Chapter 40

12.5K 648 215
                                    




Fin's POV

"Momma?" nakarinig ako ng katok sa pintuan at boses ni Devon.

"Bukas 'yan!" sigaw ko. Hinintay ko syang pumasok.

"Kapag tapos na po raw kayo, pwede na po raw tayo kumain." sabi nya. Tinignan ko ang orasan. Malapit na mag-ala siyete.

"Oo tapos na ako. Baba na ako." sabi ko. Ngumiti sya sakin at umalis na nakaiwang bukas ang pintuan.

Tumayo na ako at lumabas ng office. Tumungo ako sa naggagaling na ingay sa dinning area. Gabi na pero ang taas pa rin ng energy ng mga bata. Nakaupo na ang mga bata kasama si Marie na kalong kalong si Nathan. Naghahanda naman ng mga pagkain sa lamesa si Ms. Dani. Lumapit ako sa kanya.

"Pasensya na ikaw pa ang nagluto." nahihiyang sabi ko. Bisita ko sya tapos sya pa nagluto.

"Ako dapat ang humingi ng pasensya dahil kay Devon." sabi nya sabay lingon kay Devon na kausap si Nigel.

"Medyo inaasahan ko na rin na sasama si Devon dito. Kung hindi lang madaldal yung dalawa." iling na sabi ko. "Tulungan na kita." sabi ko at tumungo sa kusina. Kinuha ko ang mga baso. Isa-isa ko 'yon iniligay sa harapan ng mga bata pati kay Marie.

"Let's eat na!" nakangiting sabi ko nung makaupo na lahat. Nag-uunahan naman silang kumuha ng ulam, syempre hindi ako nagpatalo.

"Ninang, akin 'yan!" sabi ni Lily. Binelatan ko sya.

"Nauna ako eh." sabi ko at kinain ang meatball. Nang-aasar pa ako sa kanya kaya ang sungit sungit ng tingin nya sakin. "Hmm! Sarap." tuloy na asar ko.

At bilang bawi ay kinuha nya ang chicken wings sa plato ko. Nanlalaki ang mga mata ko nung kainin nya ito. Pasaway na batang 'to mana talaga sa nanay nya.

Pagkatapos kumain ay ako na nagpresintang maghugas ng pinagkainan. Masyado na akong nahihiya kay Ms. Dani. Habang naghuhugas ako ay narinig ko syang lilinisin ang mga bata para makatulog na. Pagkatapos kong maghugas ay tumungo ako sa itaas. Una kong pinuntahan sila Nathan. Kasama ni Marie si Nigel at Nathan sa isang kwarto habang yung tatlo sa isa pang kwarto. Naglalaro si Nathan sa sahig habang binibihisan ni Marie si Nigel.

"Ano, ubos ang lakas ninyo 'no." sabi ko kay Nigel. Humihikab na kasi ito.

"Si Nathan na lang hindi pa, Ate." sabi ni Marie. Nilingon ko si Nathan.

"Patulugin mo na lang rin para makapagpahinga ka na." sabi ko.

"Sige po." ngumiti ako sa kanya at nagpaalam na puputa sa kabilang kwarto.

Kasalungat naman ni Nigel ang tatlo. Ang lilikot pa rin nila. Binibihisan ni Ms. Dani si Lucy habang yung dalawa ay nakahubo pa at tumatakbo takbo sa paligid ng kwarto.

"Lily, Devon, kakalinis lang ninyo pero nagliligalig pa rin kayo." saway ko. Napatingin sila sakin. "Tara rito, bibihisan ko na kayo." lumapit ako sa higaan dahil nandoon ang mga gamit nila. Lumapit sakin si Lily. Sinimulan ko na syang bihisan. Binihisan na rin ni Ms. Dani si Devon.

"Mommy, bedroom story." sabi ni Devon nung pinahiga na namin sila.

Tumingin naman ako sa orasan. Mag-aalas otso na.

"Hindi ka ba gagabihin nyan? pwede naman ako na magkwento sa kanila." sabi ko kay Ms. Dani.

"Papatulugin ko lang sila at uuwi na rin ako." sabi nya. Inaayos nya na ang kumot sa tatlo. Nag-aabang naman yung tatlo sa kwento ni Ms. Dani.

"Sa labas lang ako." paalam ko. Nilapitan ko yung tatlo at hinalikan sila sa mga noo. "Good night. Matulog agad ah? may pasok pa bukas." sabi ko.

"Good night!" ngumiti ako sa kanila at lumabas na ng kwarto.

Mi Amore Series#3: My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon