EIGHT

197 20 56
                                    

Mabigat man sa kalooban ko ang sundin ang sinasabi ni Nanay ay ginawa ko na. Minsan lang niya ako pinagbabawalan kaya minabuti kong sundin na lang muna siya.

Nang dumating ang Sabado ay buong araw akong abala sa pagtulong sa kanya sa gawaing bahay. Idagdag na rin doon ang mga takdang-aralin ko.

"Nay, bakit po ba kayo naniniwala sa mga haka-haka tungkol kay Lola Lourdes?"

Tumigil si Nanay sa paglalaba at tiningnan ako nang mariin.

"Anak... may mga bagay na hindi mo pa naiintindihan kasi bata ka pa."

"Hindi na po ako bata. Matagal na po akong hindi bata, Nay."

Hindi na siya tumugon kaya tumahimik na rin ako. Ayoko pa na mag-away kami kahit naiinis ako sa pagbabawal niya sa'kin sa pag punta kay Lola Lourdes.

⭐🌙

"Rae! May naghahanap sa'yo!"

Nakaupo ako sa lilim ng talisay malapit sa classroom namin. Nasa canteen ang mga kaklase ko at kumakain ng tanghalian pero hindi ako sumabay sa kanila dahil ang totoo, nakalimutan ko ang baon ko. Pamasahe lang din ang pera ko kaya... ito ako at nagpapalipas na lang ng gutom.

"Huh?" nilingon ko si Danica at nakita agad ang lalaking nakatayo sa tabi niya.

"Sige Kuya, maiwan ko na po kayo. Rae, balik na 'ko sa canteen," paalam ni Danica at kinindatan pa 'ko. Siguradong ipagkakalat niya sa mga kaklase namin ang pagpunta ni Atlas sa'kin.

"Ba't ka nandito?" tanong niya.

"Uhhh..."

"Ba't ka nagpapagutom? Sabi ng classmate mo hindi ka raw sumabay sa kanila mananghalian."

Hindi na ako nagsinungaling at sinabi sa kaniya ang totoo. Ayoko man pumayag ay pinilit ako ni Atlas na sumama sa kaniya sa canteen.

"Kumain ka na," sabi niya sabay lapag ng maliit na tray sa lamesa. May dalawang pinggan na may lamang kanin at tig-isa rin kami ng mangkok na puno ng sabaw at kaunting pirasong hiwa ng baboy.

"Hindi ka na dapat nag-abala," komento ko sabay ngiwi.

"Don't worry about it. I really came here on purpose to take you to lunch. Nakuha ko na rin ang suweldo ko sa pagtu-tutor."

Dahan-dahan kaming nagsimula nang kumain kahit ang totoo ay gutom na gutom na rin talaga 'ko.

"Hinintay ka namin ni Lola Lourdes nang Sabado ah. Hindi ka dumating."

I looked at him uneasily and frowned. I'm ashamed of telling him the silly thing that my mother said so I just said I wasn't allowed to.

"Gusto mo ba ipagpaalam kita kay Nang Sylvia?"

"'Wag na Atlas... Uhhh basta... Pakisabi na lang kay Lola Lourdes pasensiya na. 'Wag mo sana banggitin na pinagbawalan ako."

He only nodded and looked seriously at me.

"Kamusta ang pag-aaral mo?" sabay naming dalawang tinanong sa isa't isa 'yon kaya natawa na lang kaming pareho.

"You first."

"Madali lang naman ang mga aralin. Kayang-kaya ko. Tingnan mo sa graduation baka kasama ako sa mga may honor," pagyayabang ko sa kanya.

He chuckled at what I said and was about to say something when someone approached us.

"Atlas? Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Mala-late na tayo."

Tiningnan ni Atlas ang relo niya at nakitang mag-aala-una na nga.

"Mauna ka na, Dette. Susunod na 'ko," sagot niya kay Bernadette.

Umismid si Bernadette at tumango na lang bago tuluyang umalis. Ang lakas naman ng pang-amoy niya at nasundan niya pa si Atlas dito sa school namin.

"Tapos ka na ba? Hatid na kita sa classroom mo."

"Uhhh 'di na! Baka ma-late ka pa."

"Are you afraid your suitors would see me?" he asked coldly.

"Anong suitors ang pinagsasabi mo? Tss!"

Pagpasok ko sa classroom ay umalis na nga si Atlas. Nagmamadali siya pero tingin ko ay mahuhuli na talaga siya.

"Boyfriend mo ba si Kuya Atlas, Rae?" usisa agad ni Marion na kaibigan din ni Danica.

"Huh? Uhhh hindi."

"O ba't nag-aatubili ka pang sagutin? Nakikita kita nang summer sa basketball court. Nanonood ka sa mga laro ni Kuya Atlas, 'di ba?" dagdag niya pa.

"Ano ba kayo. Parang kuya na lang natin si Atlas. At saka 'di ba girlfriend niya si Ate Bernadette?" Sumali na rin sa usapan si Joven na taga-baranggay rin namin.

"Oo! Bestfriends na sila noon pa. Ang sweet 'di ba? Friends turned into lovers!"

I felt my face grow hot at another classmate's declaration.

"Wala siyang sinasabi na girlfriend niya si Ate Bernadette," hindi ko napigilan ang sarili sa pagsasabi.

"Pero sinabi niya rin ba na hindi?" mapangasar ang pagtatanong ng nagsalita kanina na si Sunshine.

Umirap ako sa kaniya at hindi na nagsalita. Alam ko naman na wala siyang basihan at iniinis niya lang ako. Pero bakit nga naiinis naman ako? Ano ba ang pakialam ko kung girlfriend nga ni Atlas si Bernadette?

Nang uwian ay pumayag ako sa unang pagkakataon sa imbitasyon ng ilang kaklase na tumambay kasama nila.

Ilang beses na rin nila akong niyaya. Mukhang masaya namang kasama sina Kenny, Marion, Danica at Jomar. Dinala nila ako sa madalas nilang puntahan na lumang kubo malapit sa school.

"Baka masita tayo ng trespassing dito ha," sabi ko na medyo kabado. Naranasan ko na kasi sa Maynila at galit na galit si Tatay nang nahuli kami.

"Ano ka ba! Akala ko pa naman matapang ang mga laking Maynila," pangungutya ni Kenny at humithit sa hawak na sigarilyo.

I rolled my eyes instead. I considered telling them about the escapades I had with some friends but I didn't bother. I don't really care to impress them anyway.

"Ano, nasaan na ang beer?" tanong ni Marion kay Jomar.

Nilabas ni Jomar ang dalawang bote ng beer sa bag niya.

"Buong araw na nasa bag mo 'yan?" manghang tanong ko.

"Oo," sagot niya at tumawa.

"Hindi ako umiinom ng maligamgam na beer."

"Sabi ko naman bumili tayo ng ice bago pumunta rito eh!" paninisi ni Danica sa dalawang lalaki.

"Ako na ang bibili!" saad ni Jomar na naasar pa yata dahil nasisi pa sila ni Kenny.

"Kumusta ka naman sa school, Rae? Gusto mo ba rito sa La Estrella?" usisa ni Marion.

I shrugged. I like it here but didn't wanna tell them. Besides, I was thinking of something else and was a bit distracted.

"Sabi ng Nanay ko sa Maynila ako magko-kolehiyo!" pagmamayabang ni Kenny.

Alam kong mababa ang mga grado niya at ilang taon na siyang pasang-awa kaya hindi ko alam na may plano pala siyang mag kolehiyo pa.

"Akin na nga 'yan," sabi ko kay Kenny at inabot niya sa'kin ang dalawang bote. May dala siyang isang baso at pitsel sa bag niya. Kakaiba ang baon ng mga kaklase ko. Wala nga lang silang dala na pangtanggal sa mga tansan. Hay.

Kinuha ko sa bag ang susi sa gate ng bahay namin at ekspertong ginamit 'yon para mabuksan ang isang bote. Nagpalakpakan pa sila para sa'kin.

"Galing!" puri nina Danica at Marion kaya tumawa na rin ako.

Akmang bubuksan ko na rin ang isa pang bote nang biglang bumukas ang pinto ng kubo.

Unang pumasok si Jomar at sa likod niya, nakasunod at tila nagbabaga ang mga mata sa galit ay si Atlas.

Hay.

The Universe ConspiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon