Chapter 32

8.3K 498 215
                                    




Fin's POV

Lumabas ako ng elevator at napansin ko na wala yung dalawa sa desk nila. Napatingin ako sa relo ko kung anong oras na. Maaga pa naman pero alam kong ganitong oras ay nakapasok na ang dalawa. Baka bumili lang ng kape ang dalawang \yon.

Nagtungo na ako sa office ko at doon ko nakita ang dalawang hinahanap ko kanina.

"Welcome back, ma'am." parehas na sabi nila na may ngiti. Napangiti naman ako.

"At talagang hinintay ninyo ako. Masyado naman ninyo akong namiss." pang-aasar ko sa kanila at lumapit sa kanila.

"Oo, miss ka na nga ng mga papel na kailangan mong pirmahan." sabi ni Gardenia. Napatigil naman ako sa kaligitnaan ng kwarto.

"Tinapay naman eh!" maktol ko. Doon ko lang nakita na ang daming folder at papel sa lamesa ko. "Akala ko ba si Papa nag-aasikaso nyan?" tanong ko.

"May mga kailangan pa rin po kayong pirmahan at reviewhin sabi ni Sir Fred." sabi ni Priya.

"Ganyan ka dami?" turo ko sa papel na nasa lamesa ko.

"Yes." sabay na sabi nilang dalawa.

"Ako ba'y pinagloloko ninyo?" tanong ko sa kanila. Nang-aasar eh.

"Coffee?" pang-aalok ni Gardenia. Sinamaan ko sya ng tingin. "Alright." sabi nya at nagtungo para kumuha ng kape.

"Nakakainis!" sabi ko.

Nakasimangot akong pinipirmahan ang mga papel na approved na ni Papa na kailangan lang ng pirma ko. Nakakainis talaga. Pumayag na nga akong magturo sa school nila Tita Jo tapos ganito aabutin ko? Dapat pala hindi na ako nagturo.

"Pakisabi kay Nardo na ialis muna nila ako sa team at wag ako bigyan ng task." sabi ko kay Priya na sa papel pa rin ang tingin. "Hindi ko iyon maaasikaso dahil dito."

"Okay po."

"At please, paki-reschedule ang mga meeting ko today. Sasamaan talaga kayo sakin ni tinapay dahil alam ninyong marami akong gagawin pero may mga meeting ako ngayon." sabi ko.

"Si Sir Fred ang nag-schedule lahat ng meeting mo ngayon." sabi ni Gardenia at nilapag ang kape ko sa gilid. Napasimangot ako.

"Susumbong ko 'yon kay Mama." sabi ko. Kinuha ko ang tasa at humigop. Napansin ko na ngayon ko lang ulit nalasahan ang kape ni Gardenia. Madalas kong inumin yung gawa ni Dianne kaya nanibago ako. "Kamusta pala kayong dalawa rito?" tanong ko tapos tinignan ko sila.

"Ayos lang naman po." sagot ni Priya.

"Good, ako kasi hindi ayos sa school." nakangiting sagot ko. Nagtatanong naman silang nakatingin sakin.

"Dahil may batang nangungulit sayo?" tanong ni Gardenia.

Tumango ako habang humihigop ng kape. "Walang araw na hindi ako tinatantanan non. Kahit sabado at linggo."

"Kawawa ka naman." pang-aasar ni Gardenia. Natawa na lang ako.

"Oh sya, kahit na gusto kong makipagkamustahan sa inyo. Marami akong gagawin. Kung hindi ganon kaimportante ang manggugulo sakin, pakisabi na bumalik na lang bukas dahil busy ako." sabi ko.

"Paano kapag dumating si Dianne?" tanong ni Gardenia.

"Hindi pupunta 'yon ngayon. Magkikita kami mamayang gabi kaya hindi 'yon susulpot." sabi ko.

"Okay. Tawagin mo na lang kami kung may kailangan ka." tumango ako. Nagpaalam na silang dalawa na lalabas na.

"Ah! bili na rin kayo ng lunch. Baka hindi na ako makatayo rito sa dami ninyong ipapagawa sakin." pahabol ko.

Mi Amore Series#3: My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon