Chapter 37

11K 617 222
                                    




Fin's POV

Nagising ako na wala na yung nauwi kong babae sa condo. Nag-iwan sya ng note na kasama ang number nya at may lipstick pa. Napangiti ako at nagtungo na sa banyo. Tinapon ko ang papel sa basurahan at nag-alis ng damit. Naligo na ako. 

Sabado ngayon kaya naman hindi ako papasok ngayon. Aasikasuhin ko na lang sa bahay yung mga kailangan. Hindi naman ako naging busy nung bumalik ako ng pilipinas kaya marami akong time mag-aliw aliw lalo na sa gabi.

Kinuha ko ang sunglasses ko na brown ang salamin pagkatapos kong mag-ayos. Naglakad ako palabas ng condo at nilock ito. Nagtungo ako sa elevator. Habang naghihintay ay chineck ko ang cellphone ko kung may natanggap ba akong text or tawag. Nung huminto ang elevator ay pumasok ako at pinindot ang ground floor. Itinago ko ang cellphone ko sa pants ko at sumandal. Nag-cross arms rin ako habang nakatingin sa number sa itaas kung anong floor na. Huminto ito at may pumasok na alam kong makakasabay ko. Napatigil itong makita ako pero nagpatuloy rin at tumalikod sakin.

Wala ba silang sariling bahay ni Sharlene at nandito pa rin sya?

Muling tumigil ang elevator sa ibaba lang ng floor na tinutuluyan ni Mrs. Prather. Kasal na kasi sila ni Sharlene pero walang anak. Mag-aampon daw sila pero hindi pa alam kung kailan.

Dalawang babae ang pumasok. Napansin nila akong dalawa at pinasadaanan ng tingin. Napausog naman sa tabi ko si Mrs. Prather. Nasa harapan namin ang dalawa. Habang pababa ay napatingin sakin ang nasa harapang babae ni Mrs. Prather. Nginitian ko naman ito. Parang kinilig naman itong humarap. Napailing ako.

Lumabas kaming apat ng elevator. Naglakad ako palabas ng building. Hinanap ko ang susundo sakin ngayon para mag-almusal. Saktong may sports car na parating at tumigil sa harapan ko. Hinintay ko syang lumabas ng sasakyan. Sexy naman itong lumakad sakin pagkalabas.

"Good morning, devil." bati nya sakin. Hinapit ko sya at hinalikan sa labi.

"Good morning. Let's go? I'm hungry." sabi ko at pinagbuksan sya ng pintuan sa passenger seat. Naglakad ako papunta sa driver seat. Napansin ko naman yung dalawang babae at si Mrs. Prather sa entrance. Inalis ko ang salamin ko at kinindatan yung dalawang babae. Nginitian ko sila nung kinilig sila. Pumasok na ako sa sasakyan at sinuot muli ang salamin.

"Harap harapan ko talaga." natatawang sabi ni Nike.

"Hindi ko kasalanan na sobrang attractive ko." nakangising sabi ko at pinaandar na ang sasakyan patungo sa bahay nya.

Si Nike ang naging fuck buddy ko noon bago ako pumunta ng America. Ngayon lang ulit kami nagkita dahil nagbakasyon sya at kakauwi nga lang kahapon. Sya at si Isabelle lang ang nakatagal talaga sa pagiging fuck buddy ko na walang feelings na na-involve. Magkaugali lang sila ni Isabelle na minsan pa nga ay gusto ko silang magkakilala dahil siguradong magcli-click sila.

"Maraming naghahabol sayo pero yung mga taong gusto mo ay hindi ka gusto." sabi ni Nike habang nakaupo sa higaan at tinatakpan ang hubong katawan. Naikwento ko sa kanya ang pagkikita ng tatlong babae sa buhay ko.

"Yung mga naghahabol naman sakin ay katawan ko lang ang habol." nagsuot ako ng roba. Nagtungo ako sa coffee table nya rito sa kwarto nya kung saan nandoon ang pagkain namin.

"May mga nahuhulog naman sayo pero hindi mo naman magustuhan."

"Sila yung taong hindi pangmatagalan, Nike." uninom ako ng juice at nilingon sya. "Hindi ka ba kakain?" tanong ko.

"Maliligo lang ako." sabi nya at tumayo. Tinatakpan nya pa rin ang katawan nya kahit naman ilang beses ko na 'yon nakita.

"Sabay tayo?" ngising asar ko.

Mi Amore Series#3: My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon