, Nymphes.

Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matutuwa dahil talagang famous nako sa impyerno

Imagine pati mga diyos hinahanap ako. (Fliphair)

Pero back to the story tayo.

Yun na nga. Pagkatapos ko daw  magpalutang-lutang at wasakin ang kalahating parte ng underworld ay nakita daw nila ako na walang malay kaya agad nila akong dinala sa bahay ni Shinee at binigyan ng paunang lunas.

Pero nakapagtataka lang nu? Pano kaya kami nagkasya dun?

Hindi din nasira ang bahay ni Shinee dahil sa isang ancient spell na nakabalot sa buong bahay na mula sa mga sinaunang diyos.

Gurang na po kasi talaga si Shinee, baby face lang talaga.

#sanaolbabyface

Tapos yun na nga. Nung masiguradong ayos na talaga ako. Napagdesisyunan na nilang ibalik ako sa academy.

Pero hindi ko lang talaga nagustuhan kung pano nila ako binalik.

Dahil imbes na dalhin nila ako sa isang disenteng lugar. Iniwan lang nila ako sa gitna ng field.

Poor me, huhuhu.

Ang dami-daming pwede kong paglagyan, sa gitna ng field pa.

Pwede naman sa kwarto ko o kaya sa loob mismo ng campus!

Pero bakit sa damuhan pa! Hindi ba nila alam kung ilang paa ang tumatapak dun? At ilang porsyentong maduduming bagay ang natatapakan nila.

Oh my ghad nalang.

Ellexiou's Academy (BxB)Where stories live. Discover now