Chapter 22

9.6K 564 392
                                    




Fin's POV

Kanina ko pa gustong lapitan si Gardenia para tulungan alalayan yung dalawa nyang kapatid na pari't parito kasama ang triplets at Leaf pero pinipilit kong wag gawin dahil sa pinag-usapan namin nila kaliwa kahapon. Siguradong paghihinalaan nila ako kaya naman para makaiwas ay hindi ako lumalapit kay Gardenia.

Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan si Gia at Jade na nagtutulakan. Siguro tamang umiwas ako kay Gardenia. Wala naman kasiguraduhan na magugustuhan rin ako ni Gardenia. At bukod doon ay sinabi ko sa sarili ko na hindi muna ako magkakagusto sa iba. Wala talaga ako isang salita. Bakit kasi ang bilis kong magkagusto eh.

"Ate!" napatingin ako kay Genos na yumakap sakin at nagtago sa likuran. Tumingin ako sa harapan at nakita si Cold. Ginawa akong panangga ni Genos para hindi sya mahawakan ni Cold. Naglalaro kasi sila ng mata-mataya.

"Taya!" mabilis umalis si Cold nung mahawakan si Genos. Sumunod naman agad si Genos.

Mga bata talaga.

Nagawi ang tingin ko kay Gardenia na nakatingin sa isang souvenir shop. Tumingin ako kanila kaliwa bago lapitan si Gardenia. Hindi ko talaga matiis.

"Bakit hindi ka pumasok kung may bibilhin ka?" tanong ko sa kanya pagkalapit. Napatingin sya sakin. "Magtatagal pa naman tayo rito. Tumingin muna tayo sa loob." pag-aaya ko dahil nararamdaman kong tatanggi sya.

"Sama!" napatingin kami kay Giannis na lumapit samin. "Ate bili mo ako non oh." napangiti ako. Wala na syang choice para tumanggi pa.

Pumasok kaming tatlo sa shop. Humiwalay agad samin si Giannis para magtingin tingin. Inilibot ko naman ang paningin ko sa loob ng shop. Wala akong matipuan na bilhin. Wala rin naman talaga ako balak na bumili dahil yung isa ang mukhang may gusto.

At ang isipin 'yon ay hinanap ko si Gardenia. Namimili na rin ito. Nilapitan ko sya at tinignan ang hawak nya.

"Bilhin mo na. Wag ka na magdalawang isip." sabi ko. Nagdedesisyon pa kasi halata naman gusto nyang bilhin.

"Wag kang demonyo." natawa ako saglit.

"Ibili mo na." bulong ko sa tainga nya.

"Fin!" natawa ulit ako. "Mukha ka talagang demonyo na nagpupumilit."

"Ibili mo na kasi. Gusto mo naman 'yan 'di ba?" tanong ko sa kanya. Bakit kaya yung ibang babae ang tagal magdesisyon ng bibilhin nila.

Inirapan nya ako at binitawan ang hawak nyang item. Naguguluhan naman ako sa kanya pero lumayo na sya para puntahan si Giannis.

"Hindi ko nademonyo." sabi ko at kinuha ang binabalak nyang bilhin. Nagtungo ako sa counter at binili 'yon. 

"Bakit mo binili?" nilingon ko si Gardenia. Nasa likuran ko na pala silang dalawa. Mabuti pa si Giannis nabili ang gusto nya.

"Nag-iinarte ka pa kasi eh." kinuha ko ang paperbag at binigay sa kanya. "Welcome." kinindatan ko ito at kinuha ang sukli ko.

Napabuntong hininga na lang si Gardenia sakin. Alam nya kasing hindi ko kukunin 'yon kapag binalik nya. Itatapon ko pa 'yon kapag nagpumilit sya.

Lumabas na kami ng shop pagkatapos bayaran ni Gardenia ang binili nya para kay Giannis. Lumapit kami sa mga kasamahan namin. Saktong aalis na kami para sa next destination.

"So far, nag-eenjoy ka ba?" tanong ko kay Gardenia. Sumakay kami sa van. Pumuwesto kaming dalawa sa dulo. Nasa linya rin namin si Jade at Paris.

"Nagagandahan ako sa mga pinupuntahan natin pero ngayon pa lang ay pagod na ako dahil sa dalawa." sagot nya.

Mi Amore Series#3: My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon