Chapter 34

10.1K 611 670
                                    



Fin's POV

"I'm gonna miss you." malungkot na sabi ni Isabelle na syang naghatid sakin sa airport.

"Same here, Belle." nakangiting sabi ko. Nakatingin lang sya sakin ng malungkot. Alam kong ayaw nya akong paalisin. "Oh come on, Belle." hinila ko sya para yakapin. "You can visit me there whenever you want. You know, you're my favorite buddy." nakangising sabi ko at nakatanggap naman ako ng hampas sa likuran.

"Fuck buddy." parehas kaming natawa. Kumalas sya ng yakap.

"I'll be going now. Please take care of yourself, Belle." nakangiting sabi ko. Ngumiti sya sakin at hinawakan nya ako sa magkabilang balikat tsaka tumingkayad para halikan ako sa labi. Mas matangkad kasi ako sa kanya.

"Take care, Fin. Let's have fun again when you get back."

"Sure." muli nya akong hinalikan bago sya umalis ng airport.

Mahigit anim taon na rin simula nung huling heartbreak ko. Maraming naging ganap sa buhay ko. Hindi na ako yung katulad na Fin na madaling mahulos sa mga babae, na nagiging marupok. Well, marupok pa rin naman lalo na kapag may lumalandi sakin. Naging playgirl ako simula non. Maraming nagulat na naging ganon klaseng tao ako lalo sa mga taong hindi nakakaalam sa mga pinagdaanan ko.

Hindi naman ako masisisi ng apat sa nangyari sa buhay ko. Hinayaan nila akong maging playgirl na araw-araw na lang ay may babaeng inuuwi. Wala naman nagbago sa ugali ko bukod sa mas marami lang ako napapaiyak ng babae sa oras na nahulog na sila sakin. Hindi ko sinasadyang saktan sila dahil sa una pa lang ay sinabi ko na sa kanila na hindi ako makikipagrelasyon sa kanila sa oras na magkagusto sila sakin. Hindi ko rin naman sila basta-basta na lang iniiwanan. Nakikipagkaibigan pa rin ako sa kanila pero wala na ron ang sex. Karamihan lang sa kanila ay hindi iyon matanggap kaya lumayo sila.

Three years ago ay nakapagpatayo ako ng branch sa America. Kahit na nasa America ako ay hindi ko pinuntahan si Dianne. Hindi ko na inalam ang buhay nya rito sa America dahil ang pinunta ko lang naman dito ay ang kompanya. Ngayon ay pauwi na ako sa pilipinas dahil kaya ko ng iwan ng matagal ang kompanya. Pwede kong asikasuhin kahit nasa pilipinas ako.

Isang taon simula nung umalis si Dianne ay nag-resign si Gardenia. May naipon na raw ito kaya magpapatayo na lang sya ng business para mas marami syang time sa kapatid nya kaya naman si Priya na lang ang secretary ko pero nag-hire pa ako ng secretary na magma-manage sa America na branch. Simula rin nung umalis si Gardenia ay nawala na rin ako ng contact sa kanya kaya hindi ko rin alam ang nangyayari sa buhay nya.

Sa kanilang lahat, si Mayumi lang ang naco-contact ko. Bumalik kami sa dati pero kaibigan na lang. May karelasyon ito ngayon na kaartista nya rin. Ikakasal na rin sila ngayon kaya naman napauwi ako ng pilipinas rin dahil sa kanila. Gusto ni Mayumi na nandon ako sa kasal nya.

Speaking of kasal rin, yung apat na bugok ay mga kanya-kanya na rin mga pamilya. May asawa't anak na. Si kaliwa na nasa lahi ata ang magkaroon ng kambal ay unang anak nila ni Nissan ay kambal. Apat na ngayon ang anak nila. Sila Jade may dalawa pa lang na anak pati si Gia habang si Veron ay isa pa lang na dapat ay dalawa na kaso nakunan sya sa unang anak nila. At ako na napag-iiwanan na. Mukha ngang tatanda akong dalaga.

Kung tatanda nga akong dalaga, papatulan ko na lang siguro si Isabelle. Si Isabelle ay isa sa mga fling ko rito sa America. Sya ang pinakapaborito ko na bukod kasi sobrang ganda at sexy ay magaling din sa kama. Alam nya rin ang limitation nya kaya sya ang pinakamatagal kong fling. Hindi lang naman ako ang madalas nyang kasex dahil may isa pa syang fuckbuddy. Minsan na nga nya akong inaya mag-threesome pero hindi ko trip ang ganon. Mas gusto ko yung dalawa lang kami. Mabait si Isabelle kaya minsan ay lumalabas kami na walang nangyayari.

Mi Amore Series#3: My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon