THIRTY-NINE

212 13 18
                                    

Present

Rae's POV

"Kapag hindi ka umalis ng La Estrella, hindi ako magdadalawang isip na sabihin kay Atlas ang totoo, Rae..."

"Hindi... hindi mo 'yan magagawa sa kanya..."

"Ano'ng hindi? Ano pa ba ang mawawala sa'kin? Kay Atlas, puwedeng mawala lahat ng pinaghirapan niya. Kaya isipin mong mabuti ang magiging desisyon mo, Rae. Kapag nakapagpasya ka na, tumawag ka sa'kin..."

Pinilit kong gawing maaliwalas ang sarili nang nakauwi. Kahit ano'ng mangyari, hindi puwedeng malaman ni Atlas. Hindi puwedeng magduda siya na may problema ako.

"Baby, are you okay? I'm sorry to be leaving you at this time. Kailangan ko lang talaga personal na kitain ang kliyente namin."

"Ayos lang," tipid na sagot ko habang nililigpit ang mga gamit niya.

Nang gabing 'yon ay tumanggi ako nang nagsimula siyang halikan ako dahil baka nga totoo ang sinasabi ni Bernadette...

"I promise not to stay longer than week. Pagbalik ko ay asikasuhin na natin ang sa kasal, ha?"

Palagay ko ay napansin niya na may bumabagabag sa'kin. Akala niya rin yata at dahil 'yon sa pag-alis niya o 'di kaya dahil pinagpaliban muna namin ang kasal.

"Ayos lang, naiintindihan ko naman," agad na sagot ko.

"Pa, ikaw ang bahala kay Rae. Uuwi po ako agad."

He kissed me goodbye on the forehead, sensing my withdrawn mood this morning. But I wasn't quite able to restrain myself and pulled him closer to bury my face in his chest.

I am going to find out the truth. Who knows how are relationship would change when the truth does come out? Kaya sasamantalahin ko ang sandaling puwede ko pa siyang yakapin.

"Baby, you're going to make it harder to go..." he whispered in my ear.

Marahang tumawa si Papa sa likod ko kaya bumitaw na ako kay Atlas. Pagkatapos ng isa pang saglit na halik ay umalis na nga siya.

Tahimik lang ako habang nakatingin sa kotse niya na papalayo na.

Atlas...

"Rae, anak? Pumasok na tayo," paalala ni Papa.

"Pa, may itatanong po sana ako..."

Hindi ko alam kung ano ang nalalaman ni Papa tungkol sa pagkatao ko. Hindi pa ako nagkakaroon ng pagkakataon na sabihin sa kanya o kay Atlas ang tungkol sa totoong relasyon namin ni Ate Rachelle, pero baka naman may alam siya. Napagusapan ba nila ni Nanay?

"Ano 'yon?" tanong ni Papa.

Sa opesina ni Atlas niya ako dapat igigiya pero minabuti kong sa kuwarto kami mag-usap.

Ngayong magkaharap na kami ay hindi ko na alam kung saan magsisimula.

"Pa... alam n'yo ba ang tungkol sa'min ni Ate Rachelle?" simula ko.

He swallowed before inhaling heavily. May nalalaman siya!

"Alam n'yo po ba na anak ako ni Ate? Kilala n'yo po ba kung sino ang tatay ko?"

"Rae..." nanghihinang usal niya.

I composed myself to ask the most important question of all, because in the end, it's all that really matters.

"Pa, pasensiya na po sa itatanong ko pero, anak po ba ni Mayor Aragon si Atlas? Ako po ba, anak niya rin ako? Papa, magkapatid ba kami ni Atlas?"

Pahisterikal nang pahisterikal ang boses ko, hanggang sa nauwi 'yon sa iyak.

The Universe ConspiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon