ELEVEN

190 12 31
                                    

I could feel his stare behind me even when my eyes were trained on the stage in front of us.

I slowly turned my head to look at him and immediately found his smile.

Ngi-ngiti na sana ako pabalik nang nahiya dahil napansin kong katabi niya pala hindi lang si Bernadette kundi pati na rin ang Papa niya.

Tumango sa'kin ni Nong Andres at bahagya namang umirap si Bernadette. Sinuklian ko lang 'yon nang nahihiyang ngisi at hinarap na ulit ang entablado.

Nang tinawag ang pangalan ko upang parangalan ng unang papremyo para sa Extemporaneous Speaking Competition ay umakyat na ako sa entablado.

Isa mga hurado ang laging nababanggit na si Don Leandro– ang may-ari ng iilan ding pharmacy hindi lang sa La Estrella kundi pati na rin sa buong Iloilo.

"Congratulations, hija," bati niya sa'kin kasabay ang pakikipagkamay.

"Salamat po," tugon ko.

Isang libro at limang-daang piso ang nakuha kong premyo kaya ayos na rin. Nagdadalawang-isip ako kung itatago ba 'yon para pambili namin ng pagkain sa susunod na mga araw o gastusin ko para may handa naman kami sa kaarawan ko.

Hindi ko namalayan na kumunot pala ang noo ko habang kinukuhanan kami ng letrato ni Don Leandro kaya nabigla ako nang hinawakan niya ang braso ko.

"Hindi ka ba masaya sa pagkapanalo?" birong tanong niya.

Hindi na rin ako nakasagot dahil pinandilatan na ako ng punong guro namin dahil tatawagin na yata ang susunod na nanalo.

Sa wakas ay dumating din ang pagtatapos ng programa. Akala ko hihimatayin na ako sa gutom. Gusto ko na ring umuwi dahil ang dami kong iniisip– ang yakap ni Atlas at kung ano na ba talaga kami, ang kasiyahan na binigyan niya ako ng kuwintas at... kung kaya ba namin manatili sa La Estrella ni Nanay gayong walang ibang pinagkukuhanan ng pera.

"Rae!" tawag ni Danica.

"Hmm?"

"Gusto ka raw kausapin ni Ma'am Villalobos," sagot niya na ang ibig sabihin ay ang aming punong guro.

"Bakit daw?" tanong ko pero nagkibit balikat lang siya. Sumenyas ako sa mga kaibigan ko at nagmamadaling nagtungo sa backstage.

Nadatnan ko siya na kausap niya si Don Leandro kaya naman nag-atubili akong lumapit hanggang kumaway na siya sa'kin.

"Ma'am, pinatatawag n'yo raw po ako?"

"Yes, Rae. Gusto kang alokin ni Don Leandro ng scholarship."

Mangha akong napatingin sa kanilang dalawa. Tumawa tuloy nang marahan ang don.

"Ang sabi ni Ma'am ay maganda raw ang mga grado mo simula nang nag-aral ka rito. Kung ipagpapatuloy mo ito, siguradong magtatapos ka na may karangalan," sabi ni Don Leandro.

"Ah, opo."

"Pumunta ka sa opesina ko sa bayan sa... sa susunod na linggo. Tutungo ako sa Cebu ngayon kaya next week na kita kakausapin sa scholarship, hija."

"Salamat po!" magalang na sagot ko kahit sa totoo lang nag-uumapaw ang puso ko sa galak.

Ngumiti rin si Don Leandro bago kumunot ang noo, may iniisip yata habang nakatingin sa akin.

"Hm, nagkita na ba tayo dati, hija? Parang pamilyar ang mukha mo."

"Hindi pa po. Galing po ako sa Maynila," sagot ko na may halong pagtataka na rin.

"Si Rachelle po siguro ang iniisip n'yo. Kapatid nitong si Andraea si Rachelle na nagtrabaho po dati sa botika n'yo kung tama ang pagkaka-alala ko," sabi ni Mrs. Villalobos.

The Universe ConspiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon