Chapter 2

14.3K 652 121
                                    




Fin's POV

"Goodmorning beautiful." nakangiting bati ko kay Rose pagkalabas nya ng kwarto nya. Nakasuot pa rin sya ng pangtulog nya.

Napakunot ang noo nya naikatawa ko ng bahagya. Hindi nya siguro ine-expect na maaga ako ngayon. Tumingin sya sa orasan na nakasabit sa pader tapos sakin. Nginitian ko sya.

"Ang aga mo." sabi nya at naglakad papunta sa counter.

Ala singko palang ng umaga ay nandito na ako sa bahay ni Rose. Maaga ang pasok naming parehas pero mas maaga papasok si Rose dahil may gagawin pa raw ito sa unang araw nya.

Nakitbitbalikat ako. Pinaghain ko ng pagkain si Rose. Fried foods lang ang niluto ko dahil ayun lang naman ang kaya ko tsaka umaga naman ngayon kaya okay lang ang mga niluto kong ulam.

"Kape lang sakin ah." sabi ko dahil nagtitimpla sya ng gatas nya.

Hindi naman sya nagsalita pero pinagtimpla nya ako ng kape. Masayang hinintay ko sya sa lamesa tapos sabay kaming kumain. Pagkatapos namin kumain ay naligo na sya habang hinugasan ko naman ang pinagkainan namin.

Nung okay na ang lahat ay pumunta na kami sa school. Hinatid ko sya sa clinic dahil baka maligaw pa sya rito. Ayoko pa sanang umalis dahil masyado pang maaga para sa klase ko kaso madaming aasikasuhin si Rose sa new environment nya kaya naman nag-ikot ikot na lang ako sa buong schools. Kahit ilang years na ako rito nag-aaral may mga parte pa rin ng school akong hindi napupuntahan. Malawak ang Hills University at kailangan ng sasakyan para makapunta sa pinakalikod nitong school kung ayaw mong mapagod.

Nung alam ko na nandito na ang apat ay pumunta na ako sa school namin. Nakita ko naman na naglalakad mag-isa si Jade kaya naman minadali ko ang paglalakad para mahabol sya.

"Goodmorning Jade!" masayang bati ko kay Jade.

"Ang saya mo ah? excited pumasok? wala naman na si Ms. Dani." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Shhh! pinagsasabi mo?" napatingin ako sa paligid baka may makarinig sa sinabi nito. Pahamak talaga minsan ang taong ito.

"Ang saya mo kasi eh parang natuwa ka pang pasukan na." sabi nya.

Napangiti naman ako. "Syempre naman 'no." napakunot ang noo nya. Mukhang nagtataka ito kung bakit.

"Bakit?"

"Eh kasi..." napahalikgik ako nang maalala ko si Rose. "Dito na nagtra-trabaho si Rose." masayang sabi ko. 

"Weh?! seryoso?" gulat na tanong nya. Napatango-tango ako.

"Yup! saya 'no?" sabi ko. Napailing sya. "Mamaya nga magsasakit sakitan ako para makapunta sa kanya." bawal kasing tumambay sa clinic kung wala naman sakit na nararamdaman pero sa tingin ko naman ay papayagan ako ni Rose na tumambay doon dahil sa hospital nga lagi akong nakatambay eh. 

"Siraulo. Tatakas pa eh." tinawanan ko sya. Bakit ba? gusto kong makasama si Rose eh.

Pumasok kami sa classroom namin at nandoon na ang tatlo. Nakisali kami ni Jade sa kanila

"Guys, alam ninyo bang dito na nagtra-trabaho si Rose." balita ko sa kanila. Pati sila nagulat sa nalaman nila.

"Oh? edi madalas mo na syang makikita nyan?" tanong ni Veron. Kinindatan ko ito.

"Ayos 'di ba?" nakangiting sabi ko. Masaya naman sila para sakin. Botong boto rin sila kay Rose dahil sabi nila, nagagawa raw ni Rose na pasayahin ako. Sobrang saya ko naman talaga basta kasama ko si Rose. Si Rose na nagbigay ng sigla sa buhay ko.

Mi Amore Series#3: My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon