Chapter 13

9.3K 433 81
                                    




Fin's POV

"Ano 'yang ginagawa mo?" boses na nananakot na tanong ko kay Rose habang pasimpleng kumakain ng chocolate sa kusina nya. Natawa ako dahil nagulat ko sya.

"Kumakain bakit?" mataray nyang sabi at sumubo ng pirasong chocolate kahit meron pa sa bibig nya. Kumuha ulit sya. Akala ko kakainin nya ulit pero itinapat nya sa bibig ko. Sinubo ko ang chocolate kasama ang daliri nya.

"Sarap." nakangiting sabi ko. Inirapan nya ako. "Labas tayo, Rose." niyakap ko sya sa likuran nya.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong nya at sumubo ulit ng pirasong chocolate. Ang takaw naman nito sa chocolate.

"Mall?" patanong kong sagot sa kanya. "Ikaw, may gusto ka bang puntahan?"

"Sa mall na lang tayo." hindi malinaw na sabi nya dahil sa chocolate na nasa bibig nya. 

Humarap sya sakin pero nakahawak ako sa bewang nya habang sya ay nakakapit sa balikat ko. Inilapit nya ang mukha nya sakin at hinalikan ako. Mabilis naman akong tumugon sa kanya pero ipinasa nya sakin ang kinakain nyang chocolate sa bibig ko. Medyo weird ang ginawa nyang yon. 

"Bihis lang ako." sabi nya at lumayo sakin. Weird naman na nginuya ko ang chocolate na binigay nya. 

Pumasok ng kwarto si Rose para magbihis. Nakabihis naman ako dahil balak ko talaga syang yayaing lumabas. Kumuha ako ng tubig at ininom habang hinihintay na matapos si Rose sa pagbihis.

Nagbukas ako ng cellphone at tinignan ang IG ko. Scroll lang ako ng scroll hanggang sa makita ko ang post ni Rose nakaraang araw kasama si Ms. Dani. Nasa bar sila at magkatabi silang dalawa. Kahit kasama ni Ms. Dani ang mga kaibigan nya ay hindi pa rin sya ngumingiti sa picture.

"Tara na." napatingin ako kay Rose na nasa sala na. 

Itinago ko ang cellphone ko at sumunod sa kanya palabas ng bahay. Isinarado nya ang pintuan ng bahay nya tsaka kami nagtungo sa kotse ko na nakaparada sa tapat nila. Pinagbuksan ko sya ng pintuan bago ako lumipat sa kabila at pumasok dito.

"Let's go." sabi ko at pinaandar ang kotse patungo sa mall. Nagkwe-kwentuhan naman kami ni Rose habang nasa byahe. Nakwento nya sakin ang pag-bar nila nung nakaraang araw. Kaya sila nagbar dahil kay Ms. Prather na nahuhulog na kay Ms. Sharlene. Namomoblema ang loko.

Wala akong masabi tungkol kay Ms. Prather dahil baka sermunan pa ako ni Rose. Kaibigan pa rin nya ang taong 'yon.

Nakarating kami ng mall. Pumasok kami sa lahat ng store na pwedeng pagbilhan ng gamit pero wala naman kaming nabibili. Paano puro negative ang sinasabi ni Rose na kaysa raw na saglit lang magagamit, mas gusto pa raw nya yung nasa bahay nya at kung ano-ano pa kaya wala kaming nabili kahit damit. Naisipan na lang naming manood ng sine.

Hinayaan ko si Rose ang pumili ng papanoorin namin. Lahat naman ng showing ay trip ko kaya sya na ang bahala mamili. Bumili na lang ako ng popcorn at drinks. Mas mahaba pa ang pila ng popcorn stall kaysa sa bilihan ng ticket kaya sumama pa sakin si Rose sa pagpila. Pagkabili namin ng popcorn at drinks ay pumasok na kami sa sinehan. Pinakadulo nakapwesto ang ticket number namin. Wala pang masyadong tao ang nandirito. Solo nga namin ang linya namin at sa harapan namin.

Nakabukas pa ang ilaw dahil hindi pa ito nagsisimula. Nakatingin ako sa harapan habang si Rose lumilinga linga. Tinanong ko sya kung may hinahanap ba sya o ano. Ang sagot nya baka raw may makakilala sa kanya na makita kami. 

"Dumating na kasi ang pinsan ko rito kaya baka mamaya nasa paligid lang sya. Sumbongera pa naman ang taong iyon." sabi nya. Kinuha ko ang sumbrero ko sa bag na dala ko.

Mi Amore Series#3: My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon