Chapter 48

12.4K 690 509
                                    




Fin's POV

Nakasimangot ako habang pabalik sa condo pagkatapos kong mag-grocery. Kahit tapos na akong kumain ay nanatili ako sa restuarant at binabantayan ang dalawa. Hindi rin ako lumapit sa kanila dahil ayokong mang-istorbo kahit na naiinis na ako kay Chez. Pasimple sya masyado eh.

Pagkarating ko ng condo. Hindi ko na inayos ang pinamili ko at agad hiningi kay kaliwa ang number ni Dani. Hindi ako mapakali habang hinihintay ang reply ni kaliwa. Iniisip ko kung magkasama pa ba si Chez at Dani.

"Ahhh!" inis na ginulo ko ang buhok ko dahil sa pakiramdam ko na hindi mapakali kahit na anong gawin kong palakad-lakad. Naupo ako sa couch at tatawagan na sana si kaliwa nung mag-text sya. "Sawakas!" agad kong sinave ang number ni Dani at tinawagan pero binabaan nya rin agad.

Iniisip ko na dahil hindi pamilyar sa kanya yung number kaya hindi nya sinagot at hindi dahil busy sya kay Chez!

Nag-compose na lang ako ng message sa kanya para malaman nyang ako ang tumatawag. Sinabi ko rin ang dahilan kung bakit iba ang number ko. Pagkatapos ko syang itext ay hinintay ko syang mag-reply. Nakatingin ako sa cellphone ko na nasa coffee table. Nag-aabang. Dalawang minuto na nakakaraan nung mag-reply sya. Hindi ko na pinansin ang tagal ng reply nya.

"Okay? okay?!" hindi makapaniwalang basa ko sa simpleng reply nya. "Busy ba sya sa Chez na 'yon at okay lang ang reply?" nanggigil ako pero pinapakalma ko lang ang sarili ko.

Hindi nya ba ako namiss? ilang araw kami hindi nagkita tapos okay lang? nakakainis!

Nagtungo ako sa kwarto ko at ngmaktol sa higaan. Naiinis ako pero agad rin akong tumayo para balikan ang cellphone kong naiwan. Wala pa rin syang sunod na reply. Napasimangot ako. Naiinis ako sa kanya.

Inasikaso ko na lang ang pinamili ko at naghanda nang umuwi ng bahay. Nakasimangot ako hanggang sa pag-uwi. Padabog ko ngang binubuksan ang mga pintuan ng mga madadaanan ko sa inis. Hindi mawala-wala ang inis ko dahil palaging pumapasok sa isip ko na magkasama ang dalawa. Kabadtrip!

Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko naman hinanap ang cellphone ko na kung saan ko binato sa sobrang inis dahil wala pa rin syang reply kahit na hindi ako nagreply sa okay nya. Aba, anong irereply ko sa okay nyang 'yon? nakakainis eh.

"Gotcha!" sabi ko nung makita ko ang cellphone ko pero hindi ang inaasahan ko ang nagtext. Si Dianne nagtext na stable na ang dad nya. Nagreply lang ako ng okay at take care tsaka inilapag ang cellphone sa sahig. Nakahiga ako sa couch at hindi ko abot ang coffee table.

Hindi pa rin mawawala sa pakiramdam ko ang magselos. Oo nagseselos ako. Sa tagal naming hindi nagkita, okay lang yung reply nya dahil busy sya kay Chez. Ang panget panget naman ng Chez na 'yon. Hindi nya ba ako namiss? ako namiss na namiss sya! Kung ano-ano na pumapasok sa isip ko na ayokong mangyari dahil magkasama yung dalawa. Nakakainis talaga.

Nakarinig ako ng doorbell pero hindi ko pinansin. Bahala sya dyan. Baka yung mga anak lang 'yon ng apat o kaya yung apat. Wala ako sa mood makipag-usap sa iba. Gusto ko si Dani lang.

Tinakpan ako ang ulo ko ng unan dahil paulit-ulit ang pag-doorbell. Walang yelo!

Mabuti na lang ay tumigil ang istorbo na 'yon. Pinilit ko na lang matulog para hindi maisip sila Dani pero nakakainis talaga. Sya at sya talaga ang naiisip ko kasama ang Chez na 'yon na ang saya-saya nila.

Napakunot ang noo ko dahil narinig kong bumukas ang pintuan. Bigla akong kinabahan pero iniisip ko ang apat lang 'yon dahil may duplicate nga sila ng bahay. Inalis ko ang unan sa ulunan ko at tumingin sa pintuan.

Mi Amore Series#3: My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon