TWELVE

195 12 44
                                    

"Nay bakit kayo nandito?"

"Hindi ba't ang sabi ko sa'yo 'wag kang pupunta rito? Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka!" pasigaw na sabi niya sa'kin.

Dali-dali akong bumaba sa bahay ni Lola Lourdes para hindi na siya madamay sa galit ni Nanay.

"Sylvia, huwag mong pagalitan ang bata," paalala ng matanda kay Nanay.

For a second, I thought my mother was going to snap at the old woman but thankfully, she didn't. She only swallowed and exhaled deeply like trying to contain herself. I couldn't understand why she was acting that way at all.

"Rae, umuwi na tayo!"

Tumango ako kay Nanay bago bumaling ulit kay Lola Lourdes. "Lola, aalis na po ako. Paumanhin po sa gulo."

Umiling lang si Lola Lourdes para ipahiwatig na walang ano man 'yon at tuluyan na kaming umuwi ni Nanay.

Pagkapasok pa lang namin sa bahay ay hinarap ko na siya agad.

"Hindi ko alam kung bakit ganyan kayo kay Lola Lourdes! Wala namang ginawang masama ang matanda sa'tin, Nay!"

"Hindi mo ako naiitindihan, anak!"

"Talagang hindi, Nay, dahil hindi n'yo sinasabi sa'kin kung ano ang problema!"

"Rachelle..."

"Hindi ako si Rachelle! Si Rae ako, Nay! Wala na si Rachelle pero ako, nandito!"

Bumagsak ako sa sahig na umiiyak. Tinakpan ng dalawang kamay ang sariling mukha pero kumakawala pa rin ang mga hikbi ko. Ang tagal kong nagkimkim ng sama ng loob sa mga magulang ko kaya naman parang baha ito ngayon na hindi mapigilan.

Alam ko naman na kahit ano'ng gawin ko hindi ko mapapalitan si Ate Rachelle sa puso at buhay nila pero, paano naman ako?

"Anak–" bulong niya nang lumapit sa'kin para daluin ako pero hindi pa ako tapos.

"Anak n'yo po ba talaga ako? Bakit hindi ko maramdaman, Nay?"

I saw the color drain from her face. She seemed to have lost what little strength she had and could only stare helplessly at me.

I have had suspicions for a couple of years but it was only when we came to La Estrella that the pieces began to fit in my mind. I didn't want to believe my fears of course, but they all seemed to be telling me the truth that I didn't want to believe.

Kung totoo nga ang mga hinala ko, marami 'yong maipapaliwanag– kung bakit malayo ang loob sa akin ni Tatay nang nabubuhay pa siya, kung bakit ngayon lang kami nakabalik sa La Estrella, kung bakit lagi akong tinatawag sa pangalan ni Rachelle.

Umiling si Nanay pero hindi ako papayag na hindi malaman ang katotohanan ngayon. Hindi na ako bata. Kaya kong tanggapin ang katotohanan. Panahon na rin para sabihin ko ang mga tunay kong nararamdaman.

"Nay... gusto ko pong malaman. Si... si Ate Rachelle po ba ang... ang nanay ko?"

She couldn't answer me but I could see the truth that was in her eyes. I broke down again, clutching my hand near my heart where it hurt the most. I hurt not only for the sister I never met and the pain of knowing I never really knew myself at all.

"Anak... anak pa rin kita..." hagulhol ni Nanay na ngayon ay yakap na rin ako.

"Nay, ikaw ang ina na nakagisnan ko... Hindi ko nakilala si Ate Rachelle, pero kayo ni Tatay ang mga naging magulang ko. Hindi ... po ba puwedeng mahalin n'yo rin ako bilang anak n'yo?"

"Rae, 'wag mong sabihin 'yan, anak. Mahal na mahal kita. Ikaw ang bunso ko," malambing na sambit niya kahit patuloy pa rin ang pagluha.

Matagal bago kami natapos sa iyakan ni Nanay. Hindi naging madali para sa amin ang magsabi at marinig ang katotohanan pero alam kong 'yon na rin ang magpapalaya sa aming dalawa.

The Universe ConspiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon